Thirty one

42 3 1
                                    

"'I miss home' ka pa d'yan. Isa lang naman namimiss mo do'n."

Mula nang sumagot ako kanina, hindi na ako tinigilan ni Kastler buong event. Para bang hindi siya titigil hangga't wala akong pangalang binabanggit.

"Hindi pa ba sapat sa'yo na uuwi na ako sa Pilipinas?" Tanong ko habang nanunuod sa live band na nagpeperform sa harap. Ang alam ko, sikat na banda sila lalo na sa Pilipinas, pero dito, parang normal lang silang mga tao.

"I know you'd go home. I had no doubts." He proudly shrugged.

I mocked him at tinuloy na ang pagkain. VS left us here to greet her friends and business partners. Sobrang dami niyang kakilala sa kahit saang lugar na pinupuntahan niya. 

I felt mixed emotions remembering that I agreed upon coming home. Parang equal parts of kaba, nerbyos, saya, lungkot, at takot. I don't know which one is dominant dahil pare-pareho ko lang silang nararamdaman at the same time.

"Have you told  your friends already?"

Agad akong umiling sa kanya. "Not yet. Suprise na lang." Sagot ko at tumawa.

Parang ganoon na nga ang plano. Hindi ko na lang sila sasabihan. Magulat na lang sila kapag nakita na nila ako. That's better, I guess. More genuine reactions.

Tinapos namin ang event dahil may sasabihin pa raw sa amin si VS bago umuwi. Naghihintay din kami ng turn namin para sa picture taking sa harap with the owner of the company and some partners. Tumayo kami nang sumenyas si VS sa amin papunta sa harap.

Kastler and I stood beside VS. Nasa gitna kaming tatlo and all the other partners were on the sides. "Ready in 3... 2... 1." Ngumiti kaming lahat upon the picture. Automatic ding nag-disperse after the photo op. 

"I thought we'll have Engr. Reese here in our firm but Vallerie won. Again." Tumawa sila.

"I'm sorry but nothing else feels like home, I guess." 

"It is our pleasure working with the two of you." He offered his hands to me and Kastler. Ngumiti kami at tinanggap iyon. "Have a safe flight."

Lumabas na kami sa events place at nagpunta na sa parking. Bago pa maghiwa-hiwalay, tumigil sa paglalakad si VS para magsalita. "I booked your flights already. Sasabay na kayo sa akin."

Medyo nagulat ako sa biglaang plano. Hindi ko naman alam na biglaang uwi pala ito. Akala ko ay isang buwan pa.

"I can read you face, Reese. Don't worry, I'll help you with Tim's papers. That would be fast." Chill niyang sabi na para bang walang kahirap hirap ang gagawin namin. "We just really need the both you back there. Your Canada days are over. Sana nagsawa na kayo rito." Tumawa pa ulit siya.

"Thank you, VS." I smiled.

"I'll send you the flight details. I'll also send you the address of my hotel just in case you need anything. I'll see you at he airport? Yes?" Sunod sunod na sabi niya na para bang nagmamadali na.

"Yes, Engineer." Sagot namin.

We separated ways and went home. Hinatid na ulit ako ni Kastler sa bahay. Hindi na siya bumaba dahil halos madaling araw na. Pagpasok ko, nakapatay na ang mga ilaw sa sala so I had to search through my hands.

Umupo ako saglit sa couch at nagtanggal ng coat. Inalis ko na rin ang heels ko at inalagay sa shoe rack sa gilid. I rested my body on the couch and closed my eyes.

Ready na ba talaga akong umuwi? Hindi ba pressured lang ako kaya sumagot ako kanina? O baka naman iyon talaga ang gusto ko. Hindi na ako mapakali sa kaiisip dahil naka-oo na ako. Alam kong hindi ko na mababawi 'yon. Kung hindi man ito para sa akin, alam ko namang ang desisyon na nagawa ko kay makakabuti para sa anak ko.

Abyss of Gold (Colours of Love #2)Where stories live. Discover now