Chapter 43

1 1 0
                                    

Jheuna POV

"Isawwwww!" Masayang sabi ko nang makakita ako ng nagtitinda ng isaw pagkalabas ng mall.

Napatingin sa akin ang tindera saka ngumiti at tumango.

"Magkano po lahat manang?" Tanong ko sa tindera.

"Oyy easy ka lang!" Pigil ni Kyle sakin.

"Lahat ma'am?" Hindi makapaniwalang tanong ng tindera.

Tinanguan ko siya saka nginitian ng matamis. "Magkano ho?"

Nakita ko naman ang pagkataranta ng tindera. "Teka bibilangin ko muna ma'am!"

Pinigilan ko siya saka umiling. Kumuha ako ng dalawang libo sa wallet ko. "Is this enough?"

Mas lalong nanlaki ang mata ng tindera. "Naku ma'am sobra na po yan!"

"Accept it nalang po. Then pakibalot nalang ng binili ko." Inilapag ko sa lalagyan niya ng kita ang perang ibinayad ko.

Yumuko siya at nagpasalamat ng ilang beses bago ibinalot ang binili ko. Pati ang sauce ay inilagay niya lahat sa isang plastic cellophane. Tinulongan ko siyang ibalot yon saka kinuha sa kanya at nagpasalamat. Muli siyang nagpasalamat sakin, na ikinataba ng puso ko.

"Tara na Kyle!" Tawag ko kay Kyle saka naglakad palayo habang dala ang pagkain.

"Aanhin mo ang ganyan kadaming isaw? Gutom na gutom ka na ba?" Curious na tanong niya. "Baka madumi yan."

Napailing ako. "Naalala ko kasi sa kanya ang dati kong buhay sa probinsya. Kanina ko pa siya nakita doon at alam kong pagod na pagod na siya. Kaya binili ko na lahat para umuwi na siya at makapagpahinga." Sagot ko. Kumuha ako ng isa saka kinain. "It's safe. Kuha ka ng isa."

Nagdalawang isip pa siya kung kukuha ba siya. Ano ba yan! Ang arte naman nito. Kinalaunan ay kumuha na rin siya. Kinain niya ito saka siya napatango. "Mm! Masarap!"

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang kumakain. Malapit na kami sa kotse nang biglang may mga bata na lumapit sa amin. Napatingin ako sa kanila mula ulo hanggang paa. Ang dudungis nila. Nasaan ba ang mga nanay nito?

Sinubukan silang paalisin ni Kyle ngunit hindi natinag ang mga bata. Nanatili lang silang nakatayo sa harapan namin na may malungkot na tingin sa mga mata. Inilahad ng isang bata ang kanyang kamay sa harap ko. "Ate palimos po!" Nagmamakaawang saad niya. Tumutulo pa ang sipon niya sa ilong na siningot niya pabalik.

"Pangkain lang po!" Sabi naman ng isang bata sabay lahad sa kamay niya. Nagsisunuran ang mga kasamahan niya.

Napatingin ako sa dala kong isaw. Madami naman ito. Kakasya ito sa kanila. "Oh ito! Paghatian niyo yan!" Binigay ko sa kanila ang isaw na mabilis nilang tinanggap. Nagliwanag naman ang kanilang mga mukha.

"Maraming salamat po ate!" Masayang saad nila. Napangiti naman ako. I wasn't expecting na tatanggapin nila iyon. May iba kasi na magdedemand ng pera o di kaya ibang bagay na hihingiin.

Tatakbo na sila ngunit pinigilan ko sila. "Teka huwag muna kayong umalis!" Nagsitigil sila sa pagkilos at muling humarap sakin. "Nasaan ang mga magulang ninyo? Saan ang  mga bahay niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Magpipinsan po kami. Abala po ang aming mga magulang sa pangangalakal para may pambili po kami ng pagkain. Kaso hindi pa rin po sapat ang kita nila nanay at tatay. Dahil sa dami naming nagsasalo salo sa hapag kainan. Nandoon lang po ang mga bahay namin." Itinuro nila ang mga bahay na nasa kabila, nasa tabi iyon ng dagat. Gawa sa yero ang mga bubong at dingding ng bahay.

Ngitian ko sila. "Kung ganoon! Magpakabait kayo sa mga magulang niyo ha. Hindi lahat ng bata ay may magulang na mapagmahal at maalaga." Maluha luha kong habilin sa kanila. Malungkot ako na kabilang ako sa mga batang lumaking walang magulang, pati na rin itong nasa tabi ko. Kung tutuosin ay maswerte pa rin itong mga batang ito dahil nagsusumikap ang mga magulang nila para maibili sila ng pagkain.

"Osya magsi-pila kayo! Malayo pa ang pasko pero isipin niyo nalang na ako si Santa Claus at napaaga ang dating ko."

Sinunod nila ang inutos ko. Nagsi-pila sila sa harap ko. Kinuha ko ang wallet ko saka kumuha ng pera. Binigyan ko sila ng tig isang libo na ikinagulat nilang lahat. "Ibigay niyo yan sa mga magulang ninyo. Ibili niyo ng bigas at ulam. Maliwanag ba mga bata?"

"Opo! Maraming salamat po ate! Hulog ka po ng langit sa amin. Pambili na rin po ito namin ng gamot kung sakali. Madalas po kasi kaming magkakasakit. Dahil sa usok at alikabok na nalalanghap namin sa daan po."
Tugon ng isang bata. Napawi ang ngiti sa mga labi ko. Kaawa awang mga paslit.

"Alis na po kami ate. Maraming salamat sa kabaitan niyo po!" Sabay na sabi nila saka kumaway bago naglakad palayo sakin.

Kinawayan ko sila pabalik saka nginitian. "Mag ingat kayo!" Paalala ko pa sa kanila.

Ang babait nila. They deserves to have a good life. Someday... Darating din sila diyan. I hope and pray na gawin nilang inspirasyon ang kahirapan para makaahon sa buhay. Sana darating ang panahon na wala nang ni isang tao ang makaranas ng ganoong paghihirap.

Nilingon ko si Kyle saka nginitian ng malawak. Tulala lang siyang nakatingin sakin. Kinalabit ko siya para pukawin ang mga senses niya. "Tara na!"

Nagitla siya sa ginawa ko. "Sorry! Hmm... Tara na!"

Sabay kaming naglakad pabalik sa kotse. Naabutan namin si Clark na kasalukuyang umiidlip. Kinalabit ko ang leeg niya. "Clark!" Tawag ko. Bumangon siya at tumingin samin.

"Pasensya na ma'am. Inaantok kasi ako." Nahihiyang sabi niya.

Umiling ako saka ngumiti. "No! It's okay Clark. Pasensya na rin kung natagalan kami." Umupo ako sa passenger's seat at isinuot ang seatbelt. Si Kyle naman ay nasa back seat na nakaupo. Nagpalit kami ng upuan. Mas bet ko sa backseat umupo kanina eh. Ngayon sa harap naman.

Ilang minuto ang nakaraan ay narating namin ang bahay ni Kyle. Lumabas siya ng kotse, dala ang bag niya saka siya nagpasalamat. Tinanguan ko siya at saka kinawayan. Nagpasalamat din ako sa oras na inilaan niya para samahan akong umuwi ng probinsya.

Pagkadating namin sa hotel. Naunang bumaba si Clark samantalang ako naman ay nanatili sa loob ng kotse at hinihilot ang aking sentido. Inaantok na ako. Nilingon ko ang backseat para tignan ang inupuan ni Kyle kanina. Hindi ko alam pero bigla akong napangiti habang inaalala siya.

Pero napakunot ang noo ko nang makita ko ang isang paper bag. Doon ko na realized  kung ano yon. Ang libro na binili ni Kyle. Aigo! Bakit niya iniwan?

Lumipat ako ng upo sa driver's seat at pinaandar ang kotse. Ibinigay kasi ni Clark sakin ang susi bago siya lumabas at nagpunta sa loob ng hotel para kumain. May benefits din silang natatanggap, kagaya ng mga maids na pwedeng kumain ng libre sa  restaurant.

I stared at the paper bag. I need to return this to Kyle. I start the engine and drove my way to his house.

The Incredible NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon