Bella
Pupungas-pungas akong pumasok kinabukasan. Kasabay kong naglalakad si Rocean at Aira patungong classroom na pag-e-exam-an namin. Sa totoo lang hindi pa namin alam kung saan ang room namin. Room 304 kami, ibig sabihin third floor pa.
Shocks! Ang layo!
Kinakabahan ako sa totoo lang. Nag-review naman ako, sadyang hindi lang nag-sink in sa utak ko, kaya naman nakatulog ako habang nag-re-review.
Shocks! Sana pala uminom ako ng Cobra eh!
Hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa harap ng classroom. Nag-browse kami sa list ng names na nakapaskil sa pader. Nakatungo akong pumasok nang makita ko na ang pangalan ko sa listahan.
"Hay! Excited na 'ko! Ang dami kong na-review," maingay na sabi ni Aira.
"Sus! If I know hindi ka sa exam excited, sa proctor," maarteng sabi ni Rocean.
"Grabe ah!" Tinampal ni Aira ang braso ni Rocean. Umayos ako ng upo sa bandang harapan at sinalpak ang earphones sa tenga ko. Nakinig ako ng music at pumikit. Nahihilo ako. Ten minutes pa naman.
Nakita ko ang iba na nag-re-review pa. Pero ako hindi na. Bahala na si Batman.
Napadilat ako ng may maramadaman akong dumaan sa harap ko at may mahulog sa paanan ko. Ballpen. Agad ko itong dinamapot para iabot sana sa nakahulog niyon. Pero saktong pagdampot ko sa ballpen ay may dumapot din nito. I automatically looked at that person. Naglapat ang paningin namin. Si Mike.
At tumigil ang mundo...
Pasimple kong pinagalitan ang sarili ko dahil kusa kong naisip ang linya ng kantang iyon. Seryosong-seryoso si Mike, pero looking fresh pa rin. Ang gwapo!
"Ano? Ikaw pa rin ba nauna sa ballpen KO?" wala pa ring emosyon ang pagsasalita nya. Halatang diniinan n'ya ang huling salita. Napanguso ako.
Agad kong nabitawan ang ballpen n'ya. "Sorry." Napayuko ako.
Sungit! Panda lang naman ang ballpen n'ya.
Hindi ko alam kung bakit ganito itong si Mike. Walang gana lagi, cold, emotionless. Pasimple ko syang sinulyapan. Nakaupo s'ya sa tabi ng mga kaibigan n'ya. Nagbabasa-basa.
Sana all nakapag-review!
Nawala ang pagmumuni-muni ko nang dumating na si Sir Aldous. As usual, naka-pink itong polo. D'yan nakilala si sir Aldous, bukod sa gwapo s'ya at matalino, mahilig s'ya sa pink na polo. To be exact, lahat ng polo n'ya pink, iba-iba lang ng designs. Malapit ko na nga s'yang mapagkamalang bakla.
"Good morning class!" nakangiti nitong bati. Well, isa naman ito sa gusto ko sa kan'ya as teacher, he's really jolly kaya hindi boring ang subjects n'ya.
"Good morning sir!" bati naman ng mga kasama ko sa room, lalo na ang mga girls na halatang kinikilig pa. Rinig na rinig ko pa ang nagpapa-cute na boses ni Rocean at Aira.
Sher daw! Kailan pa sila nagka-braces?
"Get one and pass," hudyat n'ya. Simula na ng kalbaryo namin.
Lord, kahit pasang awa, p'wede na po!
"You have three hours to finish the examination. Strictly, NO CHEATING!" dagdag pa ni sir habang inaayos ang eye glasses n'ya. Isa pa iyon sa nakadagdag ng kagwapuhan n'ya.
"Yesh sheeeerr," nagpapa-cute na sagot ni Aira. May pa-puppy eyes pa ito.
Yuck! Nakakahiya s'ya.
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Novela Juvenil"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...