"Pumasok po muna kayo, Engineer at Sir."
We went inside the house. Maliit ang bahay nila pero sakto lang sa isang pamilya. Tapos na rin ito dahil kumpleto na sa gamit at malinis pa. Dahil nga sa biglaan ang dating namin, mabilis na inalis ni Kuya Rex ang mga kaunting kalat sa mga upuan tapos itinuro niya iyon para doon kami umupo.
"Sorry, Kuya, ha? Hindi na ako nakapagsabi na darating kami. Biglaan po kasi." Ngumiti ako.
"Okay lang, Engineer. Pasensya na po at medyo magulo pa ang bahay namin." Umupo na rin siya sa harap namin ni Attorney. "Ano po bang maitutulong ko?"
"I am Attorney Sean Alfaro, Mayor Fred Cruz's lawyer." Inalok ni Attorney ang kamay niya. Tinanggap ito ni Kuya Rex habang unti-unti nang naiintindihan kung bakit kami narito sa bahay niya. "Kailangan namin ang tulong niyo para sa kaso."
Tinignan ako ni Kuya Rex kaya binigyan ko siya ng malungkot na ngiti.
"Hindi po yata ako ang kailangan niyo." Sabi niya sa amin. "Ang asawa ko po ang makatutulong sa inyo. Sasamahan ko kayo sa kanya."
Hinintay namin siya dahil naghanda pa siya bago kami pumunta ng hospital. Nang matapos siya, sa akin siya sumabay papunta roon. Habang nasa sasakyan, hindi ko maiwasang magtanong tungkol sa asawa niya.
"Kuya, okay lang po ba sa asawa niyo?"
"Oo naman. Kahit man lang ito ang magawa namin para sa lahat ng tulong niyo sa pamilya ko." Sagot nito.
"Kumusta po siya?"
"Gising na siya noong isang araw pa. Pero kailangan pa raw siyang obserbahan sabi ni Doc Marcus."
I almost stopped when I heard his name. Malamang ay may alam si Kuya Rex sa nangyari sa amin at hindi na rin naman dapat maapektuhan no'n ang mga gagawin ko ngayon. After a few minutes, nakarating na kami sa hospital. Baka narito si Marcus kanina dahil binisita niya ang asawa ni Kuya Rex. Kinabahan na naman ako dahil baka narito pa siya.
Nanguna si Kuya Rex papunta sa kwarto ng asawa niya. I was looking everywhere dahil kinakabahan na pwede ko na naman siyang makasalubong. Natigil ako nang tumigil sa paglalakad si Kuya Rex at binuksan ang isang room. Pumasok kami roon at doon ko nakita ang asawa niyang kumakain kasama ng anak nila, iyong nagdebut noon.
Napalingon silang dalawa sa amin nang pumasok kami. Dahil siguro pamilyar ako at dahil na rin kay Attorney.
"May kasama akong mga bisita." The mood got lighter when Kuya Rex laughed a little. "Upo kayo, Engineer." Itinuro niya ang mga monoblock chairs na naroon.
"I am Attorney Sean Alfaro, Mayor Cruz's lawyer. Nagbabakasakali po kaming papayag kayo sa hihingin naming tulong sa inyo."
I pursed my lips, waiting for her response. Lumingon pa siya sa asawa niya na parang nagtatanong kung ano ang nangyayari. Hinawakan ni Kuya Rex ang kamay niya, "Siya si Engineer Reese, anak ni Mayor."
YOU ARE READING
Abyss of Gold (Colours of Love #2)
RomancePeople will always know gold to be beautiful and elegant. Every good adjective can be used to describe gold but what if, on the other side, it has a depth of unknown mess and chaos? What if gold has its abyss? Will it still be beautiful? Reese Thery...