DAY 34

65 16 24
                                    

Shocks! Napuyat ako kagabi. Hanggang ngayon para pa rin akong nasa ulap. Malinaw pa rin sa ala-ala ko lahat.

Matapos ang nakakaiyak na proposal ni Mike, at syempre magpapakipot pa ba ko? Duh! Puyag na ko. Natatandaan ko pa matapos no’n ay kumain kami.

I can’t even forget how long we danced in the rhythm of “Sa ‘yo”. Shocks! Kinilig lahat ng internal organs ko. Lalo pa kong napanganga nang kantahan n’ya ‘ko. Yes! He sang for me kahit hindi kagandahan ang boses n’ya.

Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko sa Hello Kitty kong alarm clock ang oras. Shit! Alas dos na pala ng hapon. Kaya pala gutom na ko.

Ganoon ba ko kapuyat?

Dahil gutom na nga ako, naisip kong bumaba na agad para kumain. Kahit nakapantulog pa ko at hindi pa nagsusuklay ay bumaba na agad ako ng hagdan.

Tutuloy na sana ako sa kusina nang may marinig akong nag-uusap.

Teka! Nakauwi na sila Mommy?

I stopped and hid for a while. I didn’t understand myself, but my instinct told me to do this. Nagtago ako sa malaking cabinet ni Mommy kung saan nakapatong ang mga vases n’ya.

“Come in,” narinig kong sabi ni Kuya. Napasilip ako at nakita kong si Mike ang papasok sa bahay.

My heart skipped a bit. Kagabi ko lang s’ya nakita pero parang miss ko na s’ya. Gusto ko sana s’yang takbuhin pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Para bang sinasabi nito na maghintay muna ‘ko.

“Good afternoon po, Tito, Tita,” bati n’ya kina mommy na nakatalikod sa pwesto ko. Naupo sila sa sofa.

“Si Bella po?” dagdag pa n’ya.

“Bro, kagabi lang kayo magkasama, miss mo na agad?” panunukso ni Kuya.

“Masama?” Tumawa ito at naupo sa single sofa sa tabi ni Kuya.

Dahil dito, hindi nila ko pansin sa kinatatayuan ko.

Bakit ba ‘ko nagtatago? Para ‘kong tanga rito.

“What’s the real score?” panunukso naman ni Daddy.

Kita ko nang mamula ang pisngi n’ya. Nagkamot ito ng ulo bago sumagot. “Hindi ko naman po sasaktan ang anak n’yo.”

Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi n’ya. I can’t imagine that we will be this far. Sana lang ay forever na ito. Pero alam kong hindi. Kaya ko bang iwanan s’ya?

“Hon, tigilan n’yo nay an,” pigil ni Mommy bago sila magkatawanan.

“Okay lang po, Tita,” nahihiyang sagot ni Mike.

“Ano palang sadya mo rito hijo?” ani Mommy.
Nagpakawala si Mike ng malalim na hininga.  “Hihingi po sana ko nga pabor, para magkausap kami ni Bella.”

Nagkausap na tayo ‘di ba?

Hindi ko alam, pero kinabahan ako sa tinginan nina Mommy, Daddy, Kuya at Mike.

May hindi ba ko alam?

“We are not sure if she is ready for this,” Mommy gave him a sigh.

“Ikaw naman hon, bakit hindi subukan ni Mike. I think it’s about time to tell her the truth,” sabi naman ni Daddy habang hinihimas ang baba n’ya.

Truth? So, may hindi nga ako alam?
“Okay. But, this should be the last time, I would see her in pain. Kung hindi, I’ll send you in jail,” biro ni Mommy.

“Magtiwala po kayo, wala po akong gagawin na ikakagalit ni Bella, or ninyo po,” may determinasyong sabi ni Mike.

Hindi ko alam kung bakit iba ang kaba ko sa takbo ng pag-uusap nila. Bakit parang may hindi ako alam? Bakit iba ang nararamdaman ko sa point na ito?

40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon