"Uuwi ka na?"
Ipinasok ko sa sasakya ni Thea ang mga bag na dala niya. Ako na ang nagbibit ng mga laptop at ilang folders na dala niya pababa sa parking lot. I always make sure to check on her kapag nasa office ako.
"Oo. Pero sa bahay ako uuwi." Napalingon siya mula sa driver's seat. "Umuwi si Ate Raya." Tuloy ko.
Tumango lang siya at inayos na ang seatbelt. "Thank you sa pag-aalaga sa amin ni baby." She said before I closed the back seat door.
"Syempre naman." Ngumiti ako at hinintay ko siyang makaalis bago ako sumakay sa kotse ko.
Kagabi, bago umuwi si Marcus galing sa unit ko, nagchat si Ate Raya na umuwi sila ni Kuya Klest dito sa Pilipinas. She said she wanted to visit our parents kaya susunod ako roon ngayon. Hindi ko alam kung alam ba ni Daddy na umuwi si Ate o kung sinabi ba ni Mommy. I drove straight there.
Nadatnan kong mayroon ng nakapark na sasakyan sa labas ng bahay kaya agad napalitan ng excitement ang katawan ko. I did not want to go to this house pero dahil umuwi si Ate Raya, makakaya kong mag-stay rito kahit saglit.
Upon entering our house, may nakita akong batang babae na nakadress ng kulay violet at nakapigtail. She was running around but stopped when she saw me. Bumalik siya sa loob kaya nakita kong naroon na si Ate Raya at kausap si Mommy... pati si Daddy.
"Reese!" Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako. I did the same. "I missed you, bunso." Her voice cracked but she tried not to cry.
"Namiss kita, Ate." Bulong ko.
Matapos iyon, ibinaba ko ang hard hat at bag ko sa isang bakanteng upuan. Binuhat ni Ate ang batang babae na nagtatago sa likod ni Kuya Klest.
"Kana, this is your Tita Reese oh. Say hi!"
Palipat lipat ng tingin ang bata sa amin ng mommy niya. Baka naguguluhan dahil marami ang nagsasabi na magkamukhang magkamukha kami ni Ate Raya. I smiled at her and offered my hands to carry her.
"Hi." Inabot niya rin ang kamay niya at kinarga ko siya agad. I smiled when she played with my hair.
"Reese, si Klester." Ngumiti na lang ako dahil hindi ko na magawang makipagshake hands dahil nga karga ko si Kana.
The last time I saw them was during her graduation. Ngayon, kasal na sila at may baby na. Kahit pa ako ang umako sa kasal niya, hindi ko 'yun pinagsisisihan dahil alam kong naging masaya si Ate. Wala sana si Kana kung hindi naging matapang si Ate Raya.
YOU ARE READING
Abyss of Gold (Colours of Love #2)
RomancePeople will always know gold to be beautiful and elegant. Every good adjective can be used to describe gold but what if, on the other side, it has a depth of unknown mess and chaos? What if gold has its abyss? Will it still be beautiful? Reese Thery...