Mike
Masaya akong pumasok kinabukasan. Magulo pa rin ang mga pangyayari, pero isa lang ang malinaw sa 'kin ngayon.
I need to win her. I need to do something para mapasaya s'ya at makasama s'ya.
Maaga akong pumasok para hanapin s'ya. Alam kong maaga s'yang pumapasok para tumambay sa canteen or sa ilalim ng puno malapit sa field. Wirdo. Hindi ko alam kung bakit pumapasok s'ya nang maaga para lang pumunta sa lugar na iyon.
Nagtungo ako sa room nila pero hindi ko s'ya nakita roon. Baka nasa canteen.
Pinuntahan ko s'ya sa canteen pero tulad kanina, wala rin s'ya. Hindi na ko nagtangkang pumunta sa library kase hindi naman 'yon pupunta roon maliban na lang kung may school works na ibinigay ang teacher.
Isang lugar nalang.
Tiningnan ko ang relos ko, maaga pa. May thirty minutes pa naman.
Malalaki ang hakbang na ginawa ko papunta sa direksyon ng field. Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang makita ang babaeng iyon. Nakaupo s'ya sa ilalim ng puno. Tulad ng dati ay naka maong s'yang pantalon at over-sized pink shirt. Hindi ko alam kung over-sized nga ba ito, dahil maluwang ito pero kapos naman sa laylayan. Hay. Ano bang klase ang damit n'ya? Nakasuot s'ya ng itim na rubber shoes. Nike.
Hindi ko maaninag ang mukha n'ya dahil nakatalikod s'ya. Pero sigurado akong s'ya iyon, base na rin sa pangangatawan n'ya. Isa pa, s'ya lang ang babaeng kilala kong may ganyang klaseng buhok. Kulot na tila mo lilipad na dahil hindi man lang s'ya magsuklay.
Kailan ba s'ya matututong mag-ayos?
Sabagay, isa ito sa mga nagustuhan ko sa kan'ya. Simple lang, pero cute.
Teka! Ano ba itong iniisip ko? Mali ito.
Ilang hakbang lang ang ginawa ko at narating ko na rin ang kinauupuan n'ya. Nakaupo s'ya sa damuhan.
Bella
Natapos ang intrams na hindi ko namamalayan. I spent my intrams in the hospital. Hindi ko manlang na- enjoy. I just heard the news from Rocean.
Nag-champion pala sila Mike sa basketball. Hindi ko ineexpect na matatalo nila ang magugulang na sila Joshua. Habang kami, well ano pa nga ba? Natalo kami nila Chloe. Sayang. Wala kase ako, sana champion ulit kami.
Anyway, maaga akong pumasok ngayon para sa paborito kong gawin. Manonood ako ng K-drama sa tambayan ko. I missed doing this. Kahit kase sa ospital o sa bahay binabawalan nila ko. I needed to rest daw.
Pabagsak akong naupo sa damuhan sa ilalim ng puno rito sa field. Sinadya ko talagang agahan, mahaba-haba ang mapapanood ko nito dahil kalahating oras pa bago ang klase.
I wear my earphone ang get my phone. I'll watch the "Legend of the Blue Sea". Last four episodes na lang naman. I'm sure I'll love it kahit ilang beses ko na itong napanood.
I tapped the play button. Magsisimula na nang biglang may tumabi sa 'kin.
"Hi Bella!" bungad nito.
Halos lumuwa ang eye balls ko matapos makita kung sino ang taong iyon. Shocks! Is this for real? Andito ba talaga s'ya?
I tried to get my composure after he waved his hand in front of my face. "M-Mike?" Halos hindi ako magkandatuto sa sasabihin ko.
He gave me a sweet smile. Lalong nagwala ang buong sistema ko. Parang nangangatog ang tuhod ko sa ngiti pa lang n'ya.
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Teen Fiction"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...