"My friend just opened a restaurant. Do you want to have dinner?"
It's almost dinner time nang matapos kami sa site. I was actually rushing dahil late na ako sa dinner sa bahay nina Tita Stella. Uuwi pa kasi ako sa bahay to feed Tim at magbilin kay Mommy. Alam ko, hindi na ako teenager pero pakiramdam ko ay kailangan ko pa ring ipaalam ang mangyayari ngayon.
"Next time na lang siguro. May pupuntahan ako, eh." Sagot ko habang inaayos ang mga gamit ko at sinusukbit sa sa balikat ko ang laptop bag at iba ko pang bag.
"Okay. Take care. Una na ako." Naunang lumabas sa back house si Kastler sa akin.
Agad na rin akong lumabas at sumakay sa kotse ko. Before starting the car, I sighed. Tama ba itong gagawin ko? Baka naman overwhelmed lang ako sa lahat ng nangyayari kaya pumayag ako agad. On the other hand, it's Tita Stella that I will be visiting and not... Marcus.
Bakit ba ako naa-awkward. Marcus have moved on. Ako na lang yata ang hindi.
It was rush hour since pauwi na halos lahat. Nang makarating ako sa bahay, wala sila Mommy sa sala kaya iniwan ko muna lahat ng bag ko sa couch sa sala bago ako dumiretso sa kusina dahil sigurado akong naroon sila.
At tama nga ako. Nakaupo si Tim sa high chair habang nagluluto si Mommy. Si Daddy naman ay nilalaro si Tim.
"Oh, sakto. Patapos na iyang niluluto ng Mommy mo." Pagbati sa akin ni Daddy.
Humalik ako kay Tim bago umupo sa tabi niya.
"Hindi po ako rito kakain ng dinner." Paninimula ko. Para akong teenager na nagpapaalam gumala.
Pareho silang lumingon sa akin at nakakunot ang mga noo. "May lakad ka ba?" Tanong ni Mommy.
Huminga muna ako nang malalim bago magsabi. "Ininvite po ako ni Tita Stella sa bahay nila."
Bahagyang nagulat si Daddy sa sinabi ko. Ilang sandal rin silang natulala at hindi alam ang sasabihin.
"May balak ka na bang sabihin ang tungkol kay Timothy?" Tanong ni Mommy at umupo na sa tabi ni Daddy, sa harap ko.
Umiling lang ako. I still don't know how to start. At hindi pa ako handa.
"Okay. Desisyon mo 'yan." Tumayo na ulit si Mommy. "Magdala ka nitong niluto ko. Bigyan mo si Stella."
Ngumiti lang ako dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
"Ah, Daddy. Nag-usap ba kayo pagkatapos noong hearing?" I actually have so much questions in my mind. Dahil nga, wala na ako noong hearing, hindi ko na rin alam kung anong nangyari sa kanila pagkatapos noon.
I wanted to know if things became good at kung paano.
YOU ARE READING
Abyss of Gold (Colours of Love #2)
Roman d'amourPeople will always know gold to be beautiful and elegant. Every good adjective can be used to describe gold but what if, on the other side, it has a depth of unknown mess and chaos? What if gold has its abyss? Will it still be beautiful? Reese Thery...