Chapter 11

8 1 0
                                    

"Jheuna... Anak! Jusko!" Nag aalalang sambit ni manang sakin pagkadating ko sa hotel. Katabi niya si Kliea na worried din na nakatingin sakin at nakapatong pa ang kanyang baba sa kanyang dalawang kamay na parang nanalangin.

"Gosh girl what happened ba? I was so worried about you." Naiiyak na sabi ni Kliea.

"Hmm... Wala ito! Malayo sa atay ito no." Tugon ko sa kanila para matigil na sila sa pag alala sakin.

Sinamaan ako ng tingin ni manang. "Anong malayo? Eh kung malayo? Yang sugat mo nasa ulo mo naman, malapit sa utak mo. Naku Jheuna ha! Tigil tigilan mo iyang mga kalokohan mo." Panenermun ni Manang sakin. Nakapamewang pa siya at parang handa na akong batukan.

Nagpeace sign nalang ako saka nagdesisyon na magtungo na sa kwarto. Nakaalalay pa ang dalawang boys sakin. Tsk! Hindi naman ako lumpo. Nakakalakad ako ng maayos. Pero kung maka alalay sila sakin, parang hindi ako makalakad. Bubuhatin nga nila ako eh, pinigilan ko lang. Nakakahiya kasi. Maging center of attraction pa ako kung nagkataon. Baka malagay pa ako sa newspaper. Char!

"Sure ka bang walang masakit sayo?" Tanong ni Kyle sakin pagkadating namin sa room ko.

Umiling ako bilang tugon. Binuksan ni Rudolfo ang pinto ng kwarto ko kaya pumasok na ako at dumiretso sa dressing room ko para magbihis ng damit. Suot ko pa kasi ang uniform ko buhat kanina. May natuyong dugo na sa kwelyo nito. Tsk! Buti nalang madami akong uniform. Hindi ko na kasi ito pwede isuot kasi mantsado na. Ayaw ko namang pahirapan ang maids ko sa pag kuskos ng mansta kaya tatapon ko nalang ito.

Nagpaalam si Rudolfo na lumabas para maglate dinner kasi nagugutom na siya at hindi na niya kaya kung sa almusal na lang siya kakain. Kaya naman kaming dalawa nalang ni Kyle ang naiwan sa loob ng kwarto ko. Tinanong ko siya kung gusto niyang kumain kaso ayaw naman niya, hindi raw siya gutom. Eh ako naman, pinakain na nila ako sa hospital. Tsk! Pero sarili nila di nila pinakain.

Lumapit ako sa isang kabinet ngunit hindi ko na natuloy. Sumulpot kasi sa harapan ko si Kyle.

"Ako na! Humiga ka lang doon o magrelax. Ako na kukuha ng damit mo." Pigil ni Kyle sakin sabay harang sakin at hinawakan ang kamay ko.

Tinignan ko siya sa mata at tinaasan siya ng kilay. "Tsk. Wag na! Anong tingin mo sakin... Lumpo? Kaya ko namang maglakad at kumilos no." Sagot ko saka nagstretching sa harap niya. Wala naman talaga akong nararamdamang sakit maliban sa noo kong kumikirot ng konti pero payts na ito. Malayo ito sa bituka.

Napapikit naman si Kyle. Napahawak pa siya sa sentido niya na para bang stress na stress siya. Napailing nalang ako. Inirapan ko siya saka ako nagwalk out. Mukha siyang tanga sa ginagawa niya. Para siyang matanda na nakokonsumisyon.

Binuksan ko ang kabinet sa gilid na kung saan nakalagay ang mga undies ko. Kumuha ako ng kulay pink na panty. Nagulat ako nang may biglang umagaw nito sakin. Tinignan ko si Kyle na ngayon ay hawak na niya ang panty ko.

"Ako na kasi ang bahala sa susuotin mo." Naiinis na sabi niya. Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sa kamay niya habang nakataas pa rin ang kilay at naka smirk. Well. Let see kung hindi ka magreact!

"Umupo ka nalang kasi doon..." Natigil siya sa pagsasalita nang makita niyang hindi naman ako nakikinig. Dahan dahan niyang ibinaba ang tingin sa kamay niyang may hawak na panty. Nanlaki ang mata niya saka siya napaigtad sa gulat. Nabitawan pa niya ang panty ko. Buti nalang nasalo ko.

"Tsk! Bakla ka naman pala eh! Nag volunteer ka pa... Hindi mo naman pala kaya. Ang oa mo pa!" Sigaw ko habang nagpatuloy sa pagkuha ng damit.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Eh nagulat lang naman ako!" Sagot niya habang ipinapadyak ang mga paa sa sahig.

"Che! Bading!" Pang aasar ko. Tinalikuran ko siya at nagtungo ako sa cr para magbihis. Jacket lang itong suot ko na kulay dilaw at maong short na hindi naman masyadong maikli.

"Yellow C. A. R. D." Kanta ko habang gumigiling na lumabas ng cr. Idol ko kasi si IU kasi cute siya at talented.

Pagkalabas ko ng cr, nakita ko si Kyle na nakaupo sa sofa at nakatunganga. Lumapit ako sa kanya at sinayawan siya ng dance move ni IU. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ang likot mo! Umupo ka nga jan at magrelax. Baka maalog yang ulo mo kakasayaw mo. Saka dapat matulog ka na. Anong oras na? It is almost midnight na!" Saway niya sakin.

Binelatan ko lang siya saka bumalik sa pagsayaw. "Hey google! Play Bbibbi by IU!" Utos ko kay kumareng google.

Nag okay naman si Google at plinay na niya ang song. Sinabayan ko ng sayaw at kanta ang music habang iniinis si Kyle na nakasimangot na nakatingin sakin.

"Ganyan ka ba kalikot kapag natamaan yang ulo mo? Para kang uod na ibinubod sa asin o di kaya buntot ng butiki na naputol at nahiwalay sa katawan." Komento niya sa sayaw ko.

Inirapan ko lang siya. "Nye nye! Hindi ka lang marunong sumayaw. Ang sabihin mo inggit ka lang bleeehhh!" Tugon ko habang patuloy na sumasayaw.

"Ay jusme!" Hindi ko namalayang lumapit siya sakin at binuhat niya ako!

"Ano ba! Ibaba mo ako!" Reklamo ko habang pinipilit na bumaba.

Umiling siya saka ngumiti. "Kailangan mo nang matulog... Bata!" Sabi niya saka niya ako inihili na parang sanggol. Ano ba yan! Ang lakas pa! Nakakahilo!

"Tulog na munting paslit! Kailangan mong magpataba. Ang gaan mo lang buhatin." Nakangiting sabi niya. Natigilan ako sa sinabi niya. Para kasing familliar. Parang narinig ko na dati. Pero nainis ako sa huli niyang sinabi. Hmp ang bully niya! Kala mo naman mataba siya para laitin niya ako. Sexy kaya ako!

Dahan dahan siyang naglakad habang nag huhum. Naghikab ako! Bigla akong inantok matapos niyang gawin iyon. Naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa kama ko. Inihiga pala niya ako. Nakatitig lang siya sakin saka niya hinila ang kumot hanggang leeg ko.

"Tomorrow huwag ka munang pumasok. Magpahinga ka na muna at magrelax. Goodnight Jhe!" Bulong niya saka niya ako hinalikan sa noo.

Natulala ako sa ginawa niya. Ramdam ko ant pagkabog nang malakas ng puso ko. Para akong kiniliti na ewan sa halik niya. Nakakagaan ng pakiramdam.

"Goodnight!" Tugon ko sa kanya. Kinuha ko ang eye glasses ko at ilalapag na sana ngunit inagaw niya ito at siya na mismo ang naglapag nito sa lamesa. Inirapan ko siya at tinawanan lang niya ako. Unti unti kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa tuloyan na akong nakatulog.

Zzzzz

Awieeee cutie ni Mareng IU dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Awieeee cutie ni Mareng IU dito. Siya talaga na imagine ko as Jheuna. Si IU dahilan kung bat ko ito nasulat. Acckkk idol ko kasi siya hehe.

The Incredible NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon