.
.
.
.
.
******
Hinapon na kami ng uwi ni Bryan kahapon. Ayan tuloy medyo tinanghali ako ng pagpasok sa school. Mabuti nalang nakatira na ko sa bahay namin kaya nagamit ko ang itim kong sports car ko. Kung hindi baka tagaktak na ang pawis ko sa pagbibisikleta.Balak ko pa namang pumunta sa classroom nina Bella. Gusto ko sana s'yang makausap kase hindi pa rin s'ya sumasagot sa mga tawag, texts, at chats ko. Hindi nga rin s'ya nag-o-online.
Galit pa kaya s'ya sa 'kin?
Sampung minuto na kong late. Dati hindi ako na-le-late, o ma-late man ako pumapasok ako agad. Pero, naisipan kong umakyat sa third floor ng building namin. May gusto akong makita.
Nagmamadali akong umakyat ng hagdan. Nang marating ko ang ikatlong palapag ay dahan-dahan akong lumakad patungo sa dulong room, room nila Bella.
Patago akong sumulip sa loob. Nagkaklase na sila. Una kong nakita si Rocean. Nakaabre-siete ito habang nakikinig kay sir Aldous. Tulad nandati, naka-mini skirt ito, nakaputing sleeveless na damit habang naka-three inches sigurong stilletoes.
Nilagpasan ko s'ya ng tingin at nakita ko ang hinahanap ng mga mata ko. Naka-loose black shirt s'ya at puting joghing pants. Napangiti rin ako sa itim n'yang Airmax.
Natuon ang paningin ko sa mukha n'ya. Bagay ang kulot n'yang buhok sa maliit n'yang mukha. Bumagay ang almond shape at brown n'yang mga mata sa makakapal nyang pilik at kilay. Natural iyong makapal kahit hindi lagyan ng ayos.
Natungo ang mata ko sa matangos n'yang ilong pababa sa mapupula n'yang mga labi. Napalunok ako nang mapatingin ako roon.
Putsa! Nahulog na yata talaga ko sa babaeng hindi nagsusuklay na ito.
Halos mahigit ko ang hininga ko nang lumingon s'ya sa gawi ko. Nagtama ang mga mata namin ng ilang segundo pero agad n'ya rin iyong binawi sa pamamagitan ng pagtingin sa harapan.
Damn it! Umiiwasan n'ya pa rin yata ako.
Naghintay pa ako ng ilang minuto pero hindi na ulit s'ya sumulyap man lamang sa gawi ko.
Laglag balikat akong bumaba ng matapos ang dirst period ng hindi manlang n'ya ko nilabas o tinignan.
Kailangan kong pumasok ngayon dahil ilang araw na rin akong absent. Wala akong nagawa kung hindi bumalik sa classroom.
Pagpasok ko ay nakita ko agad si Arvin. Nakasandal ito sa upuan habang nilalaro n'ya ang ballpen n'ya sa desk. Nakaupo naman si Bryan sa upuan n'ya habang nakataas ang paa sa kabilang upuan habang hawak ang cellphone n'ya. Nag-e-ML.
Una kong naagaw ang atensyon ni Arvin.
"Bro! Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Bakit hindi ka pumasok kanina?" sunod-sunod n'yang tanong.
Pinitik ko ang noo n'ya dahilan para matawa s'ya. "And dami mong tanong!"
"Saan ka nga ba galing? Kanina ka pa dumating ah?" ibinulsa ni Bryan ang cellphone n'ya sa kanang bulsa sa tapat ng dibdib n'ya.
"Yari ka ng mag-ML?" pag-iiba ko ng usapan.
"Walang kwenta mga kakampi eh. Mga pabuhat. Saan ka nga galing?" aniya habang nakahawak sa baba na para bang nag-iimbestiga.
Akala ko makakalusot. Iba talaga 'tong gagong 'to.
Humugot akonng malalim na hininga. "D'yan lang sa tabi-tabi."
Tumaas ang kilay n'ya. Mukhang isa ito sa pagkakatulad nila ni Bella. Mahilig magtaas ng kilay at laging tamang-duda.
"Pumunta ka kay Bella? Pinansin ka ba?" may tonong nang-aasar na sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/219443728-288-k264425.jpg)
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Novela Juvenil"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...