Chapter 50

2 1 0
                                    

Jheuna POV

"Okay from the top tayo!" Sigaw ni Rica habang pumapalakpak.

Napahinga ako ng malalim saka nagpunas ng pawis. Kanina pa kami nagpapractice ng sayaw dito sa isang covered court. Sabado ngayon at walang pasok kaya ginamit namin ang time para magpractice ng sayaw.

"Pagod ka na ba?" Tanong ni Kyle sa akin. "Do you want some water?"

Hindi pa ako nakasagot ay naglakad na siya patungo sa isang sementadong upuan para kunin ang tumbler sa bag na dala ko. Nang makabalik siya sa tabi ko ay inabot niya sa akin ang tubig.

"T-thanks." Gusto ko sanang tumanggi kasi hindi naman ako nauuhaw kaso andyan na eh. So binuksan ko nalang ang tumbler ko at uminom ng kaunti. "Eh ikaw nauuhaw ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "I am not."

"Oh mamaya na ang chika! Practice muna tayo!" Naiinis na sigaw ni Rica nang makitang hindi pa naka ayos ang lahat dahil sa kaka chika.

"Eh kanina pa tayong 8 am nagpapractice. Break time na muna please!" Pakiusap ng iba sa kanya.

Napamewang siya. "Hay naku! Puro kayo breaktime! Hindi pa tayo tapos. Ang layo layo pa natin, sa totoo lang!"

Psh! Mahaba pa naman ang oras. Totoo namang kanina pa kaming 8 am nagpapractice at 10 am na ngayon. Halata sa ibang kasama namin na pagod na sila. Nakakawendang din naman kasi ang dance steps namin. Parang isang sabak pa lang, trangkaso na kaagad!

"Rica naman eh. Just let us rest for atleast 5 minutes." Pakiusap naman ni Lady na nag-inat ng kanyang mga braso. Pft! Pati siya sumuko na. Nakapag english din ang gaga. Pasalamat siya at wala kami sa paaralan kundi babatokan ko siya. Hindi pa ako nakabawi sa ginawa niyang paglista sa akin. Hindi man lang pinalagpas.

Nakita kong napairap si Rica.  Ubos na talaga ang pasensya niya. "Okay fine!" Sabi niya na ikinatuwa naming lahat.

Kahit hindi kami nakabilad sa init, parang ganoon din ang nafefeel namin kasi mainit pa rin kahit may bubong itong court.

"Here mag snack kayo guys!" Alok ni Regine sa dala niyang pizza. Limang box ang dala niya. Sakto lang sa amin kasi 30 kaming lahat tapos present lahat.

Kumuha ako ng isang slice saka naupo sa bleacher at kumain. Malaki naman ang pagkakaslice nito kaya kasya na ito sa akin. Mabubusog na ako nito.

"Oh!" Inalok ako ni Kyle nang dala niyang coke in can. Tinanggap ko ito saka ako nagpasalamat sa kanya.

Sa katunayan ay madaming pagkain ang dala ng mga kasama ko. Kanya kanya sila ng dala. Kami na ang bahala kung ano ang kakainin namin. Samantalang ako naman, lunch ang sagot ko. Nagpaluto ako sa hotel. Mamaya pa siguro darating iyon. May binayaran akong mga tao para dalhin iyon dito sa covered court since dito lang kami pwede kumain, para masiguro na walang tatakas. Hindi ang mga blacky ang inutosan ko dahil narito silang lahat ngayon at nakabantay para ligtas kaming lahat. Ngunit nagtatago lang sila at hindi nagpapakita sa amin.

"Oh tapos na ang 10 minutes! Back to work na tayo!" Anunsyo ni Rica saka pumalakpak na naman ulit.

Wala kaming nagawa dahil pati si Lady ay sinabihan na kaming bumalik sa formation. From the top kami kaya balik kami sa marching papunta sa harap. Nakakapit ako sa braso ni Kyle habang nakahawak sa imaginary palda habang nakamarch patungo sa gitna.

"Energy naman guys! Parang hindi kayo nagsnacks ha!" Sigaw ni Rica nang makita kaming sumayaw ng walang kabuhay buhay.

Nangangalay na yong mga paa at kamay ko sa pagsayaw. Wew ang sarap nang umuwi at matulog sa bahay. I really don't like involving myself to this kind of activity. But it's okay. Grade namin sa A.P ang nakasalalay dito.

Nagpatuloy kami sa pagpractice hanggang sa dumating ang mga inutosan kong magdala ng pagkain dito. Nagsilingunan ang mga kasama ko ngunit muli silang nagfocus nang makarinig ng sigaw mula kay Rica.

"Nakakagutom!" Komento ni Ricky habang nakatingin sa mga pagkaing nakalagay sa lamesa. Nagsi ingay naman ang mga kaklase ko nang makita nilang isa isang nilalabas ang mga pagkain na nakalagay sa tupperware.

It's just a simple lunch. But sinigurado kong kasya sa aming lahat ang pagkain. Sobra pa nga eh. Well... Hindi ko kasi alam kung gaano kalakas kumain itong mga ito.

"Sa partner ang tingin hindi sa pagkain! Ano ba wala pang 12 noon! Bilis niyo naman magutom!" Naku ang strict naman ni Rica ngayon. Ibang iba ang attitude niya sa klase.

Napanguso ang iba. Pinilit nilang magfocus ulit sa practice. Mukhang gutom na sila. Pasulyap sulyap kasi sila sa pagkain. Sadly hindi pa oras.

"Lunch time!" Sigaw ko nang sumapit ang 12 noon. Tinignan ko si Rica at nakita ko na tinaasan niya ako ng kilay. Nagpeace sign ako. "Sorry! Gutom na ako!" Sabi ko.

Narinig kong tumawa si Kyle. "Gutom na ang tigre." Bulong niya.

Napabuntong hininga si Rica saka tumango. Mukhang gutom at pagod na rin siya. "Oh sige magsikain na kayo. Balik tayo sa practice  pag 1 o'clock na!" Pasya niya. Napahiyaw ang lahat saka nagtungo sa table at nanguha ng pagkain.

Lumapit na rin ako sa lamesa bago pa ako maubosan. Malapit na sana ako nang biglang sumulpot si Kyle at inuhan akong kumuha ng plato. Ngumiti siya saka niya inabot sa akin ang kinuha niyang plato, tinidor at kutsara.

Napanganga ako sa ginawa niya. Ang weird niya talaga. Tinanggap ko ang utensils na binigay niya saka ako nagtungo sa mga pagkain. Nanguha ako ng kanin at ulam. Talagang pinuno ko ang plato ko. Nagutom kasi talaga ako.

Apat na klase ng ulam ang nakaserve. Parang birthday party ang handaan.

"Ano pang gusto mong ulam?" Tanong ni Kyle saka ako inunahan kunin ang serving's spoon para sa beef stake na kukunin ko sana. "Ito ba?" Tanong na naman niya kaya tumango ako.

Beef stake at adobo lang ang kinuha kong ulam. Ito lang ang bet kong kainin eh. May iba pang dalawang ulam, menudo at afritada. May dessert ding graham cake at halo halo ang nakalagay sa lamesa. Graham ang napili ko. Hmm... Si Kyle na naman ang kumuha.

Alam niyo, kanina pa ako nagtataka sa kilos niya. Masyado siyang mabait ngayon. Ang weird lang.

"Hey anong iinomin mo?" Tanong na naman niya. Sinagot ko nalang siya ng 'juice' at hinayaan siyang gawin ang gusto niya. Bahala na! Siya naman ang nagvolunteer. Doon siya masaya eh.

Pero hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti dahil sa ginawa niya. Ang cute kasi!


The Incredible NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon