a quick author's note.
hi, everyone! I pray that you are all safe and happy.
For everyone's info, this story (especially on the first parts) will have 'fast forward' scenes. I can't bear having Reese beaten up every chapter after marriage lol. Oops, may spoiler!
---
"Mars, iidlip lang ako. Saglit lang! Itutuloy ko 'yan after nap."
Thea groaned out of frustration before she swam on the bed leaving her laptop and heck of papers untouched on her study table. Mukha ngang tinuloy niyang umidlip kaya tumayo ako at itinigil ang pagta-type para kumuha ng papel at paluin siya no'n sa ulo.
"Hoy! 'Wag mo akong iwan! Kulang pa related lit natin!" Sunod sunod ang pukpok ko sa ulo niya.
Nakita ko siyang dumilat at inirapan ako. "Ito na." Walang gana siyang tumayo at lumabas ng pinto.
"Hoy! Althea! Nandito laptop mo." Itinuro ko ang laptop niya habang naguguluhan. Nags-sleep walk na ba 'to? Dulot ng thesis.
"Luluto ako pancit canton." Hindi na siya lumingon at tuloy na bumaba sa kusina.
Nandito ako ngayon sa bahay nila dahil kailangan namin matapos kahit ang related lit, local and foreign. Kung saan saan na kami naghahagilap pero ang hirap talaga! Sino ba nagpauso ng thesis? Sana hindi masarap ulam niya.
Itinuloy ko nalang ang pagta-type habang humihikab dahil it's 1AM. Sana lang ay dinagdagan ni Thea ang pancit canton dahil gutom na rin ako. Nagmumura yata ako habang gumagawa ng thesis. Sana paggising ko tapos na 'to.
"Huuuu saraaap!" Inilapag ni Thea ang isang pinggang pancit canton sa table ko.
"Thanks, sis." Sabi ko at sumubo na agad doon na agad ko ring iniluwa dahil sa anghang.
"Haaa! Ang anghang!" Sabi ko at pinaypayan ang dila. "Hooo!" Kinuha ko agad ang kape sa mesa at agad na ininom. Parang nawala ang antok ko sa katawan pero nasunog naman ang dila ko.
"Hala. Sorry, sis. Ito pala sa'yo." Pinagpalit niya ang mga plato namin. "Hindi ko sinasadya. Medyo lang." Sabi niya at tumawa.
I was never a fan of spicy food. Hindi ko nga kayang umubos ng spicy na cup noodles. Madalas kasi, magkakaroon ako ng diarrhea o kung ano man. Kaya I was too careful.
We spent the midnight finishing that part. Good thing, we had over half of it kaya kaunti nalang ang kailangan. I woke up around 9AM already dahil alas sais na kami natulog. I woke up Thea dahil we have 1PM classes today.
May dala na akong mga gamit kaya nauna na akong naligo sa banyo niya habang tulala pa siya sa kama niya at nagchecheck ng social media niya. Kasama rin namin si Kastler pero syempre binigyan nalang namin siya ng part. Next time na raw siya isasama sa sleepover. We have been working on this for over a month. Next next month, defense na. after no'n, hopefully, graduation na!
But, I'll be married right after that so it breaks my celebration.
Hinintay ko si Thea bago kami bumaba para sa lunch na. Nag-iwan ng breakfast si Tita Anne bago umalis. Sobrang sarap magluto ng mama ni Thea kaya na-excite ako kumain. Kumain kami at umalis na rin agad dahil baka abutan kami ng traffic.
Nakarating naman kami on time for our first subject this day. Agad na sumama sa amin si Kastler sa amin nang dumating ang prof. Nagdiscuss lang siya, buti nalang. Kulang pa rin kasi ang tulog ko. Matapos iyon, isang subject nalang tapos ay tapos na.
YOU ARE READING
Abyss of Gold (Colours of Love #2)
RomancePeople will always know gold to be beautiful and elegant. Every good adjective can be used to describe gold but what if, on the other side, it has a depth of unknown mess and chaos? What if gold has its abyss? Will it still be beautiful? Reese Thery...