Yawnn...
Morning came, panibagong araw na naman. Tinignan ko ang wall clock ko. Tsk! Napahaba ang tulog ko. 11 am na kasi, isang oras na lang at lunch na. Andami rin naman kasing ganap kahapon at kagabi. Nakakapagod... Tumayo na ako at nagtungo sa banyo para maligo.
Matapos akong maligo at magbihis ay nagpunta ako sa sink para mag toothbrush at gamotin itong sugat ko sa noo. Siunuot ko ang eye glasses ko... Yong suot ko kahapon. Hindi kasi ako nakapag dala ng panibago sa cr. Humarap ako sa salamin saka tinanggal ang band aid at nilagyan ko ng betadine ang sugat ko. Medyo nawawala na yong kirot. Mukhang naghihilom na siya. Napabusangot nalang ako habang nakatingin sa salamin. Tsk! Magiiwan kasi ito ng peklat! Aisht dibali na nga. Magpapacheck up nalang ako sa dermathologist after this.
Nilagyan ko ng panibagong band aid ang sugat ko. Matapos kong gawin iyon ay itinapon ko na ang nagamit kong band aid saka lumabas sa cr.
"Haystt ang boring!" Saad ko saka huminga ng malalim na may kasamang tunog. Sunod na tumunog ang tiyan ko. Napayuko ako at napatingin sa tummy ko. Oo nga pala! Hindi pa ako kumakain.
Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa dining room. Naabotan ko ang mga maid na abala sa paglalapag ng pagkain sa dining table. Nandon din si Kliea na kumakain habang nakikipagchikahan kay Rudolfo.
"Good morning!" Bati ko sa kanila.
"Late morning kamu!" Banat ni Kliea at ngumiti ng nakakaloko.
"Morning pa rin!" Hindi talaga ako papatalo no. Binelatan ko pa siya.
Tumawa ng malakas si Kliea sa ikinilos ko. Hinampas pa niya ang braso ko kaya napa irap nalang ako. Dumako ang tingin niya sa noo ko. "Oh kumusta naman ang sugat mo?"
Nag angat ako ng tingin na para bang makikita ko ang sugat ko sa noo saka ako nagpout. "Sugat pa rin naman siya. Okay lang daw siya at medyo gutom." Sagot ko sabay irap.
Muling hinampas ni Kliea ang braso ko saka siya tumawa. "Kumain ka na nga!" Hahampasin niya sana ako ulit kaso sinamaan ko siya ng tingin kaya hindi na niya itinuloy.
Bumaling ang paningin ko sa pagkain. Napangiti ako habang inamoy yong ulam. Hmm... Adobo, my favorite. Sumandok ako ng kanin saka ako naglagay ng ulam. Isusubo ko na sana ang pagkain nang tumunog ng malakas ang cellphone ni Kliea.
"Isilent mo nga yan!" Iritadong saad ko. Nakakadisturbo kasi sa taong kumakain.
Tumawa naman ng mahina si Kliea saka nagpeace sign. Tumayo siya at nagtungo sa sala para sagotin ang tawag. Ako naman ay nagsimula ng kumain. Katabi ko si Rudolfo na abala rin sa pagkain habang nagbabasa ng notes niya.
"Pwede bang mamaya ka nalang magbasa? Kumain ka muna." Saway ko. Hindi ako makapag focus sa pagkain kasi ang ingay niya magreview.
Napakamot siya sa ulo niya. "Hehe pasensya na po ma'am. May quiz kasi kami mamaya."
"Hmm... Okay you can review but minimize your voice. Kung maaari, just read with your eyes only." Sabi ko saka nagpatuloy sa pagkain.
Maya maya pa narinig ko ang foot steps ni Kliea na parang nagmamadali. Naka heels pa naman siya kaya lumilikha iyon ng malakas na ingay. Sinamaan ko siya ng tingin sabay turo sa paa niya. Ayaw na ayaw ko kasi ng maingay kapag kumakain ako.
"Hehe sorry. Uhm I have to go. May business meeting pala ako. Nawala sa utak ko. Gotta go byeeee!" Sigaw niya habang tumatakbo papunta sa elevator.
"Ako rin po ma'am aalis na po ako. Need ko po kasing maghanda para sa quiz." Sabi naman ni Rudolph. Bago siya tumayo ay inubos muna niya ang kanyang juice saka siya umalis dala ang binder niya.
BINABASA MO ANG
The Incredible Nerd
Teen FictionShe's a woman with full of dreams, She's intelligent and she's very smart on handling things. She's strong and brave, that's why she's incredible. The Incredible Nerd By: Jendra_Flevie Plagiarism is a crime lady.