Jheuna POV
"Antagal naman!" Reklamo ni Kyle. Mukhang naiinip na siya. Kanina pa kasi kami nakatayo dito sa tabi ng daan. Sobrang init pa ng panahon at wala kaming payong para pang sagang sa init.
Na flat kasi yong gulong ng kotse na sinakyan namin. Natamaan pala kasi yon ng bala kanina. Ngayon ay kasalukuyan itong inaayos ni Mark. Buti nalang at kompleto sa gamit. May extra na gulong at mga tools. Daig pa nila ang boyscout. Ofcouse... They are my blacky. They are always prepaid. Marunong din sila mag ayos ng kotse. Bago ko kasi sila tinanggap sa trabaho. They undergo a lot of trainings such as fighting, using guns, using computers and etc. They are smart and talented. Syempre hindi ako basta basta pumipili ng kung sino sino lang.
Daig ko pa ang presidente ng bansa.
Well I am serious here. Pinaghirapan ko kung ano ako ngayon. Kaya hindi ko hahayaan na mawala ito sakin. Alam ko naman na madaming nakaabang diyan sakin. Kaya naghire ako ng mga tauhan. Ayoko pang mamatay no. Sino nalang ang maghahandle ng negosyo ko. Saka hindi ko pa natupad ang wish ng lolo ko.
"Maghintay ka nga! Bakit ka ba kasi sumama? Tsk! Arte nito!" Sigaw ko sa mukha niya. Nakacross arm ako at nakasimangot. Hindi lang ako nagsasalita pero kanina pa nagrereklamo ang katawan ko sa matinding init ng panahon. Pinababa kasi kami ni Mark sa kotse. Kasi hindi niya maayos yon kapag nasa loob kami. Syempre bibigat yong kotse pag nasa loob kami.
Napakamot siya sa noo niyang puno na ng pawis. Padabog niya akong tinalikuran at nagsimulang maglakad papalayo sa amin.
"Hoy where are you going?" Sigaw ko sa kanya saka siya sinundan.
"Hahanap ng masisilungan." Pasigaw na sagot niya.
We are in the middle of nowhere. There are no houses here or even trees. Kapatagan lang siya na bushes lang ang makikita sa paligid. Bakit ba kasi dito kami na flatan? Grrr nanadya ata yong mga loko na iyon.
Kyle POV
Bakit ba kasi ako sumama?
Late na ako nakauwi sa bahay kagabi at nakatulog ako kaagad. Kaya hindi ako nakapag review at quiz namin kanina. Anong isasagot ko? Ipapahiya ko lang ang sarili ko don. Kaya sumama ako kay Jheuna. Para excuse ako sa klase at exempted sa quiz.
"Come back here. Malapit ng matapos si Mark." Sigaw na naman ni Jheuna pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Bakit ba kasi puro kamalasan ang naani ko kapag kasama ko ang babaeng to? Palagi nalang akong naagyabrado. Kidding... May swerte pala. Kasi nga pinag aral niya ako. Baka sabihin niyong wala akong utang na loob.
Isa pa... Remember the old woman? She gave me money earlier. Yes she did it. Ginawa ko lang lahat ng iniutos niya at tinupad niya ang pangako niyang bigyan niya ako ng pera.
The old woman told me that Jheuna is a bad person. Walang utang na loob. Kaya gusto nilang maghiganti. I am not sure if it's true kasi kakakilala ko lang kay Jheuna. Who knows? Isa lang siyang itim na kambing na nakakuble sa isang puting tupa.
Pero mukha naman mabait si Jheuna kasi mahilig siyang tumulong. Pero hindi pa rin dapat ako makampanti. Lalo na at nalaman kong madami siyang tauhan. Baka may illegal pala silang ginagawa kaya naghire siya ng madaming tao para protektahan siya. Saka isa pa limang taon lang ang ginugol niya sa pagnegosyo at yumaman na siya kaagad. Parang ang labo naman ata ng ganun.
Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang pag andar ng kotse. Lumingon ako at nakita kong nakasakay na si Jheuna.
"Hindi ka ba sasakay?" Iritableng sigaw niya kaya tumakbo ako pabalik at nagmadaling sumakay sa kotse.
BINABASA MO ANG
The Incredible Nerd
Teen FictionShe's a woman with full of dreams, She's intelligent and she's very smart on handling things. She's strong and brave, that's why she's incredible. The Incredible Nerd By: Jendra_Flevie Plagiarism is a crime lady.