Bella
I woke-up with a headache. Nabasa ako ng ulan kahapon at napuyat ako sa pag-iyak. Mabuti na lang at nandito si kuya at sina mommy.
After we arrived last night, I talked to mom and dad. S'yempre masakit para sa akin lahat ng nangyari, pero dahil marupok ako, nakipag-ayos na rin ako sa kanila. I know they were sincerly sorry for what they did.
Sana lang si Mike din.
I went to the bathroom and fixed myself. Masiyado nang maraming nangyari para magmukmok pa 'ko. Yes, I am still hurt, but I need to live my life.
Napahinto ako sa pagtutuyo ng buhok ko nang tumunog ang cellphone ko. I looked at the screen.
Mama ni Mike?
Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag. Pero dahil curious ako, sinagot ko rin matapos mag-ring ng maraming beses.
"H-Hello po, tita?" alanganin kong sabi.
"Thank God! You answered. Are you busy?" ani nasa kabilang linya.
Ibinaba ko ang towel sa kama ko at tumayo. "Hindi naman po. Bakit po?"
"P'wede ba tayong magkita?" seryoso niyang sabi.
"Bakit po, tita? May problema po ba?" Napakunot ako ng noo.
"I just wanna talk to you, hija. Let's meet. I will send you the address and time."
"Pero, ti-," sasagot pa sana 'ko, pero namatay na ang liniya.
Bakit kaya?
Wala ako sa sariling bumaba at pumunta sa kusina. Nagugutom na 'ko.
Nakita ko si kuyang nakaupo sa lamesa at kumakain. I glanced at my watch. It's already ten in the morning.
Late kaya siyang nagising?
"You're finally awake. Let's eat," yaya niya sa akin nang makita ako.
Agad naman akong umupo sa tapat niya at kumuha ng fried rice, hotdog, bacon at itlog. Sumubo muna 'ko bago ako bumaling kay kuya.
"Bakit ngayon ka lang kumain? Late kang nagising?"
Lumunok muna siya at uminom ng kape bago sumagot. "Yeah. Naglaro pa 'ko kagabi. Past 12 na kong nakatulog."
"Naku, kuya. Ilang araw pa, kamukha mo na si Zilong kakalaro mo," seryoso kong sabi. Pero tumawa lang siya. "What's funny?" I added.
Sumeryoso siya at tinapos ang pagkain. "Wala lang. It's just good to hear you calling me kuya. Masarap sa pakiramdam," sinsero niyang sabi.
Napahinto ako at napangiti na lang sa kaniya.
He's right. After all those year that we are together, I never called him kuya. Ngayon ko lang na-realize na masarap pa lang magkaroon ng kuya.
"Sige, mauna na 'ko. I need to see Mike. Broken 'yon. Enjoy eating," sabi niya matapos guluhin ang buhok ko.
Napanguso ako dahil sa ginawa niya. "Ingat ka."
Tumalikod na siya at kumaway bago tuluyang mawala sa paningin ko.
After a few minutes, may dumating na mensahe galing sa mama ni Mike. It's the address where we are supposed to meet.
Tumayo na ako at naghanda. I just wore my usual black jogger pants and white over-sized shirt. Nag-rubber shoes na lang din ako na puti. Hinayaan ko ang buhok kong nakalugay, nag-lip tint at humanda nang umalis. Wala akong choice. Nakakahiya naman sa mama niya.
Pumara ako ng taxi at sinabi sa driver ang coffee shop kung saan kami magkikita. Medyo malapit lang sa subdivision kaya mabilis akong nakarating.
Dumiretso na ko sa loob nang marating ko ang coffee shop. Nakita ko ang mama niya sa isang sulok. Napakaganda talaga niya kahit may-edad na. No wonder ang guguwapo ng mga anak niya.
Kumaway ako at ngumiti para maagaw ang pansin niya. She smiled back, pero halatang malungkot siya.
She gestured me to sit in front of her. "Kamusta?"
I forced a smile. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya, gayong anak niya ang dahilan ng bigat na nararamdaman ko.
Ngumiti siya. "Do you want coffee, juice, or anything?" she asked.
Umiling ako bilang tugon. "I'm okay po, tita. I came here kasi may sasabihin po kayo?"
Hinawakan niya ang kanang kamay ko. Her hand feels soft and warm. Tumingin siya sa mga mata ko habang nangingilid ang mga luha.
"My son is in pain, Bella. He suffers so much," bungad niya. Hindi ako sumagot. I don't know what to say. "I know he did something wrong to you, pero sana mabigyan mo siya ng pagkakataong makapagpaliwanag." Pinisil niya ang kamay ko.
Hindi ko napansin na unti-unti nang pumatak ang luha ko. Akala ko okay na 'ko, pero hindi pa rin pala.
"I don't know how to ease your pain, pero sumama ka sa akin. After this, you decide. Ito na lang ang magagawa ko para sa anak ko," seryoso niyang sabi.
Tahimik akong nakaupo sa tabi ni Tita Yohanna sa loob ng kotse. Hindi ko alam kung saan ba kami papunta dahil nakatulala lang ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
Ilang minuto pa ay huminto ang sasakyan. She smiled at me when her driver opened the door. Bumaba siya at sumunod naman ako. Tiningnan ko kung nasaan kami para lang mapanganga.
I give tita a confusing look. Mukha namang nakuha ni tita ang ibig kong sabihin. Ngumiti siya sa akin bago sinabing, "I will show you something. Don't worry, he is not here."
I don't know if I felt relieve na wala siya rito. Hindi ako sigurado kung kaya ko na ba siyang harapin.
Umakyat kami sa second floor ng kabahayan. Lumakad kami sa pasilyo patungo sa gawi ng kuwarto ni Mike.
Shocks! Saan ba kami pupunta?
Habang palapit sa kuwarto niya ay palakas nang palakas ang tambol ng puso ko. Laking pasasalamat ko dahil sa dulong bahagi kami huminto at hindi sa kuwarto ni Mike.
"We are here," ani tita. Binuksan niya ang kuwarto at ginaya ako papasok.
I got amazed when I completely saw the room. Study room siguro ito. May parang library section na punong-puno ng mga libro, at mayroon ding mga computers at printers sa kabila.
Shocks! Yayamanin talaga.
Humakbang siya patungo sa dulo ng hilera ng libro sa gawi ko. Parang may isip naman ang mga paa kong sinundan siya.
Huminto siya sa gitna na may wooden cabinet. Binuksan niya ito at may kinuhang kahon. Inaabot niya ito sa akin. "I will leave you so you have time to see and think. Hindi ito alam ng anak ko. Sana bigyan mo siya ng chance." Tinapik niya ang balikat ko at lumabas na.
Naupo ako sa upuan katapat ng mahabang lamesa. Pinagmasdan ko ang kahon. Kulay blue ang cover nito na halos ka-size ng kahon ng sapatos. Malaki lang ito ng kaunti. Huminga muna ako ng malalim bago ko ito binuksan.
Tears fell on my cheeks as I saw what were those inside the box. Inisa-isa ko ang laman niyon. Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko. Gulat. Confused. Panghihinayang. Hindi ko alam.
Kinuha ko ang librong kamukhang-kamukha ng librong pinag-agawan naming sa library. Unti-unting bumalik lahat ng memories namin. Binuklat ko ito at may nakitang nakaipit na putting rosas.
Ito ba 'yong binigay ko sa kaniya dati? Pero paano? Hindi ba binigay niya kay Chloe 'yon?
Lalong pumatak ang luha ko nang makita ko ang takip ng energy drink. Ayokong mag-assume pero ito yata 'yong binigay ko sa kaniya nang mag-practice sila.
Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Pinagbalatan ng ice cream, 'yong mask ni Lee Min Ho, pictures ko na stolen shots at pitures namin na magkasama.
Bakit siya mayroon nito?
![](https://img.wattpad.com/cover/219443728-288-k264425.jpg)
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Fiksi Remaja"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...