Eighteen

37 3 1
                                    

"Pinalayas ka ba sa bahay niyo?!"



Automatic akong napabalikwas sa higaan nang marinig ang naisip daw ni Marcus. Hindi ko alam kung joke ba niya 'yun o plano niya talaga. He was laying down peacefully at mukhang unbothered sa reaction ko kaya mukhang seryoso siya.



"Hoy, Marcus! Ano ba?!" Hinampas ko siya sa braso dahil mukha siyang walang pakialam kahit halos may freak out na ako rito.



"Hindi ako pinalayas." Nakapikit pa rin siya pero unti-unti nang inaangat ang katawan para maupo at isandal ang katawan niya sa headboard ng kama.



"Bakit dito ka titira?!"



"Bakit hindi?" Chill siyang sumagot. "Dito rin naman pupunta, e. Ayaw mo ba?"



Doon ako napaisip. Hindi naman sa ayaw pero baka masyado kaming mabilis sa mga plano namin sa buhay. On the other hand, we are not getting any younger.



"Hindi naman sa ayaw pero hindi ba mabilis?" Doon siya tuluyang dumilat para harapin ako. I was scared that he got offended with what I asked.



"In terms of months, kung bibilangin mo, pwedeng oo, mabilis nga. Pero hindi kasi ganun 'yung nararamdaman ko, e. Pakiramdam ko matagal na tayo."



Napaisip ako sa sinabi niya. We're together for a few months now but it is really like we've both known each other for years. Ganun siguro talaga kapag you go together in every aspect of the relationship.



"It will be live-in relationship na, 'di ba?" I asked kahit alam ko namang oo.



"Yes." Bumangon siya kaunti para hawakan ang kamay ko. "Syempre kailangan pa rin ng consent mo. Kung hindi ka pa ready, it's oka-"



"Gusto ko." I said.



Agad nakita ang saya sa mukha niya nang marinig ang sinabi ko. I only had second thoughts hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil pumasok pa rin sa isip ko ang pwedeng masabi ng iba. Some people know me as someone who was married before.



But I wanted to prioritize myself this time. Ako naman ngayon. Tapos na ako sa pagpayag sa gusto ng iba kahit masakit at labag sa loob ko. This time, their opinions won't bother me. As long as we're happy, it will only be the thing I will consider.



"Gusto ko kasama kita palagi. Gusto ko dito na ako uuwi araw-araw." He whispered when we laid down again.

Abyss of Gold (Colours of Love #2)Where stories live. Discover now