"Kung gusto mo, hahanapan natin ng magaling na abogado ang daddy mo."
Sinubukan kong kumalma dahil kanina pa ako inaalo ni Marcus. Ilang minuto na yata akong tulala at kanina pa rin kami nasa sala at nakaupo lang. Hinahagod lang niya ang likod ko at nagbibigay ng mga pwede naming gawin.
"Meron na siya no'n." He's a politician, I am sure he has one already. "Ang akin lang, kung totoo man lahat ng 'yun, dapat pagbayaran niya."
"Naniniwala ka bang totoo lahat ng mga kaso na 'yun?"
Tumingin ako sa kanya dahil hindi ko alam ang sagot. Nagkibit-balikat lang ako at tuluyang sumandal sa couch. Marcus did the same.
"Have some faith. Lalo na sa daddy mo." He said, almost making it a whisper.
I wanted to. Kahit ano pa ang mangyari, sa kaloob-looban ko, naniniwala akong walang kasalanan si Daddy. Sana lang ay naalala niya ang sinabi kong huwag niya akong biguin. Kahit iyon nalang. Pero mahirap pa rin dahil napalapit siya sa mga Falco. Hindi malabong naging katulad na rin siya nila. Lalo na't iniisip ko kung gaano niya ginusto ang posisyon niya ngayon.
"Matulog na muna tayo. Bukas, subukan mong kausapin ang daddy mo. Hear him out." Tumayo siya sa harap ko at inabot ang dalawang kamay ko para hilain ako patayo.
We changed our clothes before going to bed. Dahil na rin sa pagod at kaiisip sa lahat ng sinabi ni Vettina, nakatulog ako agad. The next day was a Sunday. Noong nagising ako, wala na si Marcus sa tabi ko. I heard the sound of frying so malamang ay nagluluto siya.
Bumangon ako para maghilamos at dumiretso sa kusina. Pinatong ko agad ang mukha ko sa kamay ko na nasa mesa at pumikit.
"Ang aga namang lungkot niyan. Kain muna tayo."
Pagdilat ko ay mayroon ng dalawang plato sa mesa at ang niluto niyang ulam. I smiled at him. Nakaligo na siya dahil mayroon pa rin naman siyang pasok ngayon.
"Uuwi ka ba sa bahay niyo ngayon?" He asked carefully.
"Oo. Mamaya." Sagot ko.
"Hatid kita?"
Tumingin ako sa kanya at napatigil sa pagkain. He was looking at me na para bang hinihintay niyang pumayag ako kaya natawa siya nang marahan nang umiling ako sa kanya. "Hindi na. Ako muna." I smiled a little.
Tumango tango lang siya at dahan dahang tumayo para tabihan ako. Hinalikan niya ako sa noo. "Mauna na ako. See you later. I love you." Bulong niya at hinaplos nang bahagya ang buhok ko.
Nginitian ko lang siya at tinuloy ang kain. He left after that. Inayos ko lang saglit ang unit bago ako naligo para umuwi sa bahay. Nagdalawang isip pa ako noong nasa gate na ako. Parang gusto kong umuwi na lang ulit sa unit at hindi na tumuloy pero bumaba rin ako kalaunan.
Pagpasok ko, naroon si Mommy at Daddy sa sala kasama ang isang lalaking naka suit and tie. Dahil sa briefcase sa tabi niya, malamang siya 'yung abogado ni Daddy. Their eyes shifted on me when I went in.
"Reese, anak, hindi ka naman nagsabing darating ka." Tumayo si Mommy para salubungin ako. I kissed her and then umupo sa tabi niya, in front of the lawyer. "Atty., this is our youngest, Reese."
Inabot niya ang kamay niya sa akin at nakipagshake hands naman ako. After that, bumalik na siya sa pagdidiscuss.
"For now, Mayor, since they will not be able to give evidences dahil they are just obviously setting this up for you, we have nothing to worry about. However, mag-iingat pa rin kayo." He explained.
YOU ARE READING
Abyss of Gold (Colours of Love #2)
RomancePeople will always know gold to be beautiful and elegant. Every good adjective can be used to describe gold but what if, on the other side, it has a depth of unknown mess and chaos? What if gold has its abyss? Will it still be beautiful? Reese Thery...