Forty

53 3 0
                                    

Mabilis na lumipas ang araw. Miyerkules na ngayon. VSC Charity Ball na mamaya. Gusto kong sabihing huwag na lang akong pumunta para makaiwas sa posibleng pagkikita namin ni Marcus pero ginusto ko namang tapusin na ang lahat sa amin kaya dapat matapang din akong haharap sa mga kapalit nito.


Dahil nga Charity Ball na mamaya, hindi na kami pumasok. Lahat din ng site at field work ay wala. Para bang holiday namin ito pero may bayad pa rin. Sobrang bait lang talaga ni Ms. Vallerie.


Maaga akong nagising dahil maaga ring nag-tantrums si Timothy. Dahil hindi ko siya mapatahan, inilabas ko na ang stroller niya at naglibot na kami sa subdivision namin. 7 AM pa lang kaya wala ring masyadong tao maliban sa mga nagtatrabaho at iilang sasakyan.


Tumahan nga siya nang mapansin niyang nasa labas na kami. Ito lang pala ang gusto. Baka namimiss na ang Ate Kana niya dahil umuwi na sila kahapon sa bahay nila Kuya Klester. Ang alam ko'y may balak na silang magtayo ng sarili nilang bahay dito sa Pilipinas, malapit lang din sa bahay nila Kuya Klester.


Tumigil kami at naupo sa may park. Mayroon ng nagtitinda ng taho kaya naman bumili ako. 


"Kuya, may kutsara ba kayong maliit?" Tanong ko sa nagtitinda. Ngumiti siya at inabutan ako ng isa para kay Tim.


"Napaka-gwapong bata naman." Nakangiting sabi niya kay Tim na nakatulala sa kanya. Mukhang na-amaze sa tinda niya. Wala kasing ganyan sa Canada.


"Salamat po." Sagot ko.


Naupo na ulit kami at sinubuan ko siya. Noong una'y parang nagtataka siya kung ano ang pinapakain ng nanay niya sa kanya pero nagustuhan din naman niya. Mas marami pa nga yata siyang nakain sa akin.


"Uwi na tayo, anak." Marami na kasing tao at medyo kumulimlim na. Baka abutan kami ng ambon.


Nang makauwi kami, naghahanda na ng breakfast si Mommy at nagkakape si Daddy.


"Nako, nariyan na pala! Gumala na pala itong apo kong gwapo!" Agad siyang binuhat ni Daddy at naglaro na sila.


"Daddy, sino na pong nasa pawnshop?" Ngayon ko lang naalalang araw-araw na silang narito sa bahay at nagbabantay kay Timothy. 


"Mayroon namang Manager sa pawnshop, anak. Pumupunta kami kapag kailangan lang." Sagot nito pero na kay Timothy ang mga mata.


Tumango ako at hinintay naming matapos maghain si Mommy. Mayroong tocino, corned beef, at fried rice. Kumain na ako dahil si daddy na ang nagsubo kay Tim. 


Nanuod lang kami ng movies buong araw kaya nakapagpahinga ako. Napatingin ako sa cellphone ko nang maka-receive ako ng notification mula sa Instagram.


Binuksan ko iyon at nakita ang mga posts ni Thea. Family picture ito para sa nalalapit na second birthday ni Aria. 


Aaminin ko, hindi ko maiwasang hindi mainggit. I can't give this thing to Timothy. Naging selfish ako pero para rin naman ito sa amin. 

Abyss of Gold (Colours of Love #2)Where stories live. Discover now