DAY 31

34 18 35
                                    

.
.
.
.
.
******
Dahan-dahan akong sumilip sa kwarto ni Bella. I hate this feeling. I’m fucking guilty with what happened last time. Naduwag kase ako. Sana pala sinabi ko na noong una palang ang katotohanan sa mga kaibigan ko. Apektado tuloy ang lahat.

Marahan kong inihakbang ang paa ko papasok sa loob ng kwarto ni Bella. Nakaupo ito sa pink na Hello Kitty n’yang kama. Nakatulala ito sa bintana malapit sa pink din n’yang study table. Napangiti ako. She’s too addict with pink and Hello Kitty. Lahat halos ng gamit dito ay Hello Kitty.

Honestly, pangalawang beses ko palang makapunta rito. One was when we were still young. Ayaw niya na pumupunta ko rito kaya hindi ko na ulit ito napuntahan. Idagdag pa na kina lola ako lumaki at tumira. It’s just now that I’ll start living here.

“May I come in?” bungad ko.

Naagaw ko ang atensyon n’ya dahil lumingon s’ya sa kinatatayuan ko.

Ngumiti s’ya ng pilit. “Yes.”

Marahan akong umupo sa kama kung saan s’ya nakaupo. I gave her a look. “Let’s talk.”

Matamlay s’yang tumingin sa akin. Nakakapanibago. Sanay ako na masigla s’ya. Sanay ako na sinusungitan n’ya ko. Pero ngayon, para s’yang batang naagawan ng candy. “Alam ba nila mommy?”
Nagkibit balikat ako. I don’t have an idea.

“Kung hindi pa. . .” Seryoso s’yang tumingin sa akin. “Please don’t tell them. Please. . . Kuya.”

Prang tinunaw ang puso ko. This is the first time she called me kuya. She never called me kuya. She always calls me by my name. Hindi ko alam kung hindi s’ya komportable, o dahil hindi n’ya matanggap na magkapatid kami. Akala n’ya kase ay inaagawan ko s’ya ng atensyon sa parents namin.

Simula noong araw na nalaman naming na magkapatid kami, hindi na s’ya naging komportableng kasama ko. Natuwa nga ako nang magkalapit sila ni Mike. Napalapit din ako sa kan’ya.
“Okay ka lang ba?” I sincerely asked her. Hindi man niya sabihin ay ramdam kong nahihirapan s’ya. Alam kong nasasaktan s’ya. Lintek naman kase ‘yang si Mike. Bakit ba makitid ang utak?

“Yeah. Okay lang ako…. Kuya.” Ngumiti ulit s’ya kahit na gumuhit ang pangingilid ng luha sa magaganda n’yang mata. Almond shape iyon at medyo brown. Pareho kami. Nakuha siguro naming kay mommy.

Humugot ako ng hininga at diretsong tumingin sa mata n’ya.  “Kasalanan ko ‘to eh. Dapat sinabi ko sa kanila ang tungkol dito.”

Nagulat ako nang hawakan n’ya ang kamay ko. Bakit ba ang daming bago sa nangyayari? She intently looked into my eyes.

“No. It’s not your fault. Mutual ang decision natin nila mommy at daddy na itago ang tungkol dito. Walang may kasalanan.”

Her line even made me feel amazed.

Kailan pa s’ya nag-mature?

Agad kong pinalis ang isiping iyon at seryoso s’yang tinitigan.

“Sila Chloe ang nagsabi. Nakita pala nila tayo.”

Pinisil n’ya ang palad ko. “Hindi rin nila kasalanan ‘yon. It’s his option to believe them or not. And he chose to believe them.” Parang tinutusok ang puso ko nang makita ang lungkot na gumuhit sa kaniyang mga mata kasabay ng paggaralgal ng boses n’ya.

Agad ko s’yang niyakap. I hugged her tight while she’s crying in my shoulder. Hinagod ko ang kaniyang likod hanggang sa kumalma s’ya.

Bahagya ko s’yang inilayo sa akin. “Let me handle this. Aayusin ko ‘to,” I assured her.

Umiling s’ya. “Hindi na kuya. Hayaan mo na s’ya.”

“Pero. . .” tutol ko.

“Really, Kuya. Okay lang ako. Kung okay lang matutulog muna ko. Gusto kong magpahinga,” matamlay n’yang sabi.

40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon