"Cruz, Raya Therese. Bachelor of Science in Accountancy. Cum Laude."
I joined everyone in clapping for my sister. I felt so proud. Kinaya niya dahil matapang siya. Sana ako rin ganoon. Sana kaya ko ring umalis at talikuran si Daddy.
When the ceremony ended, pinuntahan niya ako sa upuan ko. I waved my hands para makita niya ako. Bitbit ko ang regalo namin ni Thea para sa kanya.
Yumakap siya agad sa akin at ramdam ko ang paghikbi niya kaya pati ako ay hindi ko mapigilang maluha. Hinaplos niya ang buhok ko, which made me shed more tears.
"Huwag mong pababayaan si Mommy, okay? Ikaw ang mag-alaga sa kanya." Sabi niya at humarap sa akin. Nakita ko rin sa likod niya ang boyfriend niya.
"Congrats, Ate. Regalo namin ni Thea." Sabi ko at inabot ang dalawang paper bags.
"Pakisabi kay Althea, salamat. Nag-abala pa kayo."
"Tara! Kain tayosa labas. Treat ko." Sabi ni Kuya Klest.
Dinala niya kami sa isang restaurant at doon kami kumain ng lunch. Ngayon ko lang siya nakita at nakilala. Pangalan lang ang alam ko sa kanya.
"Third year ka na, Reese, 'di ba? Nabanggit ng ate mo." Sabi niya habang kumakain kami.
"Opo. Next sem." Sagot ko at ngumiti.
"OJT na ano? Saan ka niyan?"
Yumuko ako nang marahan bago sumagot. "Sa Engineering Department po... ng City Hall."
Nakita kong napatingin sa akin si Ate. Hindi niya alam na ako na ang ipapakasal kay Daniel. Matapos kami kumain ay iniwan muna kami ni Kuya Klest para makapag-usap.
"Sa susunod na linggo na ang flight ko papuntang Canada. May trabaho na ako doon. Nag-apply na rin ako sa banko ng credit card mo." Iniabot niya sa akin ang card. "Padadalhan kita ng pera palagi para hindi mo kailangan dumepende kay Daddy... lalo na sa mga Falco." May galit pa rin sa boses niya.
Yumuko ako para maitago ang lungkot at luha ko pero napansin iyon ni Ate.
"Bakit? Anong nangyari?" Pag-aalala niya.
"After ng graduation ko, ikakasal na ako kay Daniel." Sabi ko at unti-unti na namang namuo ang luha.
"Ano?! Ginawa ni Daddy 'yun?!" Hindi niya napigilan ang pagtaas ng boses niya. "Sorry, Reese. Kung sana hindi ako umalis." Sabi niya.
Hindi ko naman sinisisi si Ate Raya. Kahit kailan. Si Daddy ang may kasalanan ng lahat ng ito. Matapang lang talaga si Ate kaya nakayanan niyang umalis. Sana balang araw, gano'n rin ako.
"Kapag nakaipon ako, kukunin ko kayo ni Mommy. Alagaan mo siya at ang sarili mo, okay?"
Tumango ako sa kanya. Niyakap pa niya ako bago tuluyang umalis. Umuwi na ako para hindi maghinala sila Daddy sa akin. Ang paalam ko kasi ay kasama ko si Thea at may gagawin kaming project.
Pagdating ko sa bahay, may isang kotseng nasa harap ng bahay. Nang lumapit ako, bumaba si Dan mula rito.
"Pwede ba tayong mag-usap." Sabi niya at lumapit sa akin.
"Tungkol saan?"
"Tungkol sa atin. Pumasok ka." Itinuro niya ang kotse niya pero wala akong balak pumasok doon. Sa lahat ng narinig ko sa kanya, wala na akong tiwala. Kahit kailan naman ay hindi ako nagkaroon.
YOU ARE READING
Abyss of Gold (Colours of Love #2)
RomancePeople will always know gold to be beautiful and elegant. Every good adjective can be used to describe gold but what if, on the other side, it has a depth of unknown mess and chaos? What if gold has its abyss? Will it still be beautiful? Reese Thery...