Mike
Maaga akong pumasok ngayon. Lunes. Ayoko namang malate sa first day of the week na ito. Gaya ng dati, ipinarada ko ang bike ko sa tabi ng motor nila Arvin at Bryan.
"Bro!" bungad ni Arvin. Nagkamayan kaming tatlo.
"Buti naman maaga ka na," ani Bryan habang naglalakay kami sa pathway papunta sa building namin.
Maaga pa talaga. It's only seven. Inagahan talaga naming dahil ngayon ipo-post ang result ng exam namin no'ng Friday.
"Alam n'yo naman na may valid reasons ako 'pag na-late," walang emosyon kong sabi. "Maiba ako, kamusta ang exam n'yo? Hindi tayo napag-usap no'ng Friday, alam n'yo na, side line." Sa laundry shop kase ako dumiretso dahil sa trabaho.
"Mahirap, pero makakapasa naman siguro," nagkakamot sa ulong sabi ni Arvin.
"Yeah! Dinig na dinig nga naming yung sinabi mo during exam. Madali lang naman ah," pang-aalaska ni Bryan. Sa aming kaseng tatlo, si Arvin and pinakatamad mag-aral.
"Hindi lang ako nagreview kaya nahirapan ako. Palugit na iyon, hindi pa ako nagreview, pero sure papasa," pagyayabang nito.
"Tsk!" Nagpatuloy lang ako sa paglakad. Luminga ako sa paligid, baka may makarinig sa kayabangan nitong isang ito.
Naagaw ang paningin ko ng mga estudyante sa student center. Sina Joshua iyon, kasama 'yong girlfriend n'ya at mga kaibigan nito.
Mukhang okay na sila.
"Hay! Natulala ka na. Sino ba iyang tinitignan mo?" puna ni Arvin. Daldal talaga. Sa aming tatlo, siya ang pinakamaingay at pinakamayabang. Silent type lang kase kami ni Bryan.
"Ang ingay mo!" reklamo ni Bryan.
"Teka! Sina Joshua 'yong tinitignan mo? Mukhang kinukulit na naman n'ya si Bella," walang prenong sabi ni Arvin.
So Bella pala ang pngalan niya. Hindi sila bagay!
Teka! Ano ba itong iniisip ko? Wala naman akong pakialam sa kanila.
"Girlfriend n'ya iyon. Hayaan n'yo na." Walang gana akong dumiretso. Hindi ko sila kinausap hanggang makarating kami sa classroom namin.
"Alam ko kase hindi naman sila," halos pabulong ng sabi ni Bryan. Ibinaba nito ang mamahalin n'yang bag sa upuan niya.
"Lagi silang magkasama, saka narinig ko sila minsan. My love pa nga ang tawagan nila," tinungo ko ang aircon at isinindi iyon.
"Naks! Bro, kailan ka pa naging tsismoso?" Iniharap n'ya ang upuan n'ya sa amin. Nagsisismula na naman si Arvin.
"I accidentally heard it. Nasa canteen ako no'ng nag-uusap sila. LQ yata." Sumandal ako sa upuan ko at dumekwatro.
"Updated ah! Pero bakit parang irritable naman si Bella 'pag magkasama sila, may mag-shota bang gano'n?" intrigero nitong sabi.
"Kase nga hindi naman talaga sila," singit ni Bryan. Humihikab pa ang loko. Siguro nag-ML na naman kagabi.
"Paano mo naman nalaman?" Nagtaas ng kilay si Arvin.
"Tsismoso mo! Hayaan mo na sila." Tumingala ako at pumikit. Wala pa namang post sa bulletin board regarding sa result ng exam. Mamaya pa siguro.
"Gwapo naman," sagot nit. Ang hangin.
"Hindi nga sabi sila. Sabi sakin ni Bella." Tumayo si Bryan at lumabas. Napadilat naman ako sa sinabi n'ya.
"Teka, kalian pa sila naging close ni Bella? Hindi ko naman sila nakikitang nag-uusap ah," komento ni Arvin. Kadaldal talaga.
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Fiksi Remaja"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...