Eleven

35 3 0
                                    

"Reese, lunch na tayo."



Inayos ko ang mga gamit ko sa desk at kinuha ang wallet sa bag ko bago tumayo at sundan si Thea na nasa pinto na at naghihintay sa akin.



"Kumusta 'yung project mo? Balita ko, malaki 'yun ah." Tanong niya matapos pindutin ang ground floor sa elevator. Naroon kasi ang malaking cafeteria pero malamang ay wala ng tao ngayon dahil almost 1:30 PM na.



"Medyo. Kinakabahan nga ako. Pakiramdam ko, unang project ko palang." Sagot ko sa kanya.



Tinawanan lang niya ako tapos sakto at bumukas na ang elevator. Dumiretso kami sa cafeteria at tama nga ako dahil wala ng tao. Pumili agad si Thea ng kakainin niya. Agad ko namang nakita ang fried chicken kaya iyon nalang ang binili ko.



"Walang pancit." Malungkot na sa bi niya nang umupo kami.



"Ha? Bakit naman pancit? Meryenda 'yun ah." Pagtataka ko at binuksan ang bottled water na binili ko dahil naiwan ko ang tumbler ko sa taas.



"I'm craving for pancit, e." Sabi niya habang pinaglalaruan ang tinidor sa binili niyang pagkain.



"Kumain ka na d'yan. May trabaho pa tayo." Sabi ko at sinimulan na ang pagkain.



We were eating peacefully when my phone vibrated. Automatic kaming napatingin doon ni Thea. Pinaningkitan niya ako ng mata nang makita ang nasa screen. Kung sino ang nagtext.



"Aba, kelan pa kayo nagtetext ni Marcus?" Tinaasan niya ako ng kilay kaya kinuha ko agad ang phone ko para i-lock ulit iyon.



"Sa ano. Sa check up ko." Pagsisinungaling ko at itinuloy ang kinakain.



Ibinaba niya sa plato niya ang kutsara't tinidor na hawak niya at hinarap ako nang tuluyan. "Patingin." Sabi niya at inilahad ang isang kamay niya.



"Alin?" Pagwawalang malisya ko.



Alam ko naman ang sinasabi niya pero kinakabahan kasi ako tsaka hindi ko alam ang sasabihin ko. Natatakot ako sa sasabihin o magiging rection niya. Bukod sa kaibigan ko siya, pamilya na rin siya ni Marcus.



"'Yung phone mo. Titignan ko results ng check up mo." Paghamon niya sa akin.



I swallowed hard while earning enough courage to tell her the truth.



"H-he's courting me?"



"Bakit parang tanong? 'Di ka sure, sis?!" Bigla siyang tumawa. Mabuti nalang at walang tao.



"Hoy, Thea!" Sabi ko at nahihiya na.



Unti-unti naman siyang kumalma. "Kelan pa 'yan?" Tanong niya ulit. Sa tono ng boses niya, mukha siyang excited at kinikilig pero may halong pagiging maingat pa rin.



"Noong kasal mo. Wala pa namang isang buwan." Nahihiyang sabi ko.



"Wala namang masama. Gusto ko si Marcus para sa'yo." Hinawakan niya ang isang kamay ko at binigyan ako ng ngiti.



"Pero parang hindi pa ako ready kasi... 'di ba?"



"Alam ko. Alam rin niya 'yun, for sure. Don't rush."



Tumango ako at ngumiti. Matapos ang lunch namin ay bumalik na kami sa taas para sa trabaho. Bukas pa ako babalik sa site dahil may inaaral akong adjustment sa project. Bahain daw kasi sa lugar kaya kinailangan naming i-adjust ang elevations.



Abyss of Gold (Colours of Love #2)Where stories live. Discover now