Nagdadalawang isip ako sa bawat hakbang palapit sa pinto. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang mga susunod na mangyayari. O baka naman wala siya rito, baka hindi na siya uuwi rito. Every step makes me wanna go back and never show up to him but I have to.
Unti-unti kong binuksan ang pinto at agad akong sinalubong ng kaba, takot, at kahihiyan. Ni hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag o magpapakita man lang kay Marcus. I'm sure he already knew about it.
Nanlalambot akong umupo sa couch, hinihintay si Marcus kahit wala akong kasiguraduhan kung uuwi pa ba siya rito sa bahay namin - sa akin. Sumandal ako roon at pumikit, umaasang panaginip lang lahat.
Umuulit lang sa isip ko ang lahat ng nalaman ko kanina. All of those were still not sinking in. Ayaw kong tanggapin lahat, kung pwede lang. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag hindi naging maayos ang lagay ni Tita Stella.
I opened my eyes when I heard the door opening. Agad akong nabato sa upuan nang makita si Marcus. His face screamed pain. Lahat ng pagod, sakit, at lungkot, nakikita ko lahat sa mga mata niya. He stared at me coldly.
He sat beside me but made sure that there was enough space in between. Nasaktan ako agad. Para bang ayaw na niya akong malapitan o makita man lang and I can't blame him. Tama lang naman iyon.
"Marcus, I'm... sorry."
His eyes were sharp. "Bakit," He pursed his lips and tried so hard to control everything inside him. "Bakit si Mommy?" His words were like a whisper.
Yumuko ako at umiling. Hindi ko alam ang isasagot. Walang tamang sagot sa mga tanong niya. Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit pero pinipigilan niyang hindi ko ito makita.
"Siya nalang ang meron kami." Matapos niyang sabihin iyon, kumawala na nang unti-unti ang mga luha sa mga mata niya.
I reached for his hands and held it tight. "I'm sorry." Paulit ulit ko itong binubulong habang hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko. "Hiyang hiya na ako, Marcus. Sorry." Hindi ko binitawan ang mga kamay niya habang tuloy tuloy ang paghingi ng tawad kahit alam kong walang kapatawaran ang nangyari.
"Itutuloy namin ang kaso," He stopped to release his hands from mine. "Sana maintindihan mo." Binigyan niya ako ng malungkot na tingin.
Iyon din ang gusto ko, ang matuloy ang kaso. Tumango ako. "Naiintindihan ko."
Tumayo siya at dumiretso sa kwarto. Sinundan ko siya kahit alam kong masasaktan ako sa makikita ko. I saw him holding his bag and getting his clothes. I pursed my lips and looked away. Ayokong tignan na unti-unti na siyang aalis. Hindi ko kaya.
"Marcus," Tawag ko. "Ilaban naman natin 'to, oh." Umasa ako na baka pwede pa.
Nakita ko kung paano na naman tumulo ang luha sa mata niya at ngumiti siya nang malungkot. "Talo tayo, Reese."
"Hindi ko kaya, please." The next thing I knew, nakaluhod na ako sa harap niya, nakikiusap na huwag akong iwan. "Alam ko selfish ako sa pakikiusap sa'yo, pero hindi ko... hindi ko kaya, Marcus."
Pinilit niya akong itayo mula sa pagkakaluhod. "Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto, Reese. Pero hindi ko kaya. Bigla nalang nag-iba lahat." Ramdam ko ang hirap niya sa pagtapos ng bawat salita.
It replayed on my mind. "Hindi magbabago ang tingin ko sa'yo." Doon ako natauhan. Lahat nga pala magbabago, hindi pwedeng hindi.
YOU ARE READING
Abyss of Gold (Colours of Love #2)
RomancePeople will always know gold to be beautiful and elegant. Every good adjective can be used to describe gold but what if, on the other side, it has a depth of unknown mess and chaos? What if gold has its abyss? Will it still be beautiful? Reese Thery...