Chapter 55

3 1 0
                                    

Jheuna POV

It's almost buwan ng wika and ngayon, halos buong araw na kaming nagpapractice. Nakakapagod pero kailangan para sa grades.

"Kumusta ang tula na ginagawa niyo? Nakabuo na ba kayo?" Tanong ni Lady samin ni Kyle.

Inirapan ko siya. "Huwag mo ngang ipaalala ang tungkol sa tula na yan." Inis na turan ko.

Nandito kami sa canteen ngayon at kumakain ng lunch. Kasama namin si Mark kaya parang bulate na binudburan ng asin itong si Lady na hindi mapakali. Katabi niya kasi si Mark. Nakakaloka sila!

Nagkaroon ng mahihinang bulongan nang biglang pumasok ang grupo ng mga tao sa canteen kasama ang principal namin. Pinatayo kami ni maam at pinabati sa mga bisita niya. Dumapo ang paningin ko sa isang lalaki na nakangisi at nakatingin din sakin kaya napayuko ako.

Bakit nandito na naman siya? Ano bang trip niya at palagi siyang pumupunta dito?

"Hoy Jhe upo na!" Sigaw ni Lady kaya natauhan ako. Muli akong umupo at nagpatuloy sa pagkain ko.

"Alam mo Jhe ngayon ko lang napansin. Kamukha mo ang isa sa mga bisita ni ma'am. Magkaka ano ano ba kayo?" Tanong niya habang tinitignan ang lalaki na tinutukoy niya.

Napatingin ako kay Mark. Nakatingin din siya sakin na may bahid ng pag alala sa mukha niya. Napa iling ako saka yumuko.

Ano ba kasi ang gustong mangyari ng magaling kong ama?

Tumayo ako at naglakad palabas ng canteen. Hindi ko kayang makasamang kumain sa loob ng iisang silid ang lalaking unang nanakit sa akin.

"Jhe! Kakasimula pa lang nating kumain eh." Reklamo ni Lady na humabol pala sakin.

Salubong ang kilay ko nang lingunin ko siya. "Edi bumalik ka don at kumain. Sinabi ko ba sayong sundan mo ako?"

Nalukot ang mukha niya. "Jhe? Anong nangyari?" Worried na tanong niya.

Umiling lang ako. Bago pa bumagsak ang luha sa mga mata ko ay tumakbo na ako at iniwan sila. Nagpunta ako sa garden ng school at doon ko inilabas lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko.

Why do I need to suffer from all of these?

"Mauriz!" Napalingon ako nang marinig ko ang apelyedo ko.

Nakita ko siyang nakatayo sa likuran ko at nakangisi. Mas lalo akong napahagulgol ng iyak habang nakatingin sa kanya. Sa kanyang kamay, naroon ang baril na gusto niyang iputok sakin.

"Why can't you leave me alone?" Tanong ko sa kanya. Grabe yong pain na nararamdaman ko sa loob ng puso ko.

Mas lalong lumawak ang ngisi niya. "Dahil hindi ko pa natapos ang misyon ko sayo."

That's it. Hindi siya titigil hanggat hindi niya nawawakasan ang buhay ko. Bakit ba ganito siya sakin?

"Your mom didn't love me! Kapag nakikita kita, naalala ko ang sakit na idinulot niya sakin. She just used me para mabili niya ang mga gusto niyang mabili."

"Pero hindi pa rin iyon sapat na rason para kitilin mo ang buhay ko. Dahil may kasalanan ka rin kung bakit mo nararanasan yan." Tugon ko saka ko siya iniwan.

I want to hug him. My mother also dumped me after she gave birth to me. We experienced the same pain. But he doesn’t want me in his life. Kung lalapit ako sa kanya, delikado ang buhay ko.

Lumabas ako ng gate kahit pa hinarangan ako ng guard. Ayokong pumasok mamaya. Nawawalan ako ng gana. Nakaharap ko na naman kasi si enemy kaya masakit na naman ang puso ko.

The Incredible NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon