"Marcus, mayroon akong binili."
Pinilit kong magsalita kahit hatak hatak ako ni Marcus pabalik sa backhouse. Nang marating naman iyon, binitawan din niya agad ang palapulsuhan ko dahil may kinukuha siya sa bag niyang dala.
"Kita mo 'to? May binili ako." Ipinakita ko sa kanya ang paper bag ng McDo.
Nagulat ako lalo nang kunin niya iyon at inilabas ang laman. "Dalawang pirasong hotcake at isang sandwich?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Mabubuhay ka ba rito?" Sabay niyang ibinagsak ang pagkain ko sa mesa at inilapag ang lunchbox na galing sa bag niya.
"Ito, may kanin 'to." Turo niya muli sa lunchbox at napakamot sa ulo niya.
Hindi ko alam kung natatakot ba ako sa kanya o ano dahil umupo ako roon at binuksan ang dala niya. May kanin, chicken ala king, at mashed potato pa. Siya ba ang nagluto nito?
Kakain na sana ako nang nakita ko siyang nakatayo pa rin doon. "Ikaw, hindi ka ba kakain?"
Inirapan ba naman ako?! Umupo siya sa harap ko at kinuha ang binili kong breakfast sa McDo. Iyon ang kinain niya. Agad siyang kumain kaya iyon na rin ang ginawa ko. Inubos namin iyon ng walang imik.
Nagtataka rin ako kung bakit hindi sumunod sila Kastler dito. Lalo na si Angelique.
"Teka, Marcus." I started. Hindi ko kasi maisip ang mararamdaman ni Angelique. "Bakit mo ba 'to ginagawa? Paano si Angelique?" Seryosong tanong ko.
Natigil siya sa pag-inom ng kapeng binili ko. Sinenyasan niya ako ng "sandali" dahil para siyang natatawa habang pilit nilulunok ang kape. It took him good two minutes bago niya nalunok iyon.
"Anong mayroon kay Angelique?" Natatawang tanong pa rin niya.
"Hindi ba magagalit ang girlfriend mo sa ginagawa mo?"
Hindi ko alam kung bakit tawang tawa siya sa mga tinatanong ko. Malapit na akong mainis dito sa ginagawa niya.
"Sino namang nagsabi sa 'yong girlfriend ko si Angelique?" Ipinatong niya ang kamay niya sa mesa at tinignan ako. "Sige, sabihin mo. Bugbugin ko."
Napaisip ko. Sino nga bang nagsabi? Parang wala nga. Ako nga lang yata ang nag-isip. Akala ko lang kasi ay si Angelique ang tinutukoy ni Kuya Marco noong nagkita kami sa Canada.
"Ako?" Nag-aalangang sagot ko na parang tanong pa ang tono.
Agad naman siyang nagulat kaya parang gusto niyang bawiin ang sinabi niya. "Bubugbugin ko ng... halik." Agad nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko inasahan iyon.
Ganito na ba kami kalapit ngayon? Agad? Sabagay, ano pa nga ba ang gusto ko? Nakabuo na nga kami ng bata, eh.
"Buti tinanggap mo 'tong project na 'to?" Bigla siyang nag-iba ng topic.
YOU ARE READING
Abyss of Gold (Colours of Love #2)
RomancePeople will always know gold to be beautiful and elegant. Every good adjective can be used to describe gold but what if, on the other side, it has a depth of unknown mess and chaos? What if gold has its abyss? Will it still be beautiful? Reese Thery...