Twenty two

46 3 0
                                    

"Marcus! 'Yung alarm mo!"



Sinubukan ko siyang gisingin dahil sobrang ingay ng alarm niya pero ako naman ang nagigising! It's just 4 AM! Sinabunutan ko siya dahil walang epekto ang sapak sa braso niya. He started to groan dahil sa sabunot ko pero imbes na bumangon ay tinalikuran lang niya ako at nagtalukbong ng kumot.



"Marcus, gusto ko pang matulog! 'Yung alarm mo!" Sinimulan ko nang gamitin ang mga paa ako para sipain siya. Tinuloy ko lang iyon hanggang sa tuluyan siyang bumagsak sa sahig.



Doon siya nagising at tumayo mula sa sahig habang hinihimas ang pwet. "Good morning naman, Therysa." Sarkastikong sagot niya habang sinusubukang bumalik sa higaan pero agad ko siyang inambahan ng sipa.



"Maaga pasok mo, 'di ba? Maligo ka na!" Inirapan ko siya at nagtalukbong ng kumot para subukang matulog muli. I think I did sleep for 30 minutes only. Nagising na ulit ako pagkatapos noon.



Dahil hindi ko na makuha ang tulog ko, bumangon na ako para maghilamos at samahan nalang kumain si Marcus. Naabutan ko siyang nakasuot na ng polo at slacks pero wala pa ang coat. Naupo ako roon habang pinapanuod siyang magluto.



"Matagal pa ba?" Biro ko. Agad siyang lumingon sa direksyon ko at nakataas na ang kilay.



"Aba naman, Miss. Doctor ako hindi master chef." Inirapan niya ako at tinapos na ang niluluto. Walang isang minuto, nilapag na niya sa harap ko ang bacon at corned beef. "Attitude." Hirit pa niya bago kumuha ng plato.



Inabot niya sa akin ang plato at pinagsandok pa ako ng kanin bago tuluyang umupo sa harap ko. Napangiti ako habang pinapanuod siyang bigyan ako ng pagkain. 



"Buti nalang mabuting asawa ako." He said it like he's making me feel guilty about my morning tantrums.



"Asawa?" I tried to clear things out.



"Reese, nakakahurt ka na, ha? Kanina hinulog mo ako sa kama, ngayon naman ayaw mo akong maging asawa?" Hinawakan pa niya ang dibdib niya at umaktong nasaktan.



"Hindi naman kasi tayo mag-asawa." Sabi ko at sumubo.



"Hindi... pa. Linawin natin 'yun, ah?" He raised one of his brows. "Hindi pa."



I smiled when he said that. Pakiramdam ko ay malapit na kami doon. When we finished the food, ako na ang nag-volunteer para maghugas ng pinggan dahil kailangan na niyang pumasok. Pagkatapos noon ay naligo na ako para dumiretso sa site.

Abyss of Gold (Colours of Love #2)Where stories live. Discover now