Ilang oras na akong nakahiga sa kama at nakatitig lang sa kisame. I checked the time, it's 1:03 AM already pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Marami pa akong pupuntahan bukas pero ayaw makipag-cooperate ng mga mata ko. They just don't want to rest.
Or maybe they do pero takot lang sila na pagmulat nila sa umaga, mas lumalapit kami sa araw ng pag-alis ko. I closed my eyes, secretly praying for the time to stop. Na sana, paggising ko, nasa tabi ko pa rin si Marcus. Na baka panaginip lang lahat.
I forced myself to sleep. It was not good for the baby if I won't have enough rest. The next day, I ate breakfast para naman makabawi kahit kaunti sa ilang oras na tulog. Wala na sila Ate nang gumising ako dahil inasikaso pa nila ang mga travel documents ni Kana. Their flight will be earlier than mine. Hindi ako makakasabay dahil ngayon palang inaasikaso ang mga papeles ko. I also needed to talk to the Reyes family dahil ipapasa na sa ibang engineer ng VSC ang building nila.
I also talked to Thea, Ellie, and Henley. Kahit wala pang idea sa mga sasabihin ko, pumayag silang lahat. Natatakot lang ako dahil doon kami sa bahay nila Thea dahil nga hindi na niya kayang umalis pa. She's going to give birth soon. We also didn't want her to leave her house.
After I finished breakfast, I took a bath and prepared myself papunta sa bahay. Nagtext lang ako kagabi kay Mommy na pupunta ako ngayon doon. I didn't tell her what's my intention of doing so.
I was about to button my skirt when I felt that it was a bit tight already. Kasya pa naman pero hindi na maluwang katulad ng dati. I smiled and caressed my tummy, "Love, stay healthy, okay?"
Nang matapos akong magbihis, dumiretso na ako kila Mommy. I parked my car a few blocks away from our house. Baka kasi may kung sino na naman ang magpunta rito. Dumiretso na ako sa bahay at naabutan silang nasa sala.
"Oh, Reese. What brings you here, anak?" Sinalubong ako ni Mommy. I kissed her and took a seat beside her, adjacent to my father.
"May tinanggap po akong project sa Canada." I started. "I'm leaving in two weeks."
Agad hinawakan ni Mommy ang kamay ko. "Gaano katagal 'yun, anak?" Her voice was already shaky.
"2 years, Mommy." Sagot ko at ngumiti sa kanya. "Doon po ako titira kila Ate."
Binitawan ako ni Mommy para punasan ang mga luha niya, "Anak, please take care." Those were the only words she managed to say properly. After that, hindi na niya makayanang magsalita pa dahil sa mga luha niya.
"Reese, anak, maraming salamat sa tulong mo. The hearing will be in two weeks." Lumapit siya sa inuupuan ko at hinawakan ang balikat ko. "I'm sorry, anak. Sa lahat lahat."
I smiled at him. I didn't know what to say pero kahit paano ay mas magaan sa loob ko akong aalis. I know I fixed some of my problems.
I bit my lower lip before telling them another thing. Tinatantya ko pa ang mga reaction nila. When I saw Mommy trying to be calm, I took the opportunity.
"Doon ko na rin po balak manganak." I looked at them, waiting for their reactions.
YOU ARE READING
Abyss of Gold (Colours of Love #2)
RomancePeople will always know gold to be beautiful and elegant. Every good adjective can be used to describe gold but what if, on the other side, it has a depth of unknown mess and chaos? What if gold has its abyss? Will it still be beautiful? Reese Thery...