Jheuna POV
"Woah ang linaw ng tubig!" Namamanghang sabi ni Lady habang nakatingin sa ilog. Sa dulo ng ilog ay makikita mo ang maliit na water falls na kumikislap ang tubig.
"Picture tayo! Pang instagram!" Aya ni Lady. Humarap kami sa cellphone na hawak niya at nagpicture kaming lahat.
Buti nalang at hindi sumali si Kyle sa picture taking. Baka issue na naman tsk. Nandoon kasi siya abala sa pagtingin tingin sa buong paligid ng ilog. Nakikita ko ang pagkamangha sa mukha niya. Napangiti nalang ako.
"Jhe! Twofie tayo!" Tawag ni Lady saka ako hinila patungo sa tabi niya. Ginawa ko ang gusto niya. Nagtwofie kaming dalawa na parehong naka piece sign ang mga kaliwang kamay samantalang ang kanang kamay ko naman ay naka akbay sa kanya.
"The two beautiful nerd!" Sabi niya habang nagtatype sa cellphone niya. Hmm... Mukhang inupload niya kaagad. May signal pala dito? Wala kasi akong cellphone dati kaya hindi ko alam.
Nahagip ng paningin ko si Mark. Sumilay ang ngiti sa mga labi ko. "Mark!" Tinawag ko siya at sinenyasan na lumapit. Naglakad siya papunta samin nang naka kunot ang noo.
"May kailangan po kayo ma'am?" Curious na tanong niya.
"Dali!" Hinila ko siya at pinatabi kay Lady. "Picture kayo!" Hinablot ko ang cellphone ni Lady at saka binuksan ang camera. Natawa pa ako nang makita ang wallpaper niya. Stolen shots ni Mark iyon habang seryosong naka upo sa loob ng canteen.
"Oy teka..."
Ayaw sana ni Lady kaso pinandilatan ko siya. "One... Two... Three... Say cheese!" Bilang ko saka pinindot ang click button. Nahihiya pang ngumiti si Lady at kita ang pamumula niya. Samantalang si Mark naman ay parang tuod dahil sa tuwid niyang tumayo. Seryoso ang mukha niya pero nakasilay ang tipid na ngiti.
Gusto din! "Ayan may picture na kayong dalawa!" Masayang aniya ko saka pinagmasdan ang kuha kong picture.
"Patingin!" Binawi niya ang phone niya saka tinignan ang picture. Tinakpan niya ang kanyang bibig saka humagikhik ng tawa. Kilig na kilig ang gaga. "Kayo naman ni Kyle!"
What?
Napakurap kurap ako habang nakatingin sa kanya. Nanunukso ang kanyang mga ngiti. Napairap nalang ako. Aba nakaganti rin. Tinawag niya si Kyle at sinenyasang lumapit.
"Bakit?" Si Kyle.
"Picture kayo!" Kinikilig na sabi niya. Hinila niya si Kyle at pinatabi sakin.
Pero ang hindi ko inasahan ay ang pag akbay niya sakin. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nanlaki ang mata nang makitang nakatingin din siya sa akin. Sumilay ang matamis niyang ngiti bago siya humarap sa camera. Napakurap kurap pa ako nang maramdaman ang malakas na pagkabog ng puso ko. Huminga ako ng malalim bago humarap sa camera.
"One... Two... Three...Say cheese!" Utos niya. Tipid akong ngumiti sa harap ng camera. Hindi ako mapakali dahil sa kamay ni Kyle na naka akbay sakin. Para akong kinikiliti nito.
"Ligo na!" Inilapag ni Lady ang cellphone niya sa malaking bato saka siya tumakbo papunta sa tubig.
"Dahan dahan! Matutulis ang bato sa ilog!" Paalala ko. Baka ihalintulad niya ito sa dagat na buhangin ang nasa ilalim at konti lamang ang bato. Nag okay sign naman siya saka nagsimula nang lumangoy habang isinisigaw kung gaano ka fresh ang tubig. Napalingon lingon ako sa paligid at nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang walang kalabaw dito. Alams niyo na.
"Ikaw hindi ka ba maliligo?" Tanong ni Kyle sakin.
Ngumiti ako saka umiling. "Mamaya nalang siguro." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Incredible Nerd
Teen FictionShe's a woman with full of dreams, She's intelligent and she's very smart on handling things. She's strong and brave, that's why she's incredible. The Incredible Nerd By: Jendra_Flevie Plagiarism is a crime lady.