DAY SEVEN

61 29 0
                                    

Bella

Tuesday. Maghapon akong tulala. Sinoli na ang mga answer sheets namin, kasabay nito ang pagbibigay ng correct answers sa exam. Gano'n ang nagyari sa lahat ng subjects, pero wala akong naintindihan. I'm bothered by the result of the past exam.

'Di pa naman tapos ang first sem, Bella. May chance ka pang bumawi. Okay lang 'yan.

Pero kahit gaano ang pagpapalakas ng loob ko, nagsi-sink in pa rin sa left and right hemispheres ng brain ko na bagsak ako. Shocks. Mabuti na lang at hindi pa uuwi sina Mommy at Daddy. They're in Singapore for their business trip. Next month pa sila uuwi, kaya p'wede ko pang itago ang result. Kung hindi, patay ako. Grounded ako for sure.

"Hoy bes, lusaw na iyang ice cream mo." Dinunggol ako ni Aira.

"Ah oo nga." Pinilit kong ngumiti. Sa sobrang pag-iisip, nakalimutan kong nandito pala kami sa ice cream parlor. Paborito naming kumain dito lalo na after exam.

Noon, kumakain kami kase celebration ng pagbagsak namin, ngayon iba na dahil ako lang ang bagsak.

Lalo akong nalungkot nang maisip ko si Daddy. Last warning na raw n'ya. 'Pag bumagsak pa 'ko, patay na. Now, I'm here. Bagsak.

"Tulala, hayaan mo na." Narinig ko naman si Rocean.

Kumain pa kami ng pizza sa restaurant malapit sa ice cream parlor. Maingay ang dalawa as usual pero ako tahimik lang, nakikitawa minsan 'pag trip ko.

Now, I'm here inside our car. As usual, naka earphones, pero this time sound trip muna. Wala ako sa mood panoorin ang boyfriend kong si Lee Min Ho.

Ilang minuto pa ay nakarating na 'ko sa bahay. Nag-text muna ako kina Rocean at Aira bago 'ko tuluyang bumaba ng sasakyan.

Pagpasok ko sa sala ay naupo agad ako sa sofa. Pabagsak akong nahiga at tinaas ko ang mga paa ko sa kaliwang arm rest nito. Magpapahinga muna 'ko. Pipikit na sana 'ko nang mahagip ng peripheral vision ko ang ANINO NI DADDY?

Shocks! Patay na!

Pababa ito ng hagdan kasunod si Mommy. Madilim ang aura nito at papunta sa gawi ko. Malamang alam na n'ya ang tungkol sa exam. Namutla ako nang huminto s'ya sa harap ko at naupo sa isa pang sofa.

Lord! Ano na pong next? Magagalit na ba si daddy?

"What time is it?" Dad said coldly.

I immediately looked at my watch. "6:30, D-Dad."

"Where the hell were you a while ago?!" Napatayo s'ya. Hala galit na talaga s'ya.

Ayan na. May hell na, mamaya may fuck at shit na iyan. Namutla ako at napabalikwas.

"Dad, I was with Rocean and Aira a while ago, we just ate some ice cream and pizza." Napayuko na 'ko. Takot talaga ako kay daddy noon pa. Natatakot ako sa boses n'ya, sobrang laki, mukhang higante. Tapos ang strict pa n'ya at ang taas ng standards. He's loving and nice 'pag hindi s'ya galit, pero ngayon iba. Iba s'ya pag galit.

"At may oras ka pa para gumala?! Instead of studying nakuha mo pang gumala?!" Tumaas na ang boses n'ya na ikinagulat ko.

"Hon, calm down," mahinahong sabi ni Mommy. They are opposites. Hindi ko pa nakikitang magalit si mommy. She used to be understanding all the times.

"Stop it! Kaya hindi natututo iyan eh! Kinukunsinti mo!" He's now referring to mom.

"Nag-aaral naman ako, Dad." Nangingilid na ang luha ko. Nagsisimula nang manginig ang kamay ko sa magkahalong takot, lungkot, at sama ng loob.

"So you're telling me na nag-aaral ka? Your adviser called me, and guess what? Dahil nag-aaral ka, bagsak ka na naman! 23 out of 150 items?! Nag-aaral ka pa ng lagay na iyan?" gigil na gigil si Dad. Lalo akong napayuko. Kinagat ko ang labi ko upang mapigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko.

40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon