Two

42 5 0
                                    

"Reese, ano pa bang hinihintay mo d'yan? Hinihintay na tayo ng mga Falco!"



Kanina pa ako nakabihis pero ilang minuto na rin akong tulala sa harap ng salamin. Noong mga nakaraang araw ay gusto ko ring umalis dito sa bahay pero wala naman akong pupuntahan. Kapag pumunta ako sa mga kaibigan ko, alam nila Daddy kung saan ako hahanapin.



Sabi ni Daddy ay kailangan kong maging pormal sa harap nila kaya nagsuot ako ng beige-colored dress at white sandals. Bumaba na ako dahil baka tuluyan nang magalit sa akin si Daddy.



"What's taking you so long? Tara na." Agad kaming umalis para pumunta sa bahay ng mga Falco.



Hindi naman ganoon kalayo. Nang makarating kami sa bahay nila, napaawang ang mga labi ko ng makita kung gaano kalaki ang bahay nila. Hanggang third floor at malawak ang garden sa harap. Mayroon ding pool at fountain. Marami-raming tax siguro ito ng taong bayan.



"Reese, ayusin mo nga 'yang mukha mo. Bakit ka ba nakabusangot?" Sita ni Daddy bago tuluyang bumaba sa sasakyan.



Ikaw ba naman ang ipambayad ng magulang mo kapalit ng pera at posisyon, hindi ka ba bubusangot?



Hinawakan ni Mommy ang kamay ko ang binigyan ako ng ngiti. "Kapag naisalba ko ang pawnshop, hindi na natin kailangang ituloy 'to." Bulong niya.



Gusto kong umasa pero malabo. Noong marinig ko ang pag-uusap nila noong nakaraang araw, malaki ang kailangang bayaran dahil nalubog sa utang ang pawnshop. Lahat ng loans ay naisama na. Hindi ko rin alam kung saan pa sila kumukuha ng pera para sa tuition ko.



I've tried inquiring about a scholarship and a part-time job pero karaniwan ay pang first year students lang ito ino-offer. Hindi pa rin ako humihingi ng tulong sa mga kaibigan ko dahil ayokong madamay sila.



Pumasok kami at nakita ang common area nila. Mayroong isang malaking family portrait ang nakalagay roon. Palagi kong nakikita ang mga ganito sa mga corrupt na politician, e. Marami rin ang mamahaling vases at paintings ang naroon.



Dumiretso kami sa dining area kung saan naroon na sila at maraming maid ang nakapalibot sa buong table. Even their utensils are gold.



"Good evening, Fred." Bati ni Councilor sa daddy ko. Sumunod siyang nagbeso kay mommy at sa akin pero agad kong inabot lang ang kamay ko.



Tumawa siya bago tinanggap iyon at pinaupo kami. Sa tapat ko ay si Daniel na mukha pa ring seryoso. Ngumiti lang siya nang kaunti.



Kumain kami at sobrang daming pagkain ang inihanda nila. Akala mo fiesta. Enjoy na enjoy sila sa pagwawaldas sa pera ng bayan na akala mo ay kanila talaga. I wonder how do they sleep peacefully at night knowing they're stealing people's money.



"Reese will be on her third year next sem. Civil engineering." Pagkukwento ni Daddy sa kanila.



"Daniel is taking Mechanical Engineering. MAPUA. Hindi ba kayo nagkikita doon?" Tanong ng lalaki sa akin.



Agad akong umiling. "Hindi po." Sagot ko. Hindi ko alam na ka-batch ko pala siya.



"You know, these past few days, we've been so busy. Anchor Way Travels is really making their way up." Sabi ni Victor kaya napalingon ako sa kanya. Napatigil ako sa pag-kain.



"Hindi ba namatay na ang asawa ni Stella Garcia? Buti nakaya niyang patakbuhin mag-isa?" Tanong ni Daddy.



Iyon ang family business nila Matthew. Kalaban ba ng mga Falco iyon? Hindi nila alam na kaibigan ko rin si Matthew dahil sa naging sila ni Thea noon.



Abyss of Gold (Colours of Love #2)Where stories live. Discover now