Chapter 58

0 1 0
                                    

Jheuna POV

"Just tell me lang kung magpapakuha ka ng ice cream sa kusina," sabi ni Kyle. Nakaupo siya sa harap ko at pinapanuod akong kumain ng ice cream.

"Hmm..." tinanguan ko siya. Hindi ko siya nagawang tapunan ng tingin dahil naging abala ako sa kakakain ng ice cream. Ganito ako kapag malungkot, ice cream lamang ang nakakapagpagaan ng loob ko.

Nang maubos ko na ang kinakain ko ay tumingin ako kay Kyle. "Maaari mo pa ba akong ikuha?" pakiusap ko.

Tinignan niya ang mga nagkalat na walang laman na cup sa sahig bago tumango. "Sure! Teka lang..." tumayo siya at lumabas ng dressing room.

Napatingin ako sa mga empty cups na nagkalat. Nasa apat na ang mga iyon. Grabe ang dami ko na palang nakain. Pero hindi man lang ako nabusog. Kulang pa rin. Pero atleast kahit papaano ay napawi na ang lungkot sa puso ko.

"Here's your order madame!" Napalingon ako sa pinto nang marinig ang boses ni Kyle. Napangiti ako nang makita ang dala niyang dalawang cups ng ice cream.

"Thank you!" sabi ko pagkakuha ko ng  mga ice cream mula sa mga kamay niya. "How about you? Gusto mo rin bang kumain ng ice cream?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Nope!"

Tumango ako. "Sige!" Inilapag ko sa sahig ang cup na may nakalagay na strawberry flavor. Dahil ito munang chocolate flavor ang kakainin ko. Binuksan ko ito at napangiti ako nang maamoy ko ang amoy nito. "Sarap..."

Natawa si Kyle ng mahina kaya tinaasan ko siya ng kilay. Umiling lang siya at hindi na nagsalita pa. Baliw talaga!

"About sa nangyari kanina... I am sorry! Dahil sakin kaya nagkagulo sa school. Dahil sakin kaya nahinto ang event." Naramdaman ko ang pag init ng bawat sulok ng mga mata ko. Naiiyak na naman ako kapag naalala ko ang mga nangyari kanina. Sumubo ako ng ice cream para mapakalma ang sarili.

Tumayo si Kyle at lumapit sakin. Umupo siya sa tabi ko at tinapik ang balikat ko. "Jhe wala kang kasalanan. Don't blame yourself okay?"

Napabuntong hininga ako. "Kahit na..."

"Matutuloy pa rin naman ang event Jhe pero next week na kapag okay na lahat. Kaya huwag mo nang isipin ang bagay na yon."

Muli akong napabuntong hininga. Sumubo ulit ako ng ice cream saka ko pinunasan ang luha na hindi ko namalayang pumatak. "Nihindi ko nabasa ang tula na sinulat ko."

Tumingin si Kyle sa akin kaya napayuko ako. "Sino ba ang pagbibigyan mo ng tula?" tanong niya.

Mas lalo akong napayuko dahil sa tanong niya. "I-ikaw..." nahihiyang sagot ko.

"Ako?" Hindi makapaniwalang tugon niya.

Tumango ako. "Dahil ikaw ang naisip ko."

"Bakit nga?"

Tipid akong napangiti. "Basta!" Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na unti unti ko na siyang nagugustohan. Dahil nakakahiya.

"Aisht! Kung ganon pwede ko bang marinig?"

Umiling ako. "Next time na!" Hindi ko matandaan kung saan ko nailagay yon. Siguro nandun yon sa bulsa ng suot kong baro't saya kanina.

"Ang daya naman! Narinig mo na yong sakin eh."

Tinignan ko siya at natawa ako ng mahina. "Basta next time na."

Napabuntong hininga siya. "Sige na nga!" Ngumuso siya na parang bata na nagtatampo. In fairness ang cute niya.

"Eh bakit ako?" Sumubo ako ng ice cream pagkatapos kong sabihin yon.

"Bakit ikaw?"

Huminga ako ng malalim. "Of all the girls in the school... Why me? Bakit ako ang sinulatan mo at inalok ng sayaw?" Ang daming babae na nag alay ng tula sa kanya kanina. Kaya nagtataka ako kung bakit ako ang ginanon niya.

"Kasi gusto kita."

Tinignan ko siya. "Talaga? Bakit ako?" Hindi makapaniwalang saad ko.

Ngumiti siya. "Gusto kita dahil gusto kita." Tumawa siya ng mahina.

"Anong klaseng sagot yan?" Hindi naman kasi nasagot ng sagot niya ang tanong ko.

Huminga siya ng malalim. "Hindi ko rin alam. Nagising lang ako isang araw... Gusto na kita."

Napatitig ako sa kanya. Bigla akong napaisip kung ganon din kaya ang nangyari sakin? Hindi ko rin alam kung bakit ko siya nagustohan. Nagising lang din ako isang araw, gusto ko na siya. Pft nakakaloka!

"Yong ice cream mo natutunaw na." Natauhan ako dahil don at napatingin sa ice cream na hawak ko. Nagsimula na nga itong matunaw. Hindi ko na namalayan. Kinuha ko ang takip ng ice cream na nasa kandongan ko at saka tinakpan muli ang cup.

"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Kyle nang tumayo ako.

Tinignan ko siya. "To the moon," pabirong sagot ko.

Napailing iling siya. "Tsk!"

Tumawa ako ng malakas bago ako naglakad palabas ng dressing room bitbit ang mga cup ng ice cream na meron pang laman. Kahit papaano ay nawala na ang lungkot na naramdaman ko at nagawa ko nang tumawa.

Ibinalik ko sa ref ang mga cup ng ice cream dahil hindi ko na kayang ubosin pa ang mga ito. Nagtungo ako sa sink upang maghugas ng kamay dahil sobrang lagkit ng mga ito dahil sa ice cream. Nakarinig ako ng footsteps papalapit sa kinaruruonan ko kaya lumingon ako para tignan kung sino yon. Nakita ko si Kyle dala dala ang mga walang lamang cup. Nakaramdam ako ng hiya dahil siya pa ang nagligpit ng pinagkainan ko.

Lumapit ako sa kanya at aagawin na sana ang mga cups ngunit inalayo niya ito sakin. "Ako na," sabi niya.

Ngumuso ako. "I'm sorry hehe."

Tumawa siya ng mahina. "Don't worry about it." Ngumiti siya saka siya nagtungo sa trash bin para itapon ang mga cups.

"Ma'am Jheuna!"

Tinignan ko ang maid na lumapit sakin. "Bakit?"

"May naghahanap po sa inyo sa baba. Mga schoolmates niyo po raw," sagot niya.

Tumango ako. "Sige pupuntahan ko sila. Salamat!"

"Sige po ma'am." Yumuko muna siya bago siya umalis.

Sino naman kaya ang tinutukoy niya? Siguro sina Lady yon. Naglakad ako papunta sa elevator para magtungo sa baba.

"OMG! Jheunaaaa!"

Sinasabi ko na nga ba.

Lumapit si Lady sakin at niyakap ako ng mahigpit. "How are you? Nag aalala kami sayo Jhe!"

Niyakap ko siya pabalik. "I'm fine, I guess? Pasensya na sa gulo kanina."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ay bakit ikaw ang humihingi ng pasensya? It's not your fault."

Huminga ako ng malalim. "Kahit na." Tinignan ko silang lahat bago ko tinignan ulit si Lady. "Naglunch na ba kayo?"

"Anong lunch te eh hapon na?" Mataray na sabi ni Rica.

Natawa ako. "Ay ganon ba? Hindi ko namalayan. Hindi kasi ako nakapaglunch." Nabusog na ako sa ice cream.

"Ay kaloka ka te! Kumain ka na. Baka magkasakit ka pa!"

"Join me then! Tara sa resto! Libre ko kayo!" Aya ko sa kanila. Nakita ko ang pagngiti ng iba.

"Nice one!"

"Sakto gutom na ako. Natunaw yong kinain ko kanina."

Sinamaan sila ng tingin ni Lady. "Mga walang hiya kayo! Sumama lang ba kayo para makalibre? Ang kakapal naman ng pagmumukha niyo!"

"Kalma ka lang!" Hinawakan ko ang braso ni Lady at kinaladkad siya papunta sa resto. Samantalang siya ay wala pa ring tigil kakasermon don sa dalawa.

The Incredible NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon