Day 33

42 17 125
                                    

.
.
.
.
.
******
Magaan ang pakiramdam ko nang pumasok ako ngayon. Duh! Para pa rin akong nasa ulap nang dahil sa nangyari kahapon. Para kong hinele ng maraming anghel.

I can't still believe that Mike did confess to me. For real. Hay. Dati lang ako 'yong humahabol sa kan'ya. Ngayon ang haba ng hair ko. Nakakaloka.

Ganado akong pumunta sa classroom namin. May quiz kami ngayon pero dahil hindi pa rin ako maka-move on sa pangyayari kahapon ay hindi ako nakapag-review.

Hinatid pa kase ako ni Mike kahapon sa bahay. Ginamit n'ya 'yong kotse ni Kuya, tapos ai Kuya naman ang nag-drive ng sports car n'ya.

Kahit hindi ko aminin, obviously naman na hanggang lungs ang kilig ko. Si Mike ba naman 'yon eh. 'Yong pangarap ko.

Speaking of Mike, hindi ko s'ya nakita sa room nila pagdaan ko roon. Kahit sila Kuya wala ro'n.

Nag-cutting na sila?

Naku, isusumbong ko sila kay Mommy 'pag nagkataon.

Matapos ang klase namin ay bumaba na kami para mag-break. Sinadya kong bagalan nang mapadaan na kami sa room nina Mike.

"Hoy! Baka maging giraffe ka na n'yan," pang-aasar sa 'kin ni Rocean.

Nginusuan ko s'ya sabay irap sa kan'ya. Biktihin ko kaya to ng spaghetti straps n'yang damit.

"Hinahanap mo si Mike?" dagdag pa n'ya.

"H-huh? Hindi ah. Tara na gutom na ko," sagot ko habang nagmamadaling humakbang patungo sa cafeteria.

Pagdating namin dito ay halos humaba na ng leeg ko kakalinga. Marami ng estudyante ang nakapila kaya pumila na rin kami.

Nasaan kaya sila?

"'Wag mong intindihin 'yon, mahal ka no'n," pabungisngis na sabi ni Aira.

Tinaasan ko s'ya ng kaliwang kilay. "Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Si Mike, hinahanap mo 'di ba? Wala sila, may community visit sila sa isa nilang subject," paliwanag ni Aira.

Napatangu-tango ako. "Kaya pala."

"Oh, 'di hinahanap mo nga?" sabay nilang sabi. Na-appeare-an pa ang mga bruha.

Binalewala ko nalang sila at duniretso sa pila ko. Nakakaloka.

Natapos ng break at lunch break pero hindi ko nakita sina Mike. Mukhang nagkabaliktad ang mundo namin kahapon. Ganito kaya ang pakiramdam n'ya? Ang bilis naman yata ng karma. Hindi pa naman malinaw ang lahat sa amin.

Naktulala ako habang nakatingin sa kaklase kong nag-p-present ng research title n'ya sa harap. May presentation kami ng research title namin. Mabuti nalang at next meeting pa ang schedule naming tatlo.

Ipinilig ko ang ulo ko. Shit naman. Kahit may nakatayo sa harapan ko, mukha pa rin ni Mikw ang nakikita ko. Addict na yata ako. Shocks!

"Any question?" tanong ni Ms. Yap sa amin. Inayos n'ya ang salamin n'yang mala- Harry Potter. Nakasuot ito ng black skirt at pink loung sleeves na tinernohan n'ya ng black pointed shoes. Deadly weapon.

"None ma'am," sagot ng mga kaklase kong akala mo naman nakinig sa kaklase namin sa pag-p-present.

Tumayo na si Ms. Yap sa harapan at itinupi ang Asus n'yang laptop.

"If you have no question, next presenters be ready next meeting. That would be all for today. Good bye, class," confident n'yang sabi.

"Good bye, Ms. Yap," sagot naming lahat.

40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon