Bella
Hindi ko alam kung papasok ba 'ko sa araw na ito. Tinatamad akong pumasok. Paniguradong aasarin na naman ako ni Rocean at Aira.
Hay! 'Di ko naman sila masisi. Matagal ko na s'yang gusto. Pero ayoko naman na inaasar nila 'ko.
Papasok ba 'ko? Kinutkot ko ang aking bed sheet habang nakadapa ako sa aking queen-sized bed. Tinatamad ako. Kaso may quiz kami sa ABM 2, major subject pa naman namin 'yon, at first period pa.
Hay! Nakakaloka.
At last, I decided to go to school. Bahala na.
Bumangon ako at nagtungo sa bathroom. Madali akong naligo at nagbihis. Sinuot ko ang aking black high-waist skinny jeans. Pinarisan ka iyon ng cropped-top na kulay pula. Hindi naman ito masagwa dahil hindi naman lumalabas ang tiyan o kaluluwa ko. I checked my watch. Maaga pa, pero sa school na 'ko kakain para makapag-review pa 'ko mamaya.
Tiningnan ko ang aking rubber shoes at flat shoes. Namili kung ano bang isusuot ko. Sa huli, nag-rubber shoes na lang ako. Sinipat ko ang sarili ko sa salamin.
Hinayaan kong nakalugay ang aking kulot na buhok. Hinayaan ko iyong basa. May blower ako pero hindi ko hilig na gamitin iyon. Sanay akong pumasok na basa pa ang buhok. Nagpulbos lang ako at naglagay ng kaunting liptint. Napangiti ako matapos makuntento sa repleksyon ko sa salamin. Kinuha ko ang pink na leather backpack ko at bumaba na ng aking kwarto.
Nadatnan ko si kuya Boy na naghihintay na sa 'kin sa tapat ng sasakyan namin. Agad akong sumakay sa back seat at tahimik habang nasa byahe. Ayokong magsalita. Nakakatamad.
I go straight to our school cafeteria. Quarter to seven palang. Our first period will start at 7:30. Mahaba pa ang oras ko. I can spend my fifteen minutes eating. Makakapag-review pa 'ko ng thirty minutes.
Kailangan kong kumain ng marami. Mahirap pa naman ang quiz namin. Kailangan ko ng source of vitamins and minerals para naman gumana ang brain cells ko. Puro balance sheets pa naman ang ginagawa namin ngayon. 'Pag hindi ko nabalanse mamaya ang quiz patay ako.
Umorder ako ng tapsilog at hot chocolate drink. Hindi ako mahilig magkape. Nasusuka 'ko 'pag nagkakape eh. Naghanap ako ng mauupuan matapos kong makuha ang order ko. Inokupa ko ang pang-isahang lamesa sa sulok ng cafeteria. I want peace of mind. Ayoko muna sa ingay.
Minabuti kong kumain na para makapag-review ako agad. Kakasimula ko pa lamang ay nairita na 'ko dahil sa paparating na natatanaw ko.
Ang aga-aga!
Nahinto ako sa pagsubo nang tuluyan silang makalapit sakin.
"Nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap." Hinila ni Rocean ang isang upuan at tumabi sa akin. Nanatili namang nakatayo si Aira sa harap ko. Inirapan ko sila. I tried to ignore them. Patuloy akong sumubo.
"We looked for you inside our room, pero wala ka, so we tried to find you everywhere, and you are here," patuloy n'yang sabi at sinilip ang mukha ko.
"Don't talk to me," walang gana kong sabi. Sumubo ako ng fried rice at uminom ng hot chocolate.
"Seriously?" Nag-angat ito ng kilay at tumawa. Napaangat ako ng tingin and glared at them. I gave them deadly look. Kung nakakapatay lang ng tao ang pagtingin nang masama, 'di na 'ko magtataka kung kanina pa sila bumulagta sa harap ko.
"Hey! Don't be mad! That was just a joke! Don't take it seriously." Tumawa muli s'ya at 'di pinansin ang pagkunot lalo ng noo ko.
"Not a good joke, hindi nakakatawa." Kinalma ko ang sarili ko. Nagpatuloy akong kumain kahit parang hindi naman 'yon nababawasan.
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Teen Fiction"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...