"Paul, ito na 'yung ibang accessories ng laptop."
Inabot ko sa kanya ang isang paper bag na pinaglagyan ko ng mga gamit ng laptop na hinanap ko sa condo kagabi. Sakto at lunch time kaya ibinigay ko na, para na rin hindi maabala sa trabaho.
"Thank you ulit, Engineer." Kinuha niya iyon at ngumiti sa akin.
I ate my lunch dahil tapos na kami sa roofing at susunod na ang ceiling works mamaya. Tambak ang iba't ibang klaseng plywood sa harap ko dahil nga ito ang gagamitin sa ceiling. After I finished lunch, bumalik ako sa site to check if all woods are delivered at walang kulang.
"Kuya Rex, nandyan din ba 'yung marine plywood? Bakit parang wala akong nakikita." Pansin ko sa mga naideliver na.
"Nandyan, Engineer. Nakita ko na kanina baka naihalo lang." Sabi niya at tinuloy ang pagfoform ng stirrups para sa columns.
I checked the other woods at naroon nga ang hinahanap ko, naipit lang. Dapat kasi ay ihiniwalay nila dahil baka masira kapag mabibigat ang kasama.
"Engineer, sa inyo po yata ito?" Paul came and handed me a card. Kinuha ko iyon at binasa. It was Marcus' calling card. Nailagay ko yata kasama sa paper bag.
"Ay, oo. Sorry. Nailagay ko lang siguro." Kinuha ko iyon at ibinulsa.
"Kaano ano niyo po si Sir Marcus?" Akala ko ay umalis na siya pero nandun pa pala siya at tumulong na kay Kuya Rex sa pagform ng bakal.
"Boyfriend ko." Medyo nahihiyang sagot ko. Ewan ko ba kung bakit ako nahihiya. Hindi ko ikinakahiya si Marcus. It was actually on my side. Nahihiya ako dahil alam ng karamihan na kasal ako dati tapos ay associated si Marcus sa akin.
"Talaga, Engineer? Sakto pala!" Parang sobrang saya niya upon hearing na boyfriend ko si Marcus. Hindi ko alam pero it somehow made me happy. Parang naging komportable ako.
"Bakit sakto?" Tanong ko.
"Nabigyan po ako ng scholarship ng pamilya nila. Tapos ikaw naman, binigyan niyo po ako ng laptop." He smiled. Pati si Kuya Rex ay nangiti rin sa narinig.
Ang dami pala talagang natutulungan ng pamilya ng Marcus. At hindi nila 'yun pinapaalam sa media or any platform. Kusa kong nalalaman lahat ng tulong na ginawa nila mula sa mga tanong natulungan nila mismo.
We finished work on the site early so I decided to visit Thea sa bahay nila ni Matthew. She's been texting me na she wants to hang out pero we're all busy. Hindi na rin siya masyadong naglalabas dahil tinatamad na raw siya ngayon at madalas magbago ng mood. She prefers sleeping.
YOU ARE READING
Abyss of Gold (Colours of Love #2)
RomancePeople will always know gold to be beautiful and elegant. Every good adjective can be used to describe gold but what if, on the other side, it has a depth of unknown mess and chaos? What if gold has its abyss? Will it still be beautiful? Reese Thery...