"Engineer, 'yung mga bag ng semento nasa baba na po."
I suddenly went back to senses when a worker called me to sign a delivery downstairs. Hindi ko namalayan na matagal na yata akong nakatulala sa kawalan. It has been days since the incident happened. Tita Stella is still not awake. Marcus rarely went home the past days since naroon sila laging magkakapatid sa hospital.
Uuwi lang siya para kumuha ng damit, madalas ay hindi na nga kami nagkikita and I understood. Their mom needs them. Kahit punong-puno rin ng kaba at takot ang utak ko, I needed to display strength dahil ako lang ang huhugutan ni Marcus ngayon. I needed to be firm.
"Dito nalang, Ma'am." Itinuro ng delivery man kung saan ako pipirma. I signed and then handed it back bago ako tuluyang bumalik sa taas.
I tried to focus the whole day. I didn't want to be zoning out while at work. It may affect the construction, I had to pay attention. Nang matapos ang trabaho, bumisita ulit ako sa hospital. I drove straight there and only saw Matthew in there. Nakacoat pa siya kaya mukhang kagagaling lang rin ng trabaho.
"Reese." Bati niya nang makita ako. "Marcus is still at work." Ngumiti siya nang kaunti.
Tumango lang ako at umupo sa kabilang side ni Tita Stella. She has still a lot of tubes connected to her body. "Kumusta na raw si Tita?"
"She's stable but still unconscious," Tipid na sagot niya. "I just hope she wakes up now. We can't win the case since there's no witness as of now."
"Si Thea? 'Yung baby niyo?"
"Doon muna sa amin ang mommy niya to take care of her whenever I am at work and I need to sleep here. We visited her OB and she said we need to avoid stress since she might deliver earlier than her due date. It will be at risk kapag premature birth." He was both worried and sad about everything that is happening right now.
Hindi ko rin ubos maisip kung bakit ba nangyayari lahat ng ito. I am worried about Marcus and Thea and her baby. She can't dwell on this dahil kailangan niyang alagaan ang anak niya.
I stayed there until dinner time and I went home dahil baka umuwi si Marcus kaya nagluto ako in case he wanted to eat or maybe bring something to the hospital. I prepared food and then I took a bath. Chinecheck ko nang paulit ulit ang phone dahil baka may texts siya pero wala kaya naghintay nalang ako sa sala.
I was just watching news and random series para magising habang naghihintay sa kanya. I texted him kung uuwi ba o kumain na ba siya pero wala akong na-receive na reply kaya kinabahan ako. Hindi ko rin namalayang nakatulog na pala ako sa sala. Nagising ako dahil sa may kung anong dumampi sa pisngi ko.
Pinilit kong dumilat at doon ko nakita si Marcus na mukhang kauuwi lang. Nakaupo siya sa harap ko. Nakita ko rin ang bag niya na nasa sahig. Binigyan niya ako ng ngiti bago hinawakan ang kamay ko.
"Kumain ka na ba?" Unti unti akong bumangon para yayain siyang kumain.
YOU ARE READING
Abyss of Gold (Colours of Love #2)
RomancePeople will always know gold to be beautiful and elegant. Every good adjective can be used to describe gold but what if, on the other side, it has a depth of unknown mess and chaos? What if gold has its abyss? Will it still be beautiful? Reese Thery...