One

77 6 0
                                    

"Saan tayo kakain?"


Tanong ni Thea habang bitbit ang T-square niya. Katatapos ng huling subject namin sa umaga kaya't lalabas na kami para kumain ng lunch.


"Sa dati na lang. Isang oras lang break natin, e." Suggestion ni Kastler.


"Hindi ba kayo nagsasawa doon? Nagmumukha na tayong Intramuros, e." Pagmamaktol ni Thea at hindi maipinta ang mukha.


"Sana kasi hindi ka sa MAPUA nag-aral, 'di ba, sis?" Inirapan ko siya.


Sa huli, walang nagawa si Thea at sa dati kami kumain. Madalas nga naman ay dito kami dahil mura lang at masarap naman. Malinis pa.


Kumain kami roon at umalis na rin para bumalik sa susunod na klase. Major subject kaya ayaw naming ma-late. Mula pa noong first year ay kaming tatlo na ang palaging magkasama. Ang dalawang bruha na sina Henley at Ellie ay parehong nasa UST. 


Last year ko lang nakilala si Kastler. Pero nauna silang nagkakilala ni Thea. Sabi ni Thea, nagkita na raw sila sa event noon. Nagulat na nga lang kami dahil first day of school ay biglang lumapit na si Kastler sa min.


Pansin kong may gusto siya kay Thea pero pupusta ako ng isang libo na hindi 'yan papansinin ni Thea. Deads pa 'yang babaeng 'yan kay Matthew. Confident ako sa isang libo ko, mga mars.


"Ang bilis naman magturo nito, mabuti ba 'yung Arabo sa YouTube naiintindihan ko, e." Reklamo ni Thea habang sinusubukang sumunod sa tinuturo ng prof namin. Akala mo naman kasi may taxi siya sa labas na naghihintay sa bilis ng pagtuturo.


"Tanga, matanda na kasi. Menopausal." Pinigilan ko ang tawa dahil baka mapalabas kami. Ayoko bumagsak.


Natapos ang maghapon at kumain muna kami sa labas bago umuwi. Tusok tusok lang naman. Wala kang budget. Namumulubi ako sa gastos ko sa Engineering. Buti pa itong Kastler, mukhang mayaman. Hatid sundo ng kotse. Sana all.


"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Kastler nang mapansin kaming paalis na ni Thea sa room.


Siniko ako ni Thea. Gets ko na agad iyon.


"Ah! Fishball diyan sa labas pero im-meet kasi namin friends namin, e. Kami lang." Sabi ko kaya nakita ko agad ang disappointment sa mukha niya.


"Ganun? Sige. See you tomorrow." Sagot nito at umalis na.


Naglakad na kami ni Thea palabas at naghanap ng nagtitinda ng fishball.


"Girl, ang harsh mo naman kay Kastler. Papi naman, e." Sabi ko habang nagtutusok ng fishball. Syempre may sobrang isa.


"Ang kulit. Sabi niya sa akin noon, 'di raw niya ako type tapos ganyan siya. Nako! Mga ganyang lalaki!" Sagot naman niya at sumubo na sa kwek kwek niya.


"Sus, 'di ka pa kasi nakakaget-over kat Matt, e." Then I pursed my lips, preventing a smile.


Nakita ko siyang sinamaan ako ng tingin kaya nag peace sign ako at tumawa. Halata namang mahal pa niya kaso nasa America na. Doon na raw nag-aral.


"Saksakin kita, e." Inis na sabi niya at inambahan ako ng bamboo stick. "Bakit ikaw? Wala ka ngang jowa, e." Sagot niya.


"Engineering lang sapat na." Sagot ko.


Totoo naman, e. Bukod sa wala talaga akong magustuhan, wala rin naman akong balak kung sakali. Hindi ko pa makita ang sarili ko sa isang relasyon. Mahina ako sa english, baka hindi ako makapag-compose ng LSM kapag monthsary.


Abyss of Gold (Colours of Love #2)Where stories live. Discover now