Chapter 28

1 1 0
                                    

Kyle POV

Matapos ang pakipaghabulan ko kay Jheuna ay nagtungo ako sa cafeteria para bumili ng pagkain. Peace offering para kay Jheuna. Pero bago ako makarating sa cafeteria ay biglang humarang ang grupo nila Mark sa dadaanan ko. Seryoso silang nakatingin sakin na ipinagtaka ko.

"You are blocking my way. Move!"

But they didn't listen. "Why did you do that to ma'am?" It was Mark who asked me.

Anong ginawa ko? Iyong pagbasa ko ba sa kanya? Napangisi ako. "Tulog mantika eh. Ayaw gumising. Sorry naman!"

Sabay silang napailing iling. Masyado silang dismayado sa ginawa ko. "She slept late last night because she got a lot of works to do. Hinayaan mo nalang sana siyang matulog." Said the other guy.

I look at the field. "On the grass? Seriously?"

Tinignan nila ang tinignan ko. "Binuhat mo nalang sana at dinala sa room nila para doon siya matulog." Sabi ng lalaking medyo singkit. Tinignan ko ang id niya. Eric ang pangalan niya.

"Sorry na nga eh. Hindi ko naman sinasadya." Nakayukong saad ko. Are they gonna punch me for what I did? Ang lalaki pa naman ng mga braso nila.

"You seems so concern to our boss." Said Mark. Nag angat ako ng tingin. Ano naman sa kanya kung concern ako? Pambihira! Gagawan siguro nila kami ng issue.

Nagtaas ako ng kilay. "So?"

Ngumiti siya ng matipid sabay akbay sakin. "How about recruiting you to our group? Kami na bahala sa trainings mo."

Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko saka lumayo ng kaunti. "Ayoko nga! Hindi ko kayang humawak ng baril." Tugon ko. Naalala ko yong nangyaring barilan dati sa daan. Nakakatakot! Naduduwag na naman ako piste!

Napangisi ng nakakaloko yong isang lalaki. "Oyster ba ang kinahiligan mong hawakan?" He asked innocently. What is he talking about? Hmm...

Kinunotan ko lang siya ng noo. Nagtawanan naman sila Mark sa sinabi ng lalaki.

"Loko ka talaga Mike!"

Puro sila kalokohan. Napailing iling nalang ako. "If you don't mind. Aalis na ako." Tinignan ko ang relo ko na quarter to 1 na ang oras. "Malapit nang magsimula ang klase ko." Nilampasan ko na sila at hindi na sila pinansin kahit panay ang tawag nila sakin.

Tsk! I would like to protect that nerd but I don't like involving myself on a fight. What a dumbass me.

Mabilis na lumipas ang mga oras. Alas singko na at uwian na. Umalingawngaw ang malakas na tunog ng bell sa buong paligid ng eskwelahan na ikinatuwa ng mga estudyante. Tsk! Malamang kasali na ako. Kanina ko pa gustong umuwi.

Paglabas ko ng gate. Nakasalubong ko si Jhe kasama si Lady Mae. Panay ang pangungulit ni Lady Mae sakanya samantalang nakapikit naman siya at hinihilot ang ulo. Mukhang pagod na pagod siya.

Nilapitan ko sila. "Jhe seems so tired. Let her rest Lady. Bukas mo na siya kulitin." Sabi ko.

Napa 'ow' si Lady sa akin sabay palipat ng tingin niya kay Jheuna at sakin. Tsk! Bumubuo na naman siya ng mga issues sa utak niya. Tinignan ko si Jheuna at nakita kong nakatingin siya sakin.

"Magpapasama lang kasi ako ni Jheuna mag shopping eh! They said old fashion na ang mga dress ko. Kaya bili ako new one. Papahelp ako kay Jheuna kung paano mamili ng bongga!" Nakangiting sabi niya habang tumatawa. Nakahawak pa siya sa pisnge niya  para ipakita kung gaano siya ka excited.

Napatili ng mahina si Lady Mae nang may makita siya sa likuran ko. Napalingon ako at nakita ko si Mark na seryosong nakatingin sa amin. Tsk!  Now I get it. Type ni Lady Mae si Mark at gusto niyang magpaganda para makuha niya ang attention ng lalaki.

"Jhe ang gwapo niya talaga!" Papuri niya sa lalaki sabay hampas sa braso ni Jhe.

"A-aray!" Mahinang reklamo ni Jhe. Mukhang naiinis na siya sa kakulitan ni Lady Mae. Pft!

"Jhe samahan mo na kasi ako!" Pagpupumilit naman nitong isa habang nakanguso.

Hinawakan ko si Lady Mae at pinalayo kay Jheuna. I was about to say a word para tumigil siya sa pangungulit ngunit nauna akong pigilan ni Jheuna.

"It's fine. I'll accompany her. Namiss ko rin namang mag mall." Sabi niya na ikinatuwa ni Lady Mae.

"Aww thank you best friend!" Niyakap pa nito si Jheuna. Kailan pa sila naging mag best friend?

"Enough being clingy. We should go now habang maaga pa." Sabi ni Jheuna saka siya tumalikod at naglakad papuntang parking lot.

Hinarap ako ni Lady saka siya ngumiti ng wagas. Hinawakan niya ang braso ko saka ako hinila. "Sama ka samin!" Aya niya.

Makakatanggi pa ba ako?

Sa isang mall na malapit sa school lang kami pumunta. Kasama ko si Lady, Roberto at Jhe.  Pero nagpaiwan lamang si Roberto sa labas dahil magrereview daw siya para sa exam nila bukas at para na rin magbantay ng kotse. 

Pagpasok sa loob ng mall. Botique agad ng mga damit ang una naming pinuntahan. Iyon nga ang sadya nila kaya malamang dito talaga sila pupunta.

Hindi na ako pumasok at hinintay nalang sila sa labas. Puro babae ang nasa loob. Baka mapagkamalan pa akong bakla kapag nakabuntot pa rin ako sa kanila.

Lumipas ang tatlumpung minuto ay sawakas tapos na rin sila. Grabe! Ang tagal naman nilang mamili ng damit. Napairap nalang ako sabay buntong hininga. Mga babae nga naman. Nakita kong naglakad palabas si Lady Mae dala ang limang paper bags. Samantalang si Jheuna rin ay may dala ring limang paper bags. Tsh! Iba talaga kapag mayaman.

"Done?" Naiinip na tanong ko.

Sabay silang tumango bilang tugon. "You should buy for yourself too!" Si Jheuna ang nagsalita sabay turo sa tindahan ng mga damit pang lalaki.

Umiling ako. "No thanks! I have a lot of clothes in my house." Pero sa katotohanan, wala akong budget dahil nagtitipid ako. Malapit na kasi ang exam kaya bayaran na naman ng tuition fee. Nakakahiya rin kasi kapag panay ako hingi kay lola kaya nag iipon na rin ako. Kasama yong mga ibinigay nung matandang babae.

Seriously! I dont know kung magpapakita pa ba ako sa kanya. She is very mysterious.

"Sabi mo eh!" Sabi niya saka ako inirapan. Naglakad na sila ni Lady papunta sa tindahan ng salamin sa mata. Tsk! Here we go again!

Susunod na sana ako sa kanila ngunit natigilan ako nang may makita akong babae na nakatayo sa malayo. Pero kahit malayo siya ay alam kong nakangiti siya.She waved her hand. Bigla akong kinilabutan sa presensya niya.

Ano na naman ang ipapautos mo sa akin?

The Incredible NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon