"Baklaaaaa! Congratulations sa daddy mo! May kapit na tayo sa City Hall!"
Pinindot pindot ni Thea ang braso ko habang nagmemeryenda kami dito sa site. Nagpa-cater kasi ang daddy ni Kastler kaya naidamay na rin kami.
Almost everyone was happy with the election results but I am not. Daniel's dad is now the Mayor tapos si Daddy naman ay councilor. They held a celebration last night but I did not come kasi sabi ko, may mga papers ako na due today so busy ako. Naniwala naman sila dahil nga nasa OJT ako.
I did not want to see monsters celebrating the positions they got. Alam ko naman ang mga balak at plano nila. It will be more of themselves than for the people.
Nawawalan na rin ako ng pag-asa to stop the wedding kasi next year na iyon and I still don't know how to do my plan. Natatakot ako sa maraming bagay. Now that I know how Daniel is, mas lalong doble ang takot sa akin.
After we ate, we had the same routine in the site. For our whole OJT, it has been so fulfilling for me. Doon ko mas narealize na I did pick the program that I love. I went home and tried to rest. Tomorrow will be our last day sa City Hall and for the next sem, iilang subjects na lang rin ang kukunin namin. After that, we will be on our fourth year.
Papikit na ang mga mata ko nang maalala kong lalabas pala kami nila Henley ngayon! Hindi naman kasi pinaalala ni Thea sa akin kanina. Late na naman ako.
Agad akong bumangon para magpalit ng damit dahil nakapantulog na ako. I wore black sleeveless romper tapos ay sandals. Hindi na kasi ako makapamili dahil napakarami na nilang texts, chat, at tawag sa akin.
Mabuti nalang, pagkatapos no'n, may taxi agad kaya mabilis akong nag-byahe pero late na talaga ako. When I reached the bar, napakaraming tao kaya nahirapan akong hanapin sila. Tinakpan ko ang ilong ko habang naglalakad dahil kailangan ko munang daanan ang smoking area bago ang table nila Henley.
"Lasing na kami, on the way ka pa lang." Salubong ni Ellie sa akin.
"Nakalimutan ko nga. Hindi naman kasi pinaalala sa akin ni Thea kanina." Reklamo ko naman at umupo na.
They started drinking while waiting for me. Si Ellie ang pinaka high tol at si Thea naman ang makalat. Abang abang lang kayo diyan, mamaya, magkukwento na 'yan ng pagsisisi niya na tinaboy niya ex niya. Ako naman, taga-ligpit ng kalat nila.
"Road to fourth and last year in college!" Sabay sabay kaming nagtaas ng mga baso namin.
"Hoy, Thea! Ano? Knock out ka na d'yan?" Inalog ni Ellie si Thea na nakapikit na sa couch.
Tinawan ko ang itsura niya bago siya sinampal nang marahan para magising. Ilang baso palang ay tumba na ata ang isang 'to.
"Huh? Hindi ako lasing." Sabi niya nang agad na dumilat.
"Susunduin ka ba ni Rave, Henley? Paano uuwi si Thea nito?" Sabi ko. Madalas kasi, susunduin kami ni Rave dahil wala pa namang mayroong sasakyan sa amin.
Wala na rin naman ang taga-sundo ni Thea. Wala namang susundo sa akin, pati na rin kay Ellie. Si Rave nalang talaga ang inaasahan namin. Kapag naghiwalay pa sila, aba, ewan ko nalang.
"Oo, itetext ko nalang siya mamaya." Sabi niya at uminom ulit. Naubos na nila ang dalawang bote ng Bacardi.
Ellie went to dance kaya sinamahan siya ni Henley. Babantayan lang niya dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya roon lalo na't lasing na. Kami naman ni Thea, dito lang sa couch. Unti unti na siyang nananahimik at namumula. Pinipigilan ko ang tawa ko dahil sa pagmumukha niya.
YOU ARE READING
Abyss of Gold (Colours of Love #2)
RomancePeople will always know gold to be beautiful and elegant. Every good adjective can be used to describe gold but what if, on the other side, it has a depth of unknown mess and chaos? What if gold has its abyss? Will it still be beautiful? Reese Thery...