Thirty two

46 3 2
                                    

"Mag-iingat kayo, ha?"


Bitbit ni Ate Raya ang isang bagpack na puno ng diaper, bottles, at damit ni Tim. Kastler is here, too. Siya naman ang nagdala ng maleta ko habang ang maleta ni Tim ay hila ni Kuya Klest. Si Tim ay hawak ang pacifier niya habang buhat ko.


"Oo naman, Ate. Chat kita agad pagdating namin." I told her and stopped in front of Kastler's car.


"Nasabihan ko na sila Mommy. Sila susundo sa'yo sa airport." 


"Sige, Ate. Mauna na kami." I smiled. "Ingat kayo rito." I leaned over and kissed Ate Raya. Yumuko ako para halikan sa noo si Kana na nangingilid na ang mga luha.


I ruffled her hair. "Kana, don't be sad na. You'll see baby Tim soon. It will just be a few weeks."


"I will play with Tim again?" Muntik nang hindi maintindihan ang mga sinasabi niya dahil umiiyak na siya. Agad niyang pinupunasan ang mga luha niya.


"Yes, anak. We will visit Lolo and Lola after a few days." Binuhat siya ni Kuya Klest at pinupunasan ang luha.


"We have to go." Bumulong sa akin si Kastler kaya kinuha na niya ang bagpack na bitbit ni Ate Raya para ipasok sa sasakyan. 


"Ingat kayo."


Ngumiti ako at tuluyan nang sumakay sa kotse. Sa likod ako umupo dahil dala ko si Tim. Kastler drove all the way to the airport. Ngayong pauwi na ako, mas naging malinaw sa akin na gusto ko nga talagang umuwi. Halo halo ang nararamdaman ko pero sigurado akong gusto ko.


"Looks like he likes to go to places. Behaved, oh." Lumingon si Kastler through the rear view mirror.


"Oo nga. Gustong gusto niyang umaalis." Sagot ko at hinaplos ang buhok ni Tim na nago-observe sa mga nadadaanan naming mga sasakyan at puno.


"Have you talked to Marcus already... about Tim?"


Nabigla ako sa tanong ni Kastler. Hindi ko naman inasahang ioopen niya ang tungkol kay Marcus. Para tuloy akong nababato sa tuwing naririnig ko ang kahit na ano tungkol sa kanya.


"Hindi." I answered. "Hindi ko pa nakakausap si Marcus. Tsaka ba-"


"Dada." 


Biglang huminto sa pagmamaneho si Kastler at pareho kaming napatingin kay Tim. He was looking outside but when the car stopped, he immediately looked at me as of he's wondering why.


"Was that Tim?" Tanong ni Kastler.


"Y-yes." Utal kong sabi. Nabibigla pa rin sa salita ni Tim when I mentioned Marcus.


"The kid knows his father." Kastler scoffed and continued driving.


Abyss of Gold (Colours of Love #2)Where stories live. Discover now