"La Union, here we comeeee!"
Marcus literally is hopping in joy while getting my luggages inside his car. If you back track, he was just asking me if I ever went to see La Union pero sabi ko hindi pa and then ito na kami, magbbyahe na papunta roon.
"Ang dami mo namang dala. Baka isipin nila tinanan mo ako ha!" He dramatically held his chest na para bang siya pa ang lugi sa mga nangyayari.
"Ako? Itatanan ka?! Kapal." Inirapan ko siya habang nasa passenger seat na. Tumawa siya bago isinara ang pinto sa likod at umikot na para pumunta sa driver's seat.
When he was already inside, I asked him about his sponty plans. "Bakit mo nga ulit plinanong magpunta sa La Union? Ngayon?!"
Tinignan niya ako bago ikabit ang seatbelt niya. He acted like he was thinking. "Uhm. Wala lang. I have no work this weekend, e. Ikaw din 'di ba?"
"Sure ka d'yan? May pasok ako ng Saturdays."
"I asked Ate Thea. Wala raw." Ngiting ngiting sabi niya at inistart ang sasakyan.
So, all this time, Thea was part of this, huh. Hindi ako ready na may biglaang bakasyon pala ako sa La Union. Well, it was true. I have never been to La Union dahil mula noon, hindi ako madalas na payagan ni Daddy.
I was excited dahil first time ko nga doon. Pero kabado dahil si Marcus ang kasama mo. Ni hindi ko nga alam kung may tutuluyan na ba kami doon o wala pa. Kung alam ba niya papunta roon o hindi.
"Relax lang d'yan. Ako bahala sa'yo." He gave me a wink before he drove away.
We left Manila around 10PM because I had to pack my things and he went back to their house to fix his, too. Bumalik siya sa unit ko para sunduin ulit ako. Kotse niya ang gamit namin dahil sabi niya, mas malaki at komportable. I went to sleep during the ride. I woke up around midnight at nasa byahe pa kami. Umaga na kami makakarating doon dahil malayo nga.
Hindi pa yata niya napapansing gising na ako kaya tahimik siya. Someone called him so he answered through his car's monitor.
"Yes? Papuntang La Union, bakit?"
"Pag-uwi nalang namin. Bebe time 'to! Bebe time! Ang KJ mo naman, Matthew. Pag-uwi na nga!" Umiling pa siya bago pinatay ang tawag. He was focused on the road. Puro lights lang ang nakikita ko galing sa ibang sasakyan.
"Hindi ka ba inaantok?"
Nagulat siya nang magsalita ako. Agad bumalik ang ngiti sa mga labi niya. Kanina, seryoso siyang nagddrive pero ngayon, mukha na naman siyang energetic.
"Hindi. Ikaw ba? May gusto ka?" He said, not looking at me.
"Stop over muna tayo niyan to get some coffee, I guess. Para din makapagpahinga ka." I saw him pursed his lips, preventing a smile.
"Huy, 'wag ka namang ganyan. Kinikilig ako." Sabi niya at tuluyan na ngang ngumiti.
Pati tuloy ako natatawa na sa mga sinasabi niya. "Nasaan na ba tayo?" Tanong ko.
Ngumuso siya para ituro ang phone niya. I realized he was pertaining to the GPS in his phone. I bent over to see it. Tumango lang ako nang makita kong nearing Pangasinan pa lang kami. After a few minutes, he stopped in a convenience store to buy coffee.
"Ganyan din gusto ko!" Turo niya sa button sa coffee machine habang kumukuha ako ng akin. When I filled my cup, isinunod ko ang sa kanya habang bumibili siya ng ibang pagkain.
YOU ARE READING
Abyss of Gold (Colours of Love #2)
RomancePeople will always know gold to be beautiful and elegant. Every good adjective can be used to describe gold but what if, on the other side, it has a depth of unknown mess and chaos? What if gold has its abyss? Will it still be beautiful? Reese Thery...