Chapter 41

0 1 0
                                    

Jheuna POV

"Angel gising!" Isang tinig ng humahagulgol na bata ang narinig ko sa isipan ko.

Naramdaman ko ang mabibigat na kamay na itinulak tulak ang dibdib ko. May hangin na pumapasok sa bibig ko habang patuloy kong nararamdaman ang kamay na iyon. Nang dahil doon ay naramdaman ko ang tubig na nanggaling sa loob ng katawan ko na umangat papunta sa bibig ko. Isinuka ko iyon saka ako napaubo.

"Jhe? Gising!" Ang kaninang boses ng isang bata ay napalitan ng malalim na boses na nagmula sa taong kilala ko.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Malabo ang nakikita ko. Doon ko lang narealized na wala pala akong suot na salamin. I can feel pain in my eyes so I rubbed it slowly.

"Thank God you are awake Jhe!" Sigaw ni Lady na sa tingin ko ay umiiyak.

"Damn! Muntik ka na don!" Naramdaman ko ang pag angat ng katawan ko mula sa batong kinahihigahan ko. Naramdaman ko ang isang mainit na yakap na nagmula sa mga bisig ni Kyle. Wala siyang suot na damit kaya nararamdaman ko ang init ng balat niya. "I'm sorry Jhe for putting your life in danger!" He whispered and kissed my forehead.

Naku! Muntik na talaga ako doon. Bigla nalang bumaha sa ilog. Buti nakaligtas kami doon.

"Mabuti nalang at nakakapit si Kyle sa bato. Gosh! Nakakatakot naman pala maligo sa ilog. First time ko pa naman!" Sabi ni Lady.

"Hmm nangingitim ang mga ulap kanina sa mataas na bahagi ng bundok. Sa tingin ko ay umuulan doon." Tugon naman ni Mark.

Iyon din ang nakikita ko kanina. Aisht! Bakit hindi ko pinansin iyon? Sana pala hindi nalang kami tumuloy. Muntik ko pa silang ipahamak. Damn! Napakatanga ko!

Narinig ko ang paghampas ng isang kamay sa isang braso. "Bakit hindi mo sinabi? Para sana hindi na tayo tumuloy pa! Tignan mo ang nangyari kay Jheuna!" Inis na sabi ni Lady. Narinig ko ang paghagulgol niya.

Huminga ako ng malalim. "I'm sorry! Hindi ko alam na mangyayari ito."

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Kyle sa akin. "No! Don't blame yourself. Walang may kasalanan dito." Ani niya.

"Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo para gumaan ang mga pakiramdam niyo." Aya ni Erick. Narinig ko ang paghinga nila ng malalim. Napagtanto kong nasa itaas kami ng pangpang na dinaanan namin kanina. Nasa baba ang ilog, na naririnig ko pa rin ang pag agos ng malakas na tubig.

Binitawan ako ni Kyle at inalalayang tumayo. "Kaya mo bang maglakad?" Tanong niya.

Napailing ako. Nanginginig pa rin ang katawan ko dahil sa lamig at takot. Kaya takot ako sa malalim na parte eh. Natatakot akong malunod. Kaya hindi na rin ako nagaral kung paano lumangoy.

Pakiramdam ko naranasan ko na ito dati. Naalala ko yong scenes na nakita ko sa isipan ko kanina bago ako mawalan ng malay.

"Wala akong salamin." Bulong ko.

Bumuntong hininga siya. "Natangay ng tubig ang salamin mo. Hindi ko nakuha."

Napanguso ako. Nasa bahay ang mga salamin ko. Hindi ko nadala dito sa ilog. Paano na ako nito?

Naramdaman ko ang paghawak ni Kyle sa likod at hita ko. "Let me carry you." Bulong niya. Hindi pa ako nakasagot ay binuhat na niya ako.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan at naramdaman kong ipinasok ako ni Kyle doon. Naaninag ko ang familiar na design ng loob ng kotse ko. Inupo niya ako doon, paharap sa labas.

"Kuha muna ako ng pagkain." Sabi niya saka siya naglakad palayo.

Saglit lang siyang umalis at pagbalik niya ay may dala na siyang pagkain na ipinatong niya sa lap ko. "Subuan na kita para hindi ka mahirapan." Aniya niya.

Umiling ako. Panay ang pagpikit ko. Humahapdi ang mata ko sa tuwing pinipilit kong pinapalinaw ang tanawin sa paningin ko. Shit! Bakit ba kasi hindi ako nagdala ng extra eye glasses? Ang labo labo ng paligid.

"Ako na!" Akmang ibaba ko ang kamay patungo sa plato nang hawakan niya iyon.

"Relax... Hayaan mo akong pagsilbihan ka. Bilang pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng naitulong mo samin ni lola." Bulong niya gamit ang namamaos niyang boses.

Ay? Akala ko may ibang dahilan. Kidding! Napanguso ako saka tumango. Wala akong choice. Isinandal ko ang ulo ko sa upuan saka  ngumanga. "Feed me then." Itinuro ko ang nakabukas kong bunganga. Narinig ko naman ang pagtawa niya at pagpisil sa ilong ko.

"Yes boss!" Naramdaman kong may isinubo siya sa bibig ko. Nginuya ko yon at nalasahan ko ang masarap na lyempo. Napangiti ako. Isa rin ito sa mga pagkain na paborito ko.

Nangunot ang noo ko. "Boss ka dyan!"

Tawa lang ang itinugon niya. Nagpatuloy siya sa pagsubo sa akin ng pagkain hanggang sa maubos ko ito. Tsk! Para akong bata sa ginagawa niya. But I'm glad because he is here. May dala rin siyang sarili niyang pagkain na kinain din niya sa harap ko.

Hmm... I've remember something that happened earlier. "Why did you kissed me?" Diretsong tanong ko habang nakakunot ang noo ko.

Nabigla siya sa tanong ko dahilan para masamid siya. Muntikan na niyang maibuga sakin ang iniinom niya sa mukha ko. Narinig ko ang paglunok niya. "Ginulat mo ako!" Tanging sagot niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Bakit nga?"

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "I already told you earlier that I have a dream last night, that I wanted to kiss an angel under the waterfalls." Sagot niya.

Taka ko siyang tinignan. Nanatili pa ring nakakunot ang noo ko. Suddenly I remember the scenes, I have saw in my mind before I lost my consciousness. Umiling ako. "Hindi naman ako anghel?"

Natawa siya. "Hindi ko rin alam kung bakit." Napailing iling siya.

Huh? Gulo naman niya. "Nevermind!" Inirapan ko siya saka ako pumikit at huminga ng malalim.

Pinakiramdaman ko ang puso ko. Malakas ang tibok nito. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang puso ko.

Tinignan ko si Kyle na naging dalawa sa paningin ko. 'Why are you like this Kyle?' I can't understand why is he doing this to me. He kissed me without a valid reason. Kaya nga ako nag out of town para maka recover. Tapos dinagdagan pa niya. 

Kung kailan hindi ako lasing. Kung kailan iniwasan ko na ang uminom. Siya naman itong gumagawa ng mga kalokohan na nakakapagpa gulo sa puso't isip ko.

The Incredible NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon