Seven

36 5 0
                                    

"Engineer Falco, hindi ka ba sasama? Lalabas kami for lunch."



Itinigil ko sandali ang estimation sheet na ginagawa ko para lingunin si Engineer Ruiz na nakatayo sa pinto ng office ko.



"Hindi na. Tatapusin ko pa 'to." Sabi ko at tumango siya. "And pwede bang 'Engineer Cruz' nalang? O kaya, 'Reese' nalang." Ngumiti ako sa kanya.



I never wanted to be addressed with Daniel's surname. Kahit sa mga social media accounts ko, hindi ko ginagamit. I only use that when I need to sign important papers pero hangga't maaari, ayoko nga sana. My friends knew about it last year lang. Doon ko nalang rin pinakilala si Daniel sa kanila.



They got mad at me dahil hindi raw ako nagsabi na kinasal na pala ako. Ang sabi nalang namin, it was a Civil Wedding only at ayaw ng dad ni Daniel na may makaalam pa. Eventually, they got over it at okay naman kami ngayon. Although, lahat sila, lalo na si Ellie at Thea, ay ayaw kay Daniel. Kahit ako naman, ayaw ko siya, e.



Sabi nila, hindi nila feel. Lalo na si Thea dahil alam niya ang issues about Daniel when we were in college. Kaya sobra siyang nag-alala nang malaman niyang kasal ako sa kanya. For the past years that we lived in the same house, I can say that he's abusive. Hindi naman niya ako pinagbubuhatan ng kamay pero kapag lasing siya or mainit ang ulo, he would throw everything he sees.



We both passed the board exams and we're working in the same company but sa Mechanical Engineering Department siya. Thea got in VS Constructions. Doon rin sana ako kaso lang, they already sent me here.



I finished my work tapos ay bumaba sa cafeteria ng company for late lunch. Mabuti nalang at patapos na halos lahat ng kumakain kaya mabilis nalang akong matatapos. Doon ako kumain tapos ay bumalik sa office para kunin ang ilang gamit bago magpunta sa site.



I drove straight there at sakto dahil tapos na ang lunch break ng mga workers. Extension ito ng isang hospital. Kaya naman malaki rin. Wala pa kami sa kalahati kaya matatagalan pa ang project na ito. 



"Engineer, pinapatanong pala ni Architect kung okay na raw po ba 'yung dinagdag sa designs sa taas?" Inabot ng isa pang engineer ang blueprint.



Binuklat ko 'yun at tinignan kung wala bang magiging drastic changes sa buong buliding. Mahirap na kasing baguhin kapag nasimulan na. Daragdag din 'yun sa expenses. Imagine, you added money but it will pay off.



"Okay na." Nirolyo ko iyon at inabot pabalik sa kanya.



I spent the rest of the day working sa site bago tuluyang umuwi. Mayroon kaming kasama sa bahay kaya hindi ako nagluluto. Hindi ko rin naman hinihintay si Daniel para kumain o matulog. We don't share the same room. 



Dumiretso ako sa bahay at nagpalit na ng pambahay bago bumaba at kumain. Nagulat ako nang madatnan si Daniel sa dining area at kumakain na. Umupo na lang ako sa harap niya at kumain nang tahimik.



"Bakit hindi mo pa pinasok ang kotse mo? You're going out tonight?" Tanong niya sa akin habang kumakain.



"With friends." Maikling sagot ko sa kanya.



May usapan kami dahil nagyaya si Ellie sa bar. Catching up lang daw dahil matagal na bago kami nagkita-kita. Daniel and I never interfered with each other's schedule. Parang buhay single pa rin, except that I carry his surname.



"Okay. Take care, then." Sabi niya at iniwan na ako sa mesa. Kumunot ang noo ko. He cares now, huh? 



I finished dinner bago nagpalit ng damit para naman maaga ako. I just wore black velvet tank top and ripped mom jeans, and white sneakers. Nagdrive na ako papunta doon at nadatnan si Ellie at Henley na mukhang kararating lang rin.



Abyss of Gold (Colours of Love #2)Where stories live. Discover now