Seventeen

46 3 0
                                    

"Kuya, pacheck naman ako ng trusses bago mag-welding."


Tumayo ako para bumalik sa backhouse matapos kong tignan ang mga trusses para sa clubhouse ng subdivision. Kailangan pa ng konting adjustment sa trusses bago mag-welding para hindi na magkagulo kapag naikabit na.


"Sige po, Engineer." Sinimulan na nilang ayusin lahat.


I was busy with checking the design ng ibang parte ng subdivision kaya hindi na rin ako nag-lunch. Inubos ko lang 'yung isang plastic na crackers na nasa bag ko. Mamaya nalang ako babawi sa bahay ng kain.


I was in the middle of work when I saw Ellie calling. Itinigil ko saglit ang ginagawa ko para lumabas dahil mahina ang signal sa loob ng backhouse.


"Nasa site ako. Bakit?"


[Gago, manganganak na yata ako.]


"HA?!" Napalingon sa akin ang mga workers ng sumigaw ako.


[Manganganak na. Sunduin mo ako! Wala pa si Ice!] She was screaming but her voice was still clear. Ni hindi yata siya nararattle or something.


Pero ako ang na-rattle dahil tumakbo ako pabalik sa backhouse para kunin ang bag ko. "Kuya! Kayo muna rito! May emergency ako!" Habang nagbibilin ay tumatakbo na ako papunta sa kotse ko.


I was speeding up dahil baka manganak na si Ellie. When I reached their house, she was already outside, hawak hawak ang bag na lalagyan ng mga gamit niya at ng anak niya. She was holding onto her tummy at mabigat na ang paghinga.


"Gago ka, tara na." Inabot na agad niya sa akin ang bag na bitbit niya. Inalalayan ko siya papasok sa kotse ko. Sa likod na siya sumakay.


"Nasaan ba si Ice?" Natatarantang tanong ko papasok sa driver's seat. I was even panicking before starting the engine.


"Pauwi palang hooh!" Nakapikit na siya habang hawak ang tiyan niya.


Binilisan ko na papunta sa hospital dahil sa adrenaline. Good thing, hindi traffic. Nauna akong bumaba para magsabi na kailangan namin ng stretcher para kay Ellie.


"Bilisan niyo naman!" Ellie was yelling. Sinisigawan niya lahat kami na malapit sa kanya. "Ang sakit na!"


Gusto kong tumawa pero nauunahan ako ng kaba dahil kay Ellie. When she got in the delivery room, ako ang pinapasok dahil wala pa ang asawa niya. Nilagyan na siya ng oxygen. Nakatulala lang ako habang pinapanuod si Ellie na nagl-labor na. Inabot kami sa loob ng 30 minutes. When her baby came out, parang ako ang magulang dahil pati ako ay naluluha.


Pinunasan lang nila saglit bago ibinigay kay Ellie.


"Anak ko." Ellie whispered with tears in her eyes. Parang unang beses ko siyang nakitang umiyak. She was not the cry baby.


Kinuha rin agad ang bata para linisan bago ilagay na sila pareho ni Ellie sa private room nila. Nakatulog si Ellie after so I had to attend to the papers needed. After that, lumabas ako saglit para bumili ng pagkain. Ellie wanted chinese food daw kaya iyon ang binili ko. Bumalik ako sa hospital after.


Habang papunta sa room ni Ellie, saktong palabas galing sa katabing room si Marcus. Sabay pa yata kaming nagulat nang makita ang isa't isa.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at tinignan ang dala kong pagkain. "May nangyari ba?"


"Nanganak si Ellie. Ako ang tinawagan dahil pauwi palang asawa niya." Sagot ko at sinabayan na niya ako papunta sa susunod na room. 


Abyss of Gold (Colours of Love #2)Where stories live. Discover now