Kyle POV
"Buhatin niyo si Jheuna dali!" Utos ni Lady Mae kaya binuhat ko babaeng nerd at dinala sa clinic. Gusto ko siyang tawaging babaeng nerd kasi cute pakinggan.
"Oh! What happened? Siya yong humingi ng gamot kanina diba?" Gulat na tanong ng nurse na sinagot naman ni Lady Mae.
Sumenyas ang nurse na palabasin muna kami ng clinic saka niya inasikaso si Jheuna. Ilang saglit pa ay natapos na ito at nagresita ng gamot. Matinding pagod ang cause kung bakit siya nahimatay. Kailangan lang niya ng pahinga para bumuti ang lagay niya.
I decided to call Rudolfo para ipaalam sa kanya ang nangyari. "Hello Rudolfo?" Sabi ko sa kabilang linya. Buti binigay niya sakin ang number niya. Gusto niya raw kasi ako maging matextmate niya+,-
"Pineapple pie is that you?" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"Yes this is me. I called you to inform you na si Jheuna ay nahimatay dito sa school kanina----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marinig ko ang malakas niyang sigaw.
"ANOOO? Si Maam bakit?" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"Pagod sabi ng nurse. Come here and fetch her." Sagot ko.
"Naku! Super duper late na kasi si maam natulog kagabi sugarpie. Naginoman sila ng kaibigan niya kagabi eh." Si Jheuna? Umiinom? Tsk kababaeng tao lasinggera. Kaya pala knock out. Inapoy pa ng lagnat. "Naglaro din kasi sila kagabi. Nagpadamihan sa pagkain ng chocolates." Lol ibang klase. Kaya rin pala may tonsil. Sabi kasi yon ng nurse kanina.
"Tsk! Eh ikaw nasan ka kagabi? Alam mo namang may pasok ngayon tas di mo pinigilan!" Syempre concern ako sa kanya. Pinagaral niya ako eh.
"Nakabantay sayo sugarpie!" Ay puta? I am not expecting it. Bakla ata talaga to eh. "Apo ka pala ni Aling Aurora. How come hindi kita nakilala? Eh siya ang nagpapasok sakin sa trabaho kay Maam Jhe." Dagdag pa niya.
"Honestly. Hindi pa ako nakapunta sa bahay ng amo niyo which is si Jheuna. Wala naman kasing sinabi ang lola ko tungkol sa amo niya maliban sa mga nararanasan niyang treatment nito sa kanya." Sagot ko naman.
"So weird. Well anyway ako rin naman hindi pala kwento pero naichika ko naman sa nanay ko kung sino ang amo ko." Tugon niya.
"Yeah right. Hindi naman kasi madaldal ang lola ko katulad mo. Tsk! Halika na nga dito. Ang daldal mo!" I said and hang up.
Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na si Rudolfo na bakas ang pagaalala sa mukha. Pinagtinginan siya ng mga students dahil narin siguro sa itsura niya. I cant deny it na may itsura talaga tong batang ito.
"Where is Maam?" He asked so I said clinic and point the room behind us. Pumasok siya doon at ilang saglit pa ay nakita kong buhat na niya si Jheuna. "Iuuwi ko na siya." He said kaya tinangoan ko siya. Nagdiretso siya paglakad papunta sa kotse nila at ako naman ay nakasunod sa kanya just incase na need niya ng assist.
Dinig ko ang bulongan sa paligid pero hindi ko nalang ito pinansin. Nakita kong sumenyas si Rudolfo na buksan ko ang backsit kaya ginawa ko yon. Ipinasok niya si Jheuna sa loob nito saka maingat na hiniga sa upoan nito.
"Sugarpie come with us. Wala kasing magbabantay kay maam sa likod baka mauntog ang ulo niya or mahulog siya." He asked so I said yes. Pumasok ako sa backsit saka ipinatong ang ulo ni Jheuna sa lap ko. Ramdam ko ang pagpasok ni Rudolfo sa driver sit at pagsarado ng pinto. Pinaandar niya ang kotse saka maingat na nagdrive.
"Sugarpie thank you for being with my ate earlier." Sabi niya na ikinagulat ko.
"Ate? You two are siblings?" Curious na tanong ko.
"Nope! We are not blood related but she said na para na daw niya akong kapatid at ganun din ang tingin ko sa kanya." Sagot niya kaya napa tango naman ako.
I stared at Jheuna's face. 'Ang dami mo ng natulongan.' I said in my mind and smile. She looks like an angel.
"We are here!" Sigaw ni Rudolfo. Bumaba siya ng kotse saka binuksan ang backsit. Binuhat ko si Jheuna saka lumabas din ng kotse saka naglakad papasok ng hotel kasama si Rudolfo.
"OMG! WHAT HAPPENED? BAKIT WALANG MALAY ANG KAIBIGAN KO?" Sigaw ng isang babae na nasa harap.namin.
"Ah maam Kliea! Napagod po si Maam." Sagot naman ni Rudolfo.
Nanglaki ang mata ng babae na ang pangalan ay Kliea. "OMG! Napagod saan?" Tanong niya. Dumapo ang tingin niya sakin. Kita ko ang gulat sa mga mata niya pero umiwas siya ng tingin para hindi ko makita yon. Anong ibig sabihin nun?
"Maam! Nilagnat po si Maam Jhe dahil sa puyatan niyo kagabi. Nagkatonsil siya dahil sa chocolate at nagkahangover dahil sa alak." Paliwanag ni Rudolfo.
"Owz! Talaga? Waaahhh oh my gosh this is my fault. C'mon iakyat na natin si Jhe sa itaas para makahiga na siya ng maayos at makapagpahinga." Sabi ni Kliea saka naglakad na patungo sa elevator.
Nakita kong may nakakasilaw na laser na tumama sa ulo ko papunta sa paa ko at narinig kong may nagsalita sa itaas ng elevator na nagsasabing pwede na akong pumasok kaya naglakad na ako papasok sa elevator at tumabi kay Rudolfo.
Tumingin si Kliea sakin at tinaasan ako ng kilay. "How come na nakapasok ka? I mean this elevator is exclusive only to those people na pinagkakatiwalaan ni Jhe. Eh ikaw, parang ngayon lang kita nakita dito." Masungit na sabi niya.
"Ah! Kagabi din kasi nawalan siya ng malay kaya dinala siya ni Maam Jhe dito kagabi at pinatuloy sa maids quarter, sa kwarto mismo ni Aling Aurora na lola pala niya." Rudolfo explained.
"Oh! I see! So nakapasok kana dito. Okay." Ani pa niya saka di na umimik.
Narinig kong mag ting ang elevator at kasabay nun ay pagbukas neto. Bumungad samin ang isang napakagandang bahay. Literal na napanganga ako sa nakita ko. Para itong palasyo na hindi mo akalaing nageexist talaga at sa mismong itaas pa ito ng hotel nakatayo. Grabe!
"Hoy. Halika ka na!" Naiinis na sigaw ni Kliea sakin. Problema ng babaeng ito sakin? Naglakad siya paakyat sa grand staircase habang ako ay nakasunod sa kanya. Pagkadating namin sa itaas ay lumiko kami sa kanan saka niya binuksan ang isang kwarto.
"Woah!" I am so amazed with the design of her room. Pinaghalong pink at puti ang kulay ng wall maging ang kanyang kama. May led lights ito sa gilid at may madaming books na nasa gilid ng kama niya. Ang ibang parte ng pader niya ay glass wall at kitang kita mo dito ang dagat which is nakakarelax ng utak. Ang sahig ng kwarto niya ay may carpet na kulay pink. May ibang dalawang pinto pa na makikita mo malapit sa main door na may nakasulat na dressing room at cr. Makikita mo rin sa kisame ang isang screen na may parang may mga bituin, para itong galaxy na pink ang kulay. Kahanga hanga. Grabe ang high-tech naman ng kwartong ito.
"Ihiga mo na siya!" Utos ni Kliea na sinunod ko naman.
Napatitig ako kay Jheuna. Hindi ko maiwasang humanga sa kanya dahil sa mura niyang edad ay nagawa na niyang payamanin ang sarili niya na hindi nagawa ng mga taong mas may edad pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Incredible Nerd
Genç KurguShe's a woman with full of dreams, She's intelligent and she's very smart on handling things. She's strong and brave, that's why she's incredible. The Incredible Nerd By: Jendra_Flevie Plagiarism is a crime lady.