Twenty three

38 2 0
                                    

"Hoy! Wala ng bawian 'yan, ha? Papakasal na tayo." 



Kanina pa ako kinukulit ni Marcus tungkol sa naging sagot ko. Nakatitig pa rin ako sa kaliwang kamay at patuloy na kinikilig kapag nakikita ko ang suot kong singsing ngayon. Ilang oras na ang lumipas pero parang hindi naman nawala ang kabog ng dibdib ko.



"Tara na sa loob. Malamig na." Bahagyang inangat ni Marcus ang mukha ko at hinalikan ako. Hindi ko napansing tapos na pala siya sa pagliligpit ng inupuan namin kanina.



It was almost midnight when we decided to go back in. Dahil nga nasa tabing dagat lang kami, masyado nang malamig ang simoy ng hangin. Umakyat na kami pabalik sa kwarto at agad na nahiga. Sa hula ko ay mabilis na lang siyang makakatulog dahil sa pagod pero ako, mukhang malabo. Hindi ko pa yata kayang matulog.



"Hindi ako makatulog." Sabi niya at marahang tumawa. "Baka panaginip lang 'to. Teka," Agad niyang sinampal ang pisngi niya ng ilang beses para makasiguradong hindi panaginip ang lahat.



Tinawanan ko siya sa ginagawa niya. "Tama na 'yan. Hindi naman magbabago sagot ko."



Agad siyang ngumiti at yumakap sa akin. Nakita kong pumikit na siya at isiniksik ang mukha niya sa balikat ko, mukhang inaantok na nga. Mabuti na lang at dinalaw rin ako ng antok pagkatapos ng ilang oras. I was just staring at the ring before I actually dozed off to sleep.



Nagising ako dahil naramdaman ko ang pagtayo ni Marcus mula sa kama. Doon ko nakitang maliwanag na pala. Halos 10 AM na nang bumangon siya, mabuti nalang at nagising na rin ako.



"Good morning, future wife!" He returned to bed and gave me a hug.



"Morning." Inaantok na sagot ko. Ilang segundo pa nang ma-realize ko kung ano ang sinabi niya. Future asawa. Doon lang bumalik sa utak ko ang mga nangyari kagabi. Agad kong tinignan ulit ang kamay ko at napangiti nang makita ko ulit ang singsing.



Ibinaling ko ang tingin ko kay Matthew na mukhang nakasimangot kaya napakunot ang noo ko sa itsura niya. "Parang nagsisisi ka, ha?" Biro ko sa kanya.



"Naisip ko lang, hindi ako ang unang nagbigay ng singsing sa'yo." I felt his pain upon saying that. Siguro nga, hindi talaga niya maiwasang hindi malungkot kapag naaalalang kasal ako dati. Pero wala naman siyang dapat ikaselos dahil sa papel lang kami ikinasal.



"Ikaw ang una... at huli." I smiled at him.



"Ako ang una?" Pagtataka niya, mukhang hindi pa naniniwala. "Paanong nangyari 'yun, eh 'di ba..."

Abyss of Gold (Colours of Love #2)Where stories live. Discover now