Mike
Half-day ako ngayon. Ibig sabihin, may oras ako para sa sideline ko. Nagsimula na agad akong magtrabaho. Mahirap na. Ayokong mapagalitan ni Pandak.
"Parang may iba sayo," ani Mikee. Nagsasalang ito ng labahin sa machine.
"Huh? Anong iba?" Hindi ko na napigilang ngumiti. Nakakahawa kase ang ngiti ng babaeng ito.
"Ayan, tulad n'yan. Dati hindi ka naman ngumingiti, ngayon kahit konti napapangiti ka na." Tinusok-tusok n'ya pa ang tagiliran ko.
"Ano ba?" Pinigilan ko s'ya. Agad naman itong huminto at naglagay ng liquid detergent sa machine. "Hindi ah. Ganito na 'ko dati pa."
Sumadal ito sa machine at humalukipkip paharap sa'kin. "Hindi rin. Saka napansin ko, these few days medyo nagda-daydream ka."
Nahinto kami sa usapan nang dumating si Misis Cruz para kuhanin ang pinalabhan n'ya.
"Mikee yung pinalanhan ko kahapon."
"'Eto po, Misis Cruz. 300 po."
"Heto ang bayad."
"Thank you po."
"Mabalik ako. May nagbago nga sayo," pangungulit nito. Tinutusok-tusok na naman n'ya ang tagiliran ko.
"Ano ba? Wala nga. Kulit nito," ani ko sa pagitan ng pag-iwas.
Natulala nalang ako nang mapansin ko ang pamilyar na bultong papalapit sa'kin. Naestatwa ako. Hindi ko alam kung bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko.
Bella
Shocks! Nakakatamad. Half day lang kase si Mike, wala tuloy akong masilayan. Bakit kase half day lang ang schedule nila tapos kami may hanggang alas dos pa?
Miss ko na s'ya.
Nasa kasalukuyan ako ng pag-iisip ng may masamang hangin na dumating.
"Alam mo Chrystle, uso na pala yung desperada ngayon," pagpaparinig ni Chloe. Sadya itong huminto at naupo sa tabi ko.
Epal!
"Kaya nga eh. Nagmumuka ng tanga lapit pa rin nang lapit." Bumingisngis naman si Chrystel.
Nagulat naman ako nang umupo malapit sakin si Chantle. "Hindi na nahiya. 'Di na nga pinapansin, nagpapapansin pa rin."
Dahil naiirita ko sa pagdating nila ay nagsuot nalang ako ng earphones at sinimulang mag-sound trip.
"Hoy! Kinakausap ka ah!" Hinablot ni Chloe ang earphones ko.
Na naman?! Shit these girls!
"Ako bang kinakausap n'yo?" walang gana kong sagot.Wala talaga 'kong panahon para sa mga ito.
"Isn't obvious? Wala namang ibang tao rito." Tumayo si Chrystle at namaywang sa harap ko.
"Akala kase nag-uusap kayong tatlo." Nginitian ko sila at ikinabit ulit ang earphones ko.
"Talagang hindi ka mamamansin ha? Hoy Bella, tigilan mo na si Mike! Masyado ka nang agaw eksena!" Halos maputol ang litid ni Chloe.
Hindi ko na sana sila papansinin pero dumating naman si Rocean. "Hoy kayo! Ginugulo nyo naman si Bella!"
Hinarap naman ni Chantle si Rocean. "'Yan kaseng kaibigan mo ayaw tantanan si Mike!"
"Ano bang pakialam n'yo? Mind your own business!" Pinandilatan naman ito ni Rocean. Ganito kase s'ya kapalaban.
![](https://img.wattpad.com/cover/219443728-288-k264425.jpg)
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Genç Kurgu"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...