DAY 38

10 2 2
                                    


Mike

Fuck this headache. Now, I understand why I don't damn learn drinking. Masakit pala sa ulo. 

Napasabunot ako sa buhok ko. I tried to recall what exactly happened. Ilang araw na 'kong naglalasing dahil hindi ako kinakausap ni Bella. Hindi rin muna ako pumapasok dahil palagi rin naman siyang absent. 

I just want to talk to her.

Now, I'm suffering from this damn headache. Nagpunta kasi ako kina Arvin kagabi. Nag-inom kami at nalasing ako. Damn. Paano ba 'ko nakauwi?

Lalong sumakit ang ulo ko. Hinatid pala ako ni Bryan kagabi. Damn it! Paano kung isumbong niya ko kay Bella? Hindi pa kami ayos, mukhang magagalit na naman siya.

Bumangon ako at nagtungo sa banyo. Kailangan kong maligo para mabawasan ang bigat ng pakiramdam ko.

Matapos maligo at magbihis ay kinuha ko ang phone ko. 

Low battery. Damn this phone.

Hinanap ko ang charger at isinaksak sa outlet para makapag-charge. Nang may battery percentage na ay binuksan ko na ito.

Hinayaan ko munang tumunog nang tumunog ang phone ko dahil sa mga notifications. After several minutes, huminto ito kaya may chance na 'kong i-check ang phone ko.

Napatanga ako nang makita kong ang daming missed calls galing kay Bella. My hand is shaking while clicking the message icon. May text messages galing sa kaniya.

Shit! Bakit hindi ko 'to nakita?

Binuksan ko ang messages niya habang tumutulo ang mga luha ko. Kahit nanlalabo ang mga paningin ko dahil sa luha, pinilit kong pawiin ito para mabasa ang message niya.


From: Baby

Nasaan ka? I've been calling you. We need to talk.


From: Baby

Where are you? Call or text me once you read my message.


Hindi ko na binasa 'yong iba pa niyang messages. Kahit charging ang phone ko, nagmadali akong pinindot ang dial button para makausap siya.

Fuck! Her phone is off. 

I dialled her number again, pero nakapatay pa rin. Hindi na ko mapakali. Kung kailan gusto niya 'kong makausap saka naman ako wala.

Tinawagan ko ulit siya after five minutes. Baka may kausap lang siya. Pero wala pa rin. Napasabunot ako sa basa ko pang buhok. 

Damn it! Mike, ang tanga mo.

I am starting hating myself. Dapat kasi hindi na lang ako uminom. Sana nagkausap kami kagabi. Napahilamos ako bago nagtipa sa phone ko. I dialled Bryan's number.

Medyo matagal akong naghintay pero sinagot din naman niya ang tawag ko.

"Who the hell are you? Why are you fucking calling me in this early morning?" inaantok pa niyang sabi.

"Fuck you, bro. It's almost twelve in the afternoon," iritado kong sabi.

Napahinto siya sandali bago muling nagsalita. "What? Bakit ka ba nang-iistorbo?"

Napakamot ako ng batok ko. "Where are you? Nandiyan ba si Bella? Galit ba siya-."

"Damn you! Can you please ask your questions one by one? Sumasakit lalo ang ulo ko," reklamo niya pa.

40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon