Thirty nine

41 4 0
                                    

"Sakto lang po ang dating ninyo, Ma'am. May nag-iisang slot na lang po for next Saturday."


Dumiretso kami sa parish office para asikasuhin na nga ang binyag ni Timothy. Kasama ko si Mama at naiwan si Tim kay daddy.


Naupo kami ni Mama sa harap ng desk ng secretary ng simbahan. Mayroon siyang inilabas na parang log book. Naroon yata ang mga schedule ng mga gaganapin events sa simbahan.


"11 AM po ang available, Ma'am." Nakangiting sabi nito sa amin.


"Okay na 'yon, Reese, 'di ba?" 


"Oo, Ma. Para sakto sa lunch pagkatapos."


"Name na lang po ng bibinyagan." Itinuro niya ang susulatan kong parte ng papel. Inabutan din niya ako ng ballpen.


Isinulat ko ang pangalan ni Tim at iba pang information na kailangan doon. Ibinalik ko agad ito sa kanya.


"Wala bang middle name, Ma'am?" Iyon na naman. Kagaya noong inilakad ang mga papeles ni Tim sa Canada, iyon ang hinahanap.


Tinignan ako ni Mama at ngumiti nang marahan.


"Wala po." Sagot ko. Hindi naman ako galit sa kanya dahil ginagawa lang niya ang trabaho niya.


Ngumiti naman siya sa akin. "Okay, Ma'am. Signature na lang po rito."


Pinirmahan ko na iyon. Nang matapos kami, lumabas na rin kami agad. Medyo malayo ako nag-park dahil wala ng space kanina. Medyo madilim na rin nang matapos kami. Dumaan kami sa resto nila Thea para bumili na ng pagkain dahil walang nagluto sa bahay.


"Cathy! Reese!" Sinalubong kami ni Tita Anne.


"Reese, anak! Ang tagal na nating hindi nagkita." Halos maiyak pa siya nang yakapin ako. Kaunti na lang ang customers dahil pagabi na.


"Hello po, Tita Anne. Pasensya na po kung... nabigla kayo sa mga nangyari." Yumuko ako pero hinawakan ni Mama ang mga kamay ko.


"Reese, bakit ka naman humihingi ng dispensa? Wala ka namang kasalanan. Alam mo, excited na akong makilala si Tim."


Niyaya niya kaming umupo habang hinihintay ang binili namin. Dahil naroon na rin daw kami, nag-taste test na rin kami. Isang linggo na nga lang pala. Bukas ay darating sila Ate Raya at sa Wednesday ay charity ball na. Sobrang busy pala ng linggong ito. Mabuti na rin at tapusin na lahat ng kailangan kong gawin para sa birthday ni Tim.


"Maganda kasi kung complete set. Chicken, pork, beef, at seafood. Para malawak ang choices ng guests mo." Itinuturo niya ang menu nila. "Alam mo, kung papayag ka lang, libre ko na itong gagawin para sa apo ko. Kaya lang, sabi ni Thea, malamang ay tatanggi ka." Tumawa siya.


"Tita, salamat po. Pero may nakalaan naman po ang budget para rito. Tsaka negosyo niyo po ito." Sabi ko.

Abyss of Gold (Colours of Love #2)Where stories live. Discover now