Chapter 31

1 1 0
                                    

Jheuna POV

"Ma'am!" Sabay na sigaw nila. Nakapalibot silang lahat sakin at bakas ang pag alala sa mukha. Ano ba yan! Kaya papa ang init. Buti nalang at mababango sila.

Bumangon ako at pinalayo sila sakin. Napahawak ako sa ilong kong masakit pa. Mukhang nabasag yata sa suntok ni Kyle.

Speaking of Kyle...

"Kumusta ang training ni Kyle?" Mahaba haba rin kasi ang tulog ko. So I'm expecting na may nagawa na sila para turuan yon.

"Nasa ring ma'am kasama si Mark. Silang dalawa ang nag eensayo." Sagot ni Mike.

Good!

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa baba ng ring at pinanuod sila. Napangiti pa ako nang makita si Kyle na nagtatraining kasama si Mark. Kita mo talaga sa mukha niya na determinado siya matuto. Good yan! Isang basket ng chocolate for you!

Nang matapos sila. Tinignan ko ang wrist watch ko. It's 12 o'clock na. Time for lunch! Tinawag ko si Mike at inutosan siyang um-order ng pagkain for lunch. Tumango naman siya at lumabas na siya dala ang cellphone niya.

Tinignan kong muli sila Kyle. Pumalakpak ako para kunin ang attention nila. Sabay naman silang lumingon sakin. "Enough for training! You need to fill up your empty stomach!"

Nagtaka ako nang biglang tumakbo si Kyle papunta sakin. Nang makalapit siya ay sinuri niya ang kabuohan ko na mas lalong ipinagtaka ko. "What?"

Napabuntong hininga siya. "I'm sorry for what I did earlier." Sabi niya saka itinuro ang ilong ko.

Oo nga! Masakit yong ilong ko. Dapat lang siyang mag sorry! Kidding! It's part of his training. Ngitian ko siya. "There is nothing to worry about. It's part of the training."

Mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Nakikita ko pa rin ang paghingi ng paumanhin sa mga mata niya. Tinapik ko siya saka siya nginitian ng matamis. "How was your training?" Pag iiba ko ng topic.

Gumanti rin siya ng ngiti. "Ayos naman. Madami akong natutunan." Sagot niya. Mas lalo akong napangiti. I'm glad na may natutunan siya.

"Oh! Before I forgot. May party akong dadaluhan mamaya. Isasama kita." It was a birthday celebration of my friend. My friend said na iimbita ko lahat ng gusto kong iimbita. Walang kaso sa kanya. So I decided to bring Kyle to the party together with Lady, Rudolfo and my blacky. I also invite Lady to that party. Moment na nila to ni Mark.

Napayuko si Kyle saka umiling. "Pass!"

Nawala ang ngiti sa labi ko. "But why?" Taka kong tanong. Alam kong mahilig siya sa party. Ang ipinagtaka ko lang ay bakit hindi siya pumayag.

Tinignan niya ako saka siya ngumiti ng matipid. "Paniguradong party ng mayayaman iyon. Hindi ako nababagay." Sagot niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon ng mahina. "Nah! Hindi mo kailangang ibase ang iyong kasiyahan sa estado ng buhay mo. Huwag mong isipin na hadlang ang kahirapan para gawin mo ang mga gusto mo sa buhay." Tugon ko.

Bumuka ng kaunti ang kanyang bibig na para bang may gusto siyang sabihin. Pero muli niya iyong sinara. "Relax ka lang! Hindi ka na makatanggi pa kasi naikuha na kita ng damit na susuotin mo."

Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi mo na dapat ako ginastosan pa." Huminga siya ng malalim saka siya tumango. "Okay! May choice ba ako? Eh asa namang makatanggi pa ako sa kakulitan mo." Natawa siya ng mahina matapos sabihin iyon.

Amp! Makulit pa nga. Natawa ako sa sinabi niya. Pabiro kong sinampal ng mahina ang kanyang pisnge. "Ikaw talaga!" Sabi ko saka siya inirapan. Mas lalo naman siyang natawa. Tsk!

Narinig naming bumukas ang pinto at pumasok si Mike doon na may dalang mga pagkain. Eksakto namang kumalam ang sikmura ko. Ito ang tunay na laban!

"Halina kayo, kakain na tayo!" Tawag ko sa mga anak ko este mga tauhan ko. Nagsilapitan naman sila at naupo sa lamesa na nasa gilid lang ng boxing ring.

Binuksan ni Mike ang dalawang paper bag at kinuha niya ang mga pagkain na nakalagay sa styro foam.

"Shrimps!" Tuwang tuwa na sabi ko sabay kuha ng isa at binalatan iyon. Napanguso ako ng magsitinginan ang mga blacky sakin. Umiling iling pa sila para pigilan ako sa binabalak ko.

"Ma'am bawal po sayo yan!" Amp! Isa lang eh.

Hinarap ko si Mike. "Eh bakit ka ba bumili? Alam mo namang allergic ako sa hipon." Iniinggit lang ako eh. Alam naman nilang nasasarapan ako sa hipon.

Napakamot si Mike ng ulo. "Eh natatakam ako ma'am eh.  Matagal tagal na rin akong hindi nakakain ng hipon." Sagot niya. Mas lalong humaba ang nguso ko.

"Here! Manok nalang ang kainin mo." Singit ni Kyle saka nilagyan ng dalawang piraso ng manok ang paper plate ko. Inagaw pa niya sa kamay ko ang hipon na hawak ko. Amp! Gusto ko yong hipon eh.

"Walangya! Edi manok na kung manok. Kunin niyo na yong hipon tapos doon niyo kainin sa malayo!" Sigaw ko sa kanila. Hays! Nakakaiyak!

Kinuha ni Mark ang styro na pinaglagyan ng hipon at nilagay niya iyon sa paper bag. Nakasunod pa ang mga mata ko sa kamay niya. Nakakalaway talaga! Nilunok ko nalang ang laway ko bago pa ito tumulo at makita nila. Nakarinig ako ng mahinang tawanan mula sa mga itim kaya inirapan ko sila. Mas lalo akong napabusangot nang lumakas ang tawanan nila. Mga hayop!

Bakit ba kasi ako allergic sa hipon?

Napatingin ako kay Kyle na ang laki ng ngiti sa labi. Kung basagin ko kaya mga ngipin niya? "Why are you smiling like that?" Taas kilay na tanong ko.

Umiling lang siya bago siya sumubo ng pagkain. Napilitan din tuloy akong kumain. I lost my appetite already after they took away the shrimps. Geez! Pinapalaway lang ako.

After we ate lunch. Kyle and the blacky go back to their training. While me? I am just watching them. Wala akong gana makipagsuntokan.

Yong hipon kasi! Hipon! Nasa harap ko na, hindi pa napasakin. The last time I ate shrimps. Nagkaroon ako ng skin rashes na sobrang kati sa balat. Kaya ayon bawal na ulit akong kumain. Sayang! Sarap pa naman ng hipon.

Epal na allergies ito!

The Incredible NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon