Chapter 54

2 1 0
                                    

Jheuna POV

Gusto ko ng ice cream...

Kakagising ko lang muli at gutom na ako. Tanghaling tapat na at hindi pa ako nagbreakfast. Hmm... Anyway sanay naman akong magbrunch. Minsan kasi nalalate rin ako ng gising.

Nagpunta ako sa dining hall para kumain. Naabotan ko ang mga maids na naghahanda ng pagkain. Nagtataka ako sa ginagawa nila. Ang dami kasing pagkain sa lamesa. But I didn't mind it. Umupo nalang ako sa mesa at nanguha ng pagkain. Napangiti pa ako kasi may liempo na nakahanda.

Habang kumakain ay tinignan ko ang mga maids. Nakatayo lang sila at naghihintay ng utos ko. Tumango sila sakin at ngumiti. "Nag tanghalian na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

Sabay silang umiling. "Hindi pa po ma'am." Sabay din nilang sagot.

Tumango ako. "Hmm maupo na kayo ay kumain." Aya ko saka nginusohan ang mga bakanteng upuan.

Nagkatinginan sila at sabay ding umiling. "Ay  mamaya nalang po kami kakain maam." Sabi ni Jane.

Tinaasan ko sila ng kilay saka muling ininguso ang upuan. "Kain." Muling aya ko saka sila tinignan ng seryoso.

"Sige po maam. Salamat!" Nahihiyang sabi nila saka naupo at nanguha ng pagkain.

"Btw, ano pala ang meron? Bakit ang daming pagkain?" Tanong ko sa kanila habang abala pa rin sa pagkain.

"Para raw po lumusog kayo maam!"

Nag angat ako ng paningin at tinignan ang maid na sumagot. "Huh? What do you mean? "

"Ang bilis niyo raw po magkasakit maam!" Sagot naman ng isa.

"Ang payat niyo raw po!"

What? Sinong maysabi? "Ano? Kanino naman yan galing?" Nagsalubong ang kilay ko sa mga sinabi nila. Grabe ganoon ba ang akala nila sakin? Sino bang asungot ang nagsabi nun sa kanila?

Tumawa lang sila at nagpatuloy lang sa pagkain. Aba! Aba! Bastosan? Walang uso sumagot?

"Kumain ka nalang Jheuna at mag relax." Sabi ni Manang Aurora na galing sa kusina. Nakangiti siyang lumapit sakin at binigyan ako ng isang baso ng juice.

Psh! Wala naman akong ibang suspect kung sino ang nagsabi nun sa kanila. Sino pa nga ba? Edi ang walang hiyang si Kyle. Lol! Lakas niya maka care sakin tapos iinsultohin lang niya ako. Pwe! Hindi to kapayatan! Kasexyhan to. Kasexyhan! Hindi niya gets kasi boy siya.

Nang matapos kumain ay tumayo na ako at nagpunta sa ref. Time for dessert! Walang ice cream sa lamesa na nakaserve kaya nagpunta ako sa ref. Ang sasarap ng pagkain pero hindi complete ang servings nila. Walang ice cream!

Ngunit nagulat ako nang may malaking papel na nakadikit gamit ang magnet sa pinto ng ref.

"Huwag niyong bigyan ng ice cream si Jheuna!"  Iyan ang nakasulat sa note.

Napamewang ako. Sinong gagu ang maglalagay nang ganyang notes sa ref? Kailan ba ako pinagbawalan kumain ng pagkain? Aba! Decision sila eh ako naman ang bumili nito.

Hinawakan ko ang handle ng ref at bubuksan na sana ngunit may kamay na pumigil ng kamay ko. Inis kong nilingon ang taong nagmamay ari ng kamay na iyon. Tinaasan ko siya ng kilay saka inirapan.

"Bawal!" Sabi niya.

"I owned this food, pati ref pagmamay ari ko. Kaya huwag mong masabi sabing bawal. Kasi pinaghirapan ko ang perang pinambili ko ng ice cream na ito."

Napahinga siya ng malalim. "Kulit mo talaga. Pero bawal nga! May sakit ka pa!"

Pinaningkitan ko siya. "Im okay now!" Binuksan ko ang ref pero sinara niya itong muli. Pinanlisikan ko siya ng mata. "Kyle ano ba!"

"Bawal pa nga! Ano naman kung okay ka na. Kagabi ka pa nagkalagnat. Baka balikan ka kapag kumain ka ng malamig!" Seryoso niyang sabi. Salubong pa ang kilay niya dahil sa sobrang seryoso niya.

Binitawan ko ang handle ng ref saka kinamot ang ulo ko sabay nguso. "Kyle! Hindi kita tatay kaya huwag mo akong pagbawalan!"

"Pero soon, magiging tatay ng mga anak mo." Ngumisi siya.

Napakurap kurap ako sa sinabi niya. Ano kamo? Tatay ng mga anak ko? Whut?

"Ha?" Tama ba yong narinig ko? Kinabahan ako beh sa sinabi niya. Gago ba siya? Magsabi ba naman ng ganoon.

Tumawa siya ng mahina. "Joke lang!"

Nalunok ko ang laway ko dahil sa kaba. Whew! Buti nalang at joke lang yon. Joke na hindi dapat seryosohin.

"Kainis ka talaga!" Iyon lang ang nasabi ko saka naglakad palayo sa kanya.

Tsk! Lamunin na niya lahat ng ice cream sa mundo. Napaka damot niya. Nakakahiya naman. Ako ang bumili tapos wala akong karapatang kumain. Edi bawal na kung bawal. Walanghiya siya!

Bumalik nalang ako sa kwarto ko at nakabusangot na umupo sa kama. Hmp! Paano ko kaya makukuha ang ice cream sa ref? Hmm... Sinabi ko bang bawal? Aba hindi ako papayag na ako ang talo dito. Mauriz to no! Ipinanganak na matapang at matibay!

Kung utosan ko kaya ang mga maids?

Napailing iling ako. Kasundo niya ang mga maids. Maaaring inunahan na niya ako sa hakbang ko. Malamang sa malamang inutosan niya ang mga iyon na pagbawalan akong kumain ng sorbetes. Tsk! Sino ba siya para makapag utos sa kanila?

Di porket gwapo siya eh malakas na ang loob niyang magpacute sa mga maids. Grrr! Itong mga maids ko naman ang lakas magpacute sa kaniya. Umaasang isa sa kanila ang mabingwit ni Kyle. Lol! Ang haharot!

Ugh! Nevermind! Kukunin ko nalang mag isa!

Tumayo ako at muling bumalik sa kusina. Nagtago muna ako sa kabilang kabinet para tignan kung may tao ba. Sinilip ko ang gawi kung nasaan nakalagay ang ref at napangisi nang makitang walang tao doon.

Dahan dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko at naglakad ng mahina upang walang makarinig ng footsteps ko.

Yes! I made it. Napangisi ako nang malapitan ko ang ref. Binuksan ko ito at excited na tinignan ang loob. Pero nawala ang ngisi ko nang makitang walang lamang ice cream ang ref.

Grrrr! Nasaan ang mga binili ko? Bakit walang ice cream dito?

Muli ko pang tinignan ang ref para idouble check. Baka naduling lang ako. Pero wala talagang ice cream! Putangina nasan na yon?

"Ito ba ang hanap mo?" Nagulat ako nang may nagsalita sa likuran ko.

Umayos ako nang tayo at nilingon ang tao sa likod ko. Napanganga ako nang makita si Kyle na nakangisi, bitbit ang isang galloon ng ice cream at kutsara. Huhu nasa kanya lang pala.

"Akin na yan!" Nakanguso kong pakiusap sa kanya.

May ice cream naman sa baba pero tinatamad akong maglakad. Medyo mabigat pa ang pakiramdam ko. Pero gusto ko ng ice cream.

"Gusto mo talaga ng ice cream?" Tanong niya kaya tumango ako. Ngumisi siya at binuksan ang galloon na hawak niya.

"What are you doing? Bakit ikaw ang kumain?" Inis na tanong ko nang makita siyang sumubo ng isang kutsarang ice cream. Hindi pa siya nakontento dahil pati lips niya ay nilagyan niya. Para siyang bata na makalat kumain.

Nagpapalaway ba siya? "Akin na yang sorbetes ko!"

Ngumisi siya. "If you want it. Lick my lips then!" Sabi niya na ikinalaglag ng panga ko.

The Incredible NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon